Cole's POVDalawang linggo na din simula nang ipakilala ni Blake samin si Saine at hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na magkapatid sila. 'E kasi naman nakita ko na 'yung picture ni Saine nong elementary days niya. Grabe ibang iba ang itsura niya kumpara ngayon. Babaeng babae siya don sa picture pero ngayon..... Nyare men?
Hindi naman sa pagiging judgemental pero magiging judgemental na din ako ang baduy niyang manamit ngayon grabe para siyang tomboy na nerd pero wala nga lang malaking salamin sa mata ay braces pero kahit na ganon si Saine grabe sobrang bait niya palagi niya pa kaming nililibre sa cafe nila samantalang yung kuya niyang hukluban..... Wala kuripot.
Kaya pala hindi kami nililibre ni Blake sa cafe nila kasi hindi din pala siya libre don at ang mas malupet ni one percent discount wala. Sabi naman ni Saine pagpinayagan niya daw yung kuya niya na libre sa Coffee shop nila madali daw malulugi ang negosyo niya. ≧∇≦
Oo niya..... Kay Saine ang coffee shop na yon pero wala pa daw siya sa right age para patakbuhin ang cafe nila kaya daddy daw muna nila ang nagmamanage.
Walang pasok ngayon dahil sabado kaya papunta kaming apat sa bahay nila Blake. Pagwala kaming gagawin pumupunta kami sa bahay nila Blake para magtraining. Oo nagtratraining kami. Supportive ang mga magulang namin sa paggagangster namin kaya naghire sila ng mga magtuturo samin. Sabi ng daddy ni Blake na si Tito Kendrick dito na lang daw kami sa mansion nila magtraining dahil mas malawak ang pwede naming pagpractisan.
Pagkarating namin sa mansion nila tandang Blake dumiretso na kami sa training grounds. Wala pa si Blake don kaya umupo muna kami sa mga benches.
"Nasan na si Blake gutom na ko" nakabusangot na sabi ni Kieffer.
"Manahimik ka nga Kie. Kakakain mulang kanina sa bahay lalamon ka nanaman" naiiritang sabi ni Nate. Ilang araw nang pabango bago ang mode ni Nate. Minsan masaya maya maya magagalit tapos tatawa tapos magagalit ulit. Hahahaha buntis ata ang isang 'to mood swings. ≧∇≦
Napatayo kaming apat sa kinauupuan namin ng may narinig kaming pabagsak na binuksan ang pintuan. Nakita namin don si Blake na nakangisi.
"Gusto niyo ba ng makakalaban" hindi mawala wala ang ngisi sa labi ni Blake habang papalapit sa kinauupuan namin.
"Psh sino naman eh lahat ng hinire nila daddy ang weweak" maangas na sabi ko. At bigla naman humagalpak ng tawa si Blake na ikinataka naming lahat.
"HAHAHAHA huwag ka munang magsalita jan pre baka ikaw pa ang masabihan na weak jan sige ka. Hahaha galit pa naman ang isang 'to" tatawa tawang sabi ni Blake at natawa din si Nicko. Ano bang pinagsasasabi ng mga 'to psh.
"Let me try" mayabang na sabi ko at tumayo na sa pagkakaupo "Oh nasan na ang pinagmamalaki mo Blake?"
"Ash" tawag ni Blake. Bigla naman may pumasok na isang tao na nakaninja outfit pa.
"WAHAHAHA yan ba pinagmamalaki mo Blake? Hahaha itsura niya pa lang mukhang weak na" humahagalpak sa tawa na sabi ni Nate.
"SINONG WEAK?!" galit na sabi nong nakaninja outfit. Babae ba 'to o lalaki? Di ko marecognize yung boses niya 'e natatakpan kasi ng tela yung bibig niya kaya di ko mabosesan.
"Pffft. Malamang hindi ako. Syempre ikaw yong tinutukoy kong weak sino pa nga ba?" nakangising sabi ni Nate. Susugod na sana yung nakaninja outfit pero biglang dumating si Tito Kendrick.
"Ash someone's looking for you" sabi ni Tito Ken.
Tumakbo naman palabas yung nakaninja outfit pero bago siya makalabas sinamaan niya muna ng tingin si Nate.
YOU ARE READING
My Gangster Casanova
Teen FictionIsang tomboy at isang badboy. Saine Ashtrid Mendez - isang babae na baduy at lalaki kung manamit, pangit, isip-bata, masungit na aakalain mong babae kong hindi lang sa suot na sombrero, at napakasadista. Nate Lucas Sandoval - isang gangster na isi...