Chapter 7: Kuya?!

70 6 1
                                    

Saine's POV

Nagising ako ng 6:00 ng umaga dahil ang sakit ng tuhod ko.

Huhuhu daddy my knees hurt!

Letche kasi yung Nate na yon! Kung hindi niya ako pinatid hindi sana magkakasugat yung tuhod ko. Tapos nakipag-lips to lips pa ako sa sahig huhuhu yung first kiss ko sa sahig nagpunta. Hehehe chos. Pero ang sakit talaga ng tuhod ko.

Dahil sa hindi na ako makatulog bumaba na lang ako at nagtungo sa kitchen. Nandito ako ngayon sa bahay nila Mel short for Monica Ember Layne Legarde. Wala yung parents niya kasi pumunta daw sa isang Business trip. Mga kasambahay, driver, at guards lang ang kasama namin dito kasi only child lang si Mel. Dito muna ako nakikitira sa kanila kasi nababadtrip ako sa bahay namin. Nakakatampo kasi sila. Alam niyo kung bakit? Syempre hindi pa. Ganito kasi yon.

*Flashback*

Yah! Ang tagal ko ng naghihintay dito sa airport wala parin ang magaling kong kuya. Aish! Bwesit talaga yon kahit kailan. Sabi niya susunduin niya ako ang yabang yabang niya pa ang sabi ba naman 'don't worry baby sis I'll be there on time' Pero hanggang ngayon wala parin yung tandang yon.

Tapos may nakabungguan pa ako. Oo mga besh nakabungguan hindi yung literal ah yung as in forehead to forehead sakit non ang laki pa nmn ng noo niya. Pota! Nanggigigil ako sa babaitang yon. Yes babae siya mga besh tapos yung hudas na babaeng yon tinawag akong magnanakaw. Wengya! Mukha ba akong magnanakaw. Tinutulungan ko na nga lang pulutin yung mga nahulog sa gamit niya tapos ako pa yung magnanakaw. Eh kung piktusan ko kaya esophagus non. Buset.

Dahil sa nababadtrip na akong maghintay sa kuya kong gurang. Pumara na lang ako ng taxi.

"Manong don po tayo sa Green High Subdivision"

"Don po ba kayo nakatira Ma'am" tanong niya sakin.

"Ayyy hindi kuya hindi. Don lang po ako mamamalimos" Sabi ko. Note the sarcasm.

"Ahy ganon ba Ma'am ilan po ba sa isang araw ang kinikita niyo sa pamamalimos don?" Ahy bwesit.

"Slow lang Manong syempre doon ako nakatira. Pwede po bang pakihatid na lang po ako don"

Tinignan ako ni Manang driver mula ulo hanggang paa. Ahy bakit di siya naniniwala na doon ako nakatira. Isa! Isa na lang talaga! Tatamaan na talaga toh sakin.

"Yung totoo Ma'am don ka talaga nakatira? Eh pangmayaman ang subdivision na yon eh at sa itsura niyo mukhang wala naman kayong pera"

"Ang judgemental niyo naman masyado Manong. Oo don ako nakatira. May angal po ba kayo" naiiritang sabi ko. Eh kasi naman ilang oras na akong naghihintay dito sa airport tapos mukhang hindi pa ako ihahatid ni Manong. Dahil sa ganito itsura ko?

Ok lang naman tong suot kong v-neck na white ah, pati naman tong jeans ko ok lang, yung rubershoes ko naman ok la——Hala! Hindi kaya nakatapak ako ng tae. Kaya ba ako hindi pinapasakay ni Manong driver? Wait! Wala namang tae dito sa airport ah at mas lalong walang tae sa airplane. Inilabas ko yung pitaka ko at kumuha ako ng limang libo.

"Ihahatid mo ba ako Manong o maghahanap na lang ako ng ibang taxi" sabi ko habang pinapakita yung pera.

"H-ha? Sige po sakay na po kayo. Hindi niyo naman kaagad sinabi na doon pala kayo nakatira" sabi ni Manong driver at pinaharurot na yung taxi. Ahy wow.

*At Green High Subdivision*

"Kuya guard papasukin niyo na ko please jan naman talaga ako nakatira eh" sabi ko at nagpapadyak pa sa sahig. Huhuhu eh pano ba naman kasi ayaw ako papasukin ni kuyang guard dito sa subdivision. Ayaw niya kasing maniwala na dito ako nakatira at ang mas malupet pinagkamalan pa niya akong baliw. Aish! Bakit ang malas ko ngayon! Kung sana sinundo ako ni Kuya edi sana nasa bahay na ako at nagpapahinga.

My Gangster CasanovaWhere stories live. Discover now