Chapter 4: The plan

86 4 0
                                    

Nicko's POV

Hi ladies. The handsome Nicko Mendez at your service.

*wink*

"Ang gwapo mo talaga" Sabi ko habang nakatingin sa pinakagwapong lalaki na nakilala ko sa balat ng lupa.

"KUYAAAAA! Stop staring at your ugly face" sabi ng napakapangit kong kapatid saka ako tinulak at tumingin din sa salamin. "Alam naman nating dalawa na mas gwapo ako sayo" Nakangising saad niya at nagpogi post pa sa salamin. Yuck! Anong gwapo don? Jejemon ampupu.

"Little bro masama ang pagiging assumero" Sabi ko sa kanya at nagspray ng kunting pabango.

"Pero mas masama ang pagiging FEELINGERO!" sabi niya ng may mapang-asar na ngiti. Saka dumiretso sa kama ko at tumalon talon.

"Hoy yung kama ko nagugulo" Sabi ko sa kanya at binelatan niya lang ako.

"WHATEVER PANGET!" Sigaw niya sakin at nagmamadaling tumakbo palabas.

"Hoy sinong panget?!" Sigaw ko sa kanya at hinabol ko siya. Nakita ko siyang bumaba sa hagdan at tumungo siya sa kusina kaya pumunta ako din ako don at kumuha ako ng kutsilyo sa may kitchen utensils namin.

"MOMMYYYYYY! KUYA IS GOING TO KILL MEEEEEEE!!!" Sumbong niya kay mama at nagtago sa likod ni mama. Nilingon naman ako ni mama nang nakangiti at pailing iling.

Wala si Daddy dahil pumunta siya ng province nila para bisitahin si Lolo at Lola.

"Hoy baby damulag huwag kang OA. Di ba pwedeng magbabalat lang ng mansanas?! Ikaw balatan ko jan ng buhay eh" Sigaw ko sa kanya.

"You do you heard it mom?! He's gonna peel me off aliveeeeee!" tatakbo takbong sabi niya habang nakataas pa ang dalawang kamay.

"Magsitigil nga kayong dalawa jan. Kahit kailan talaga" Suway samin ni mama. "Halina kayo dito't kakain na" Sabi ni mama habang nagtitimpla ng orange juice at dahil patay gutom ang kapatid ko nag-sandok kaagad siya ng napakaraming kanin.

"Hoy magtira ka naman" Sigaw ko sa kaniya pero kuha pa rin siya ng kuha ng kanin.

"Doon ka na lang sa cafe kumain" Sabi niya sakin habang kumukuha ng bacon, egg at ham.

"Wala akong pera. Dumating na yung may ari ng cafe kaya di ako makakadiscount don" Sabi ko at kumuha na din ng kanin. Ang damot damot kasi ng may ari ng cafe parang wala naman kaming pinagsamahan. Pagnanjan kasi siya di ako makakadiscount hindi daw kasi porket mahal niya ako eh makakadiscount na ako sa cafe niya.

"Huwag mo dapat inaabuso ang kabutihan ng isang tao dahil darating ang araw mapapagod din yan at marerealize niya na masyado mo ng inaabuso ang kabutihan niya. Mapapaisip siya na 'ay di ko deserve 'tong trato niya sakin tama na ang pagiging mabuti' " Yan ang eksaktong sinabi niya sakin. Ewan ko nga ba kung bakit tumatak yan sa isipan ko. Pero ipinagsawalang bahala ko na lang yan.

Pagwala naman siya sa Cafe niya syempre makakadiscount ako syempre kunting pacute lang naman don sa mga staffs nila.

"Talaga?! Yes makakalibre ako" Masayang sabi niya. Tumayo siya at sumayaw sayaw pa.

"Tapos ka na kumain?!" Gulat na sabi ko. 0_____0

"Kuya obvious naman diba?"  Sarkastikong sabi niya at umalis na. Grabe! Isang bundok ang kinuha niyang kanin tapos ubos na kaagad.

Buti pa siya laging nililibre eh ako? Ang unfair!

"Mommy alis na po ako mwah mwah chup chup" Sabi ni Micko at kumaripas ng takbo palabas ng bahay.

"Himala ata at ang aga ng kapatid mo" Sabi ni mama sabay tingin sa wrist watch niya. "Diba 8:30 pa pasok non. Eh anong oras pa lang 7:45 pa lang" Nagtatakang tanong ni mama.

My Gangster CasanovaWhere stories live. Discover now