Nate's POV
Hay naku nasan na ba si Kieffer. Mukhang papahirapan pa ako sa pagnahanap sa kanya. Bwiset na yon.
←_←
→_→
0_____0
*evil laugh*
Huli ka! Muwahahaha.
"KIE?!"
"Oh bakit tol miss mo ko?" Nakangiting bungad niya sakin.
"Oo tol na miss kita" sabi ko sabay yakap sa kanya. Yung bro hug syempre. Kadiri naman pagpangbabaeng yakap. Uyyy di ako bakla ah kung di lang 'to may atraso sakin hinding hindi ko to yayakapin.
Nang masiguro ko na naidikit ko ng mabuti ang papel na nasa likuran niya ay humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Hala tol bat bigla ka na lang nangyakap out of the blue?!" nakangiting sabi niya pero agad din umawang ang kaniyang bibig. "OHMAYGASSSSSSSSS! Nababakla ka na ba sakin Nate dahil sa tindi ng charms ko?! Oh di kaya..." napalingon naman siya sakin na nanlalaki ang mata "Huwaaaaa!Mamamatay kana ba tol at namamaalam ka na?! Yan na nga ba sinasabi ko eh diba sabi ko naman sayo gumamit ka ng condom para di ka mahawaan ng HIV. Huhuhuhuhu huwag kang mag-alala tol ako na sasagot sa pang tong-its at sa kabaong mo. Bahala na sila Blake sa kape, juice, at sa tinapay. Ako na din gagawa ng box para sa paghingi ng abuloy mo" pagkasabi niya non ay kaagad ko siyang binatukan ng malakas. Bwiset kahit kailan talaga napaka-OA nito.
"Gago gusto mo ikaw mauna ha?!" Sabi ko at akmang sasakalin na siya pero kumaripas na siya sa pagtakbo papuntang cafeteria. Napangisi naman ako dahil sa tingin ko magiging successful ang plano namin ni Saine. Buti na lang din doon siya sa cafeteria pumunta mas maraming tao don. Oo maraming tao doon ngayon kahit umaga pa lang. Inannounce ko kasi sa mga fangirls ni Kieffer na may magaganap na free kiss at free hug sa canteen at ang sabi ko si Kieffer ang nakaisip ng idea na yon at siya din ang taong pwede nilang ikiss at ihug.
*evil smirk*
Alam ko namang pambata lang ang ginawa naming ganti ni Saine kay Kieffer at Nicko pero gusto lang naman nmin na mabigyan din sila ng punishment ni Ma'am para fair. ^_^
****
Saine's POVHays sarap ng cakes nila dito mukhang mapapadalas ata pagpunta ko dito ah. Busog men. ^o^
Napatingin naman ako sa relo ko habang nakahawak pa ba tiyan ko.
⊙_⊙
HUWATTTT?!??!! 8:27 na?!?!!!? Malalate na ko huhuhu.
Napatakbo ako kaagad papuntang room namin. Sa sobrang bilis kong tumakbo muntik na akong makipag-lips to lips sa sahig. Aba chansing yung sahig pagnagkataon.
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko huhuhu ayaw ko ng malate at ayaw ko ng mabigyan ng punishment. Di ko nga alam kung private school tong napasukan ko eh. Grabe! Akala ko unti lang ang lilinisin ko sa cr nong sinabi ni Ma'am na cr ng girls lang ang lilinisin ko pero ahhhhh! Sobrang dumi ng cr! Tapos ang panghi panghi pa sakit sa ilong. Sa tingin ko nga sinadya ni Ma'am yon eh.
Papasok na sana ako ng pintuan ng.....
*Bogshhhhhhh!*
Aray naman! Ang sakit non ah!
Sa sobrang pagmamadali ko pala hindi ko napansin na nakabangga ako ng pader at sa sobrang lakas ng impact hindi ko namalayan na nakasalampak na pala ako sa sahig. Grabe ang tigas non ah.
Wait! Wait! Wait! Wait! Sa pagkakaalam ko wala naman pader sa harap ng pinto ah. Tinignan ko kung ano yung nabangga ko at nakita ko sa harap ng pinto si Maniac.
"Oh bakit jan ka naupo?" nakangiting tanong niya. Ngiting nang-aasar "Nandon yung upuan mo oh" turo niya sa direksyon na upuan ko.
"Wala kang paki! Eh sa dito ko gustong maupo eh. Bakit ba!" sarcastic na sabi ko. Bwiset eh alam niya naman siguro na natumba ako dahil sa pagkakabangga sa kanya. Kabanas toh ah.
Huhuhu ang sakit pa naman sa noo at sa pwet (╥_╥). Pero infairness ang tigas ng ano niya ah..... Hehehe yung ano niya..... Sobrang tigas talaga ng dibdib siya. Uyyy hwag green minded ah.
Tumayo na ako sa pagkakasalampak ko sa sahig at nagtungo na ako sa upuan ko dahil natanaw ko na si Ma'am Velasquez na papunta sa direksyon namin.
Boring!
Hay naku. Napapapikit pikit na lang ako dahil inaanok na ako dito sa sobrang boring ng subject na toh. Pano ba naman kasi history pala ang first subject namin. Hays ewan ko nga kung bakit pilit nilang binabalikan ang mga panahon na dapat nang kinakalimutan at hindi na dapat balikan. Charottttt! Hindi ako bitter ah nagpapakatotoo lang.
Napapikit na ako ng tuluyan at makakatulog na sana ng...
*Blaggggggg!!!*
Ayyy shit!
Muntik na akong napasigaw dahil sa pagkagulat buti na lang natakpan ko ang bunganga ko. Napatingin naman kami sa pinanggalingan ng ingay at bigla akong napatingin kay Maniac na ngayon ay nakatingin na sakin na namumula ang mukha at lumulobo ang kanyang pisngi.
"PFFFFT! WAHAHAHAHAHA!" sabay kaming humagalpak ng tawa. Halos mangisay na kami at mahiga sa sahig kakatawa. Pffft pano ba naman kasi nakita namin si Nick at Kieffer na may lipstick sa pisngi, gulo gulo ang buhok, gusot gusot ang damit at meron pang maliliit na punit, pawis na pawis na din sila na akala mo sumali sa marathon. Hahaha kung makikita mo lang ang itsura nila para silang ginahasa.
Hahaha ang epic men.
Napatigil na lang kami sa pagtawa ng samaan kami ng tingin ni Ma'am Velasquez.
"MR. MENDEZ AND MR. HERNANDEZ?!?!!? LINISAN NIYO ANG BUONG CAMPUS!!! NGAYON NA!!!" galit na sigaw ni Ma'am. Nasabi ko na ba sa inyo ng man hater si Ma'am pero kung hindi pa... Ang man hater ni Ma'am kasi kahit iharap mo pa ang mga pinakagwapong lalaki sa buong mundo at pinakahot na lalaki sa harap ni Ma'am hindi niya yan papansinin ganon yan ka bitter.
Napalingon ako kay Maniac na hanggang ngayon ay nagpipigil parin ng tawa. Hahaha hindi nga namin inaasahan na ganon ang mangyayari eh ang akala lang namin ay pagkakaguluhan lang sila ng mga fangirls nila hindi naman namin alam na gagahasain pala sila. (≧∇≦)
***
Nate's POVLumipas ang buong maghapon na walang nagpakita na Blake at Cole. San kaya nagpunta yung dalawang kumag na yon?
*Kringgggggg*
Oh yes makakaalis na din sa wakas. Dali dali akong lumabas ng classroom namin at agad na nagtungo sa parking lot.
*stomach growling*
Uh ano ba yan gutom na ko.
Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar papuntang coffee shop nila Blake. Pagkarating ko don ay kaagad kung ipinarada ang mamahalin kung sasakyan.
Pagkapasok ko sa coffee shop ay agad akong umorder ng cheesecake, blueberry muffins at iced tea. Magmemeryendana lang muna ako sa bahay na lang ako magdidinner.
Hays ang sarap talaga ng pagkain nila dito pero kahit barkada ko si Blake ni minsan hindi niya kami dito nililibre. Hmmm mahal daw kasi. Pwedeng pwede naman yon maglibre eh sa kanila naman tong cafe. Pero sa tuwing dito kami kumakain nakikita ko naman siyang nagbabayad. Weird right?
Pagkatapos kung kumain ay pumunta na ako sa parking lot dahil gusto ko ng matulog. May nakita akong isang familiar na lalaki na may kausap.
Si Blake ba yon? At sino naman yung kausap niya?! Teka si Saine yun ah! At bakit sila magkasama?!!?
Lumapit ako kung nasaan sila kahit di naman ako don nagpark. Nacucurios lang ako kung anong pinaguusapan nila seryoso kasi silang nakatingin sa isa't isa.
"Baby naman bakit di mo naman ako tinetext? Pati mga calls ko nirereject mo. May problema ba tayo?"
Baby?! Anong kalokohan 'to?! Hwag mong sabihin na may relasyon tong dalawang toh?! Paano na si Nicko?! At talagang yung magpinsan pa ang pinunterya niya?!
Kung sabagay babaero naman ang mga tropa ko kaya ok lang. Siguro naman hindi naman sila seryoso sa tomboy na 'to.
~To be continued~
YOU ARE READING
My Gangster Casanova
Teen FictionIsang tomboy at isang badboy. Saine Ashtrid Mendez - isang babae na baduy at lalaki kung manamit, pangit, isip-bata, masungit na aakalain mong babae kong hindi lang sa suot na sombrero, at napakasadista. Nate Lucas Sandoval - isang gangster na isi...