Saine's POV
HALAAAAAAAAA! LATE NANAMAN AKO!
Huhuhu two weeks straight na akong late buti na lang bumait si Ma'am Velasquez at hindi niya na ako binigyan ng parusa. May lovelife na ata si Ma'am kaya bumait.
Kasalukuyan akong tumatakbo ako ngayon sa corridor papunta sa classroom namin ng may tumawag sa pangalan ko.
"Ms. Mendez" nakangiting sabi ni Ma'am Velasquez.
"Yes Ma'am" kinakabahang sabi ko. Nakakakaba naman kasi ng ngiti ni Ma'am parang siyang may sasabihin siya na hindi ko magugustuhan.
"Binasa ko ang school records mo at yung report card mo and I am very impressed to your performance in your previous school. I didn't know na Valedictorian ka pala" sabi ni Ma'am.
"Di tayo close Ma'am para malaman mo" bulong ko. Nagpatuloy si Ma'am sa pagsasalita at mukhang walang narinig.
"But sad to say ang pagiging late mo ay nakakaapekto sa grades mo" ani ni Ma'am. Hala! Kinakabahan talaga ako huhuhu nasabi ko na ba sa inyo na grade conscious ako? Kung hindi pa, alam na.
"W-what do you mean Ma'am?"
"You will be the one to represent our section on up coming pageant para mahatak natin pabalik ang grades mo. You will be the representative of Section 1. Is that awesome, right?" nakangiting saad ni Ma'am.
WATDAPAKKKKKK! BAKIT? BAKIT AKO PA?
Ganito ba ako kasama noong past life ko at pinapahirapan niyo ko ng ganito?!?! Ha?! Ha?! Sagot?! De joke lang.
"Hindi ba pwedeng bumawi na lang ako sa other activities Ma'am? Like quiz bees or something na may kinalaman sa acads?" sabi ko.
"It's up to you Ms. Mendez. After all hindi naman ako ang mahihirapan makabawi ng grades" sabi ni Ma'am. Tumalikod na si Ma'am Velasquez at nagsimula ng maglakad papunta sa classroom namin. Do I have a choice?
"Wait!" pigil ko kay Ma'am at humarap naman siya sakin ng nakangiti. Bumuntong hininga ako sabay sabing "Payag na po ako" Sabi ko at pilit na ngumiti. Tumango naman si Ma'am at umalis na ng tuluyan.
Tama ba ang naging desisyon ko? Or masyado lang akong naging impulsive? Hays bahala na Ang tatlong bibi.
***
*Kringggggggg!!!*
Hays. Dati rati excited akong magbreak time pero bakit ngayon wala akong gana?
Iniisip ko pa din kasi kung tutuloy ba ako sa pagsali sa pageant na yon. Palabas na ako ng room ng may nahulog na timba sa taas ng pintuan na may lamang harina na may tubig at natapon sa ulo ko.
"Sinong may gawa nito?!" sigaw ko at humarap sa mga kaklase ko na ngayon ay nakatingin na sakin.
"Ako bakit?" maangas na sabi ni Nate. Itong kutong lupa pala ang may gawa nito sakin. Ha! Pasalamat ka wala ako sa mood makipag-away sayo kung hindi kanina pa kita sinapak.
"Bwesit ka talaga ah. Gusto mo dagdagan natin yang pasa sa mukha mo" inis na sigaw ko. Oo wala ako sa mood sa lagay na 'to.
Lumapit si Cole sa kanya at inakbayan niya si Nate.
"WAHAHAHAHA siya pala may gawa ng pasang yan tol. Pangit ka na nga mas pumangit ka pa BUWAHAHAHAHAHA" humahagalpak sa tawa na saad ni Cole.
Huminto sa pagtawa si Cole at bumalik sa kinauupuan niya ng samaan siya ng tingin ni Nate.
"Tsss wala ka na bang ibang maisip na gawin at pambata pa ang ginawa mo" mapang-asar na sabi ko. Humagalpak naman siya ng tawa at tinignan ko lang siya ng nagtataka "Anong nakakatawa?"
YOU ARE READING
My Gangster Casanova
Fiksi RemajaIsang tomboy at isang badboy. Saine Ashtrid Mendez - isang babae na baduy at lalaki kung manamit, pangit, isip-bata, masungit na aakalain mong babae kong hindi lang sa suot na sombrero, at napakasadista. Nate Lucas Sandoval - isang gangster na isi...