Nate's POV
Pumasok na yung teacher namin sa next subject. Napabaling naman ako sa katabi ko. Sa kanan ko ay si Cole na katabi si Blake, sa kaliwa ko naman ay si Kieffer at ang katabi niya naman si Nicko. Bale 6 ang upuan kada row yung taong nakaoccupy ng isang upuan ay nasa tabi ni Nicko. Di ko siya kilala kaya nevermind.
Tumingin na ako sa harapan ng nakita ko ng pumasok si Sir Ion ang science teacher namin. Nakita ko yung babae sa bar na papasok din dito sa classroom. WTF?! Huwag niyong sabihin na magiging classmate namin yan.
Malamang Nate kaya dito siya dumiretso kanina diba.
Oo nga pala. Tsk.
Random ang mga estudyante sa bawat section kaya hindi ibig sabihin na nasa section one ka eh matalino ka na. Ang name ng bawat section sa year batch namin ay Zodiac Signs. Ang section one ay Aries. Section two Gemini. Section three Virgo. Section four Sagittarius. Section five Aquarius. Section six Scorpio and lastly ang section seven which is ang section namin. Cancer. Marami kasing cancer dito sa classroom.
"Ok class may bago kayong classmate. Please introduce yourself Miss" Sabi ni Sir Ion. Pumunta yung babaeng tumuhod sakin sa harapan na nakatungo at tsaka nag-angat ng paningin.
"Hi I'm Saine" Sabi niya. Naghintay pa kami kung may sasabihin pa siya pero wala nang lumabas na salita mula sa bibig niya.
"O-ok. Maghanap ka na ng vacant sit jan at maupo ka na para makapagstart na ang klase" Sabi ni Sir. Naghanap naman siya ng mauupuan pero biglang nagsalita si Nicko.
"Sir dito na lang siya sa tabi ko"
"But Mr. Mendez may nakaupo na jan. Marami pa namang vacant sit. Don na lang siya uupo" Sabi ni Sir. May binulong naman si Nicko sa katabi niyang nerd na lalaki at napatango naman siya.
"A-ah s-sir dito n-na l-lang p-po siya u-umupo" Nauutal na sabi nong nerd. Dali dali siya tumayo at naghanap ng ibang bakanteng upuan at umupo. Naglakad naman yong Saine patungo sa kinauupuan ni Nicko at umupo din kaagad. Nagsimula na si Sir sa pagdidiscuss. Hay naku ang boring. Kinalabit ako ni Kieffer at bumulong.
"Ano kaya magiging punishment niyo?" Nakangising sabi niya. Tsss hanggang ngayon di pa rin siya nakakamove on sa pagkalate ko.
"Manahimik ka nga Kie. Malilintikan ka sakin pagdi ka nanahimik" Singhal ko sa kanya. Napatingin naman ako kay Nicko na nakikipagdaldalan din siya sa katabi niya. Dahil sa lakas ng boses ni Nicko hanggang dito sakin ay naririnig ko. Bumubulong ba talaga 'to o sumisigaw?
"Hahaha. Yan ba ang di malalate. Sabagay di ka naman na late" Sabi ni Nicko kay Saine "Di ka nalate sa second subject. Wahahaha" Dugtong pa nito.
"Mr. Mendez what are you laughing at? Mind sharing it with us? Para di lang ikaw yung tumatawa jan" Kunot noong sabi ni Sir.
"None Sir pffft... " Nagpipigil ng tawa na sabi nito. Ang babaw ng kaligayahan. Tsss. Nong hindi na nakatingin si Sir kay Nicko ay kaagad naman niyang binalik ang tingin kay Saine. Tsss oras ng klase naglalandian.
"Pfft lagot ka jan. Malupet magpunishment si Ma'am Velasquez" Natatawang sabi ni Nicko with matching lagot lagot sign.
"Shut up" Nakabusangot na sabi ni Saine. Napatingin naman ako kay Kie ng ilapit niya ang upuan niya sakin.
"Nate seryoso. Ano ba talaga punishment niyo?" Pangungulit ni Kieffer.
"Mananahimik ka jan o patatahimikin na kita habang buhay?" Seryosong tanong ko sa kanya. Sobrang kulit kasi niya daig niya pa ang batang nagtatantrums. Ilang sandali pa bumulong ulit si Kie sakin.
YOU ARE READING
My Gangster Casanova
Ficțiune adolescențiIsang tomboy at isang badboy. Saine Ashtrid Mendez - isang babae na baduy at lalaki kung manamit, pangit, isip-bata, masungit na aakalain mong babae kong hindi lang sa suot na sombrero, at napakasadista. Nate Lucas Sandoval - isang gangster na isi...