Blake's POV
Nandito ako ngayon sa tree house naming lima dito sa loob ng campus kasama ko si Nicko, Cole at Kieffer natanghali ako ng gising kaya ngayon lang ako pumasok.
Nadatnan 'kong namang lumalamon si Cole at Kieffer dito ni hindi nila napansin ang pagdating ko dahil masyado silang busy sa pag-aagawan ng pagkain. Samantalang si Nicko naman ay nakahiga sa sofa bed namin at tutok na tutok sa cellphone niya at siguradong katext niya nanaman yung bago niyang syota. =_____=
"Akin 'to! Ako nauna" Narinig kong sabi ni Kieffer.
"Anong ikaw? Ako kaya" Sabi naman ni Cole.
Napatingin naman ako sa kanila para tignan kung anong pinagtatalunan nilang dalawa. Nakita ko naman doon ang isang box ng large pizza na iisa na lang ang laman.
"Ako kaya! Nakailan ka nang slice eh" Sabi naman ni Kieffer habang nakahawak sa pizza.
"Hoy tatlo pa lang sakin. Nakaapat ka na kaya. Kaya akin 'to para fair" Sabi ni Cole at hinablot ang pizza pero hindi parin ito binibitawan ni Kieffer.
"Bakit kasi ang bagal bagal mong kumain. Ako nauna kaya akin 'to" Saad ni Kieffer at siya naman ang humablot ng pizza papunta na direksyon niya.
"Anong mabagal? Sadyang patay gutom ka lang talaga" Sabi ni Cole at hinablot ulit papunta sa direksyon niya.
"Anong patay gutom? Ikaw kaya ang patay gutom na ating dalawa. Ikaw nga lang umubos ng nachos ko eh"
"Hoy baka nakakalimutan mo na ikaw ang umubos sa tatlong packs ng pringles ko"
"Ahy ako ba?"
"Oo ikaw ganon ka kapatay gutom"
"Past is past noh. Itong pizza ang pinag-uusapan natin dito hindi yang pringles mo at tsaka ang pangit pangit naman ng lasa non" Sabi ni Kieffer. Hays ang gugulo naman ng dalawang 'to 'e parehas namang patay gutom. =_____=
"Wow huh hiyang hiya naman ako sayo. Kaya pala naka-tatlong pack ka at pumupuslit pa ng dalawa dahil di masarap" sarcastic na sabi ni Cole.
"Pinagtitiisan ko lang yon kasi walang ibang makain"
"Anong walang ibang makain eh ang dami daming pagkain sa bag mo nong time na yon"
"Tumigil nga kayong dalawa jan. Ang iingay niyo. Akin na lang yan para walang away" Sabi ko sabay hablot ng pinag-aagawan nilang pizza sabay kagat.
"WAAAAAAA YUNG PIZZA KO!" Parang bata na sabi ni Kieffer.
"Anong pizza mo pizza ko kaya yon" Sabi naman ni Cole at nagsimula nanaman silang magbangayan. Hays kaya ko nga kinuha para hindi na sila mag-away pero mukhang mali.
Malapit ng matapos ang break time namin pero wala pa rin si Saine dito. Tsss san nanaman ba nagsususuot ang babaeng yon. Hays pati si Nate hindi na din bumalik. Natapunan kasi ng juice ang damit niya at dahil sa sobrang kaartehan ayon naligo. Tsk tsk tsk paniguradong naghuhukay na ng libingan ang lalaking nakatapon ng juice sa kanya.
Dahil sa di ako mapakali tumayo na ako sa kinauupuan ko at kinuha na ang bag ko.
"Oh dre san punta mo?" Sabi ni Kie na lumalamon nanaman.
"Hahanapin ko yung kapatid ko. Taong gubat pa naman yon at di sanay sa siyudad"
"Kung taong gubat siya edi taong kalye ka naman kasi dito ka lumaki sa Maynila" sabi ni Cole at humagalpak naman ng tawa si Nicko at Kieffer.
"Ul*l" Sabi ko at tinaas ang middle finger ko.
"Luh? Pikon talaga si lolo kahit kailan" tatawa tawang sabi ni Nicko.
YOU ARE READING
My Gangster Casanova
Teen FictionIsang tomboy at isang badboy. Saine Ashtrid Mendez - isang babae na baduy at lalaki kung manamit, pangit, isip-bata, masungit na aakalain mong babae kong hindi lang sa suot na sombrero, at napakasadista. Nate Lucas Sandoval - isang gangster na isi...