chapter 4: lady sheena

160 7 0
                                    

Chapter 4

Sheena's POV

Nagising ako mula sa lupa dahil may kakaibang bagay na humahaplos sa mukha ko. Tumayo ako at pinagpagan ang aking damit. Tumingin ako sa taas nagbabakasakaling mahahanap ko ang daan palabas pero wala. Puro ulap lang ang nakita ko.

Napatingin ako nilalang humahaplos sa akin kanina, "wahhhhhhhhh!!!!!!!!!!" Sigaw ko.

Mukha naman siyang nagulat pero bumalik ulit sa pagkakangiti niya.

"Wahhhhhhh ano ka?! Sino ka?! At asan ako?!!!!!" Sumisigaw na sabi ko.

Pero wala akomg natanggap na sagot mula sa nilalang na ito. Para siyang tuta pero may pakpak siya. Puti ang kanyang balahibo at may cute na mukha. Napag isip isip  ko na hindi naman sya nangangagat sapagkat ngumingiti pa siya.

Nilapitan ko sya unti unti at hinawakan ang ulo niya. Nang nahawakan ko na, mukha naman siyang natuwa at gusto pang magpabuhat. Binuhat ko siya at inihiga aking mga braso na parang sanggol..

"Ano kaba ha? Bakit ka nandito? Sino amo mo? At anong lugar na ito?" Tanong ko sa tuta na may pakpak.

Para akong baliw na kinakausap ang tuta na may pakpak na hindi naman sasagot. Mukhang pagod siya kaya nakatulog sya sa mga bisig ko. Naglakad-lakad ako papalabas ng gubat. Nang marating ko ang labas, namangha ako sa ganda ng lugar. From the trees, clouds and houses. Lahat ay parang sinauna pero maganda. Tila bago ito sa aking mga mata kaya hindi ko naiwasang matulala. Naglakad ako ulit hanggang sa narating ko ang isang malaking bahay. May nakaukit sa gate nito na gawa sa kahoy ng "pamilya apolinario" marahil ito ang bahay ni lady sheena.

"LADY SHEENA!!!!" Nakarinig ako ng sigaw mula sa loob ng bahay. At laking gulat ko nang bumukas ang gate at tumambad sa akin ang isang babae na sa tansya ko nasa 20s palang.

"Lady sheena! Mabuti't umuwi na kayo! Halos magkamaway kami sa kakahanap sayo! Ayos ka lang po ba?" Mahabang salaysay niya.

"Ah..ehh.." wala akong masabi. Tila bumara ang aking lalamunan at hindi ako makapagsalita.

"Lady sheena, pumasok na kayo dahil napakadungis ninyo." Sabi ni ateng maingay. Ateng maingay ang tawag ko sa kanya dahil sobrang ingay niya. Lumapit siya sa akin at bahagyang yumuko bago ako hinila papasok sa bahay.

"Lady sheena, wala pa ang iyong ama dahil abala iyon sa kakahanap sa iyo. Saan ka ba galing ha?"  Tanong niya.

Hindi ako nakapagsalita dahil hinila na niya ako papasoksa isang kwarto at dumiretso kami sa cr. Nilagyan niya ng tubig at sabon ang bath tub. Matapos niyamg lagyan iyon ay humarap muli aya sa akin.

"Lady, take off your clothes now. You should take a bath." Saad niya. Marunong pala silang mag ingles? Di halata ah.

"Ah. Eh. Pwedeng lumabas kana muna? Di ako sanay na may kasama akong maligo eh." Nahihiyang saad ko.

"As you wish lady." Nakayukong tugon niya at lumabas.

Nang lumabas siya ay nagsimula na akong  magtanggal ng damit. Lumusong na ako sa tub sinimulan na magkuskos sa aking katawan gamit ang liquid soap at tela na nakasabit doon. Pagkatapos kong magkuskos ay umahon na ako sa tub at sinimulan nang mag shower. Lumabas na ako ng cr na nakabath robe. Nakita ko si ateng maingay na abala sa paghahanda ng mga damit ko. Nang makita niya ako ay agad siyang nagtungo sa akin dala ang aking damit at inabot sa akin.

"Lady, nandyan na ang iyong ama. Madali na at magbihis ka na dahil gusto ka niyang makasama sa pagkain." Nakatungong saad niya.

"Ok. Pakihintay na lamang ako sa labas." Saad ko.

Nang lumabas na sya, nagsimula na akong magbihis. Lunabas ako ng pinto at nakita ko siya. Lumkad kami papunta sa dining area. Pagdating ko doon, naroon ang isang matandang lalaki. Na sa tingin ko ay ama ni lady sheena.

"Don edgardo, nandito na ang iyong anak na si lady sheena" seryosong pahayag ni ateng maingay.

Nag angat ng tingin sa akin si don edgardo at ngumiti. Hays. Akala ko pa naman strikto sya.

"Anak! Buti naman at umuwi kana! Akala ko ay ikaw ay wala na. Hay, salamat sa diyos!" Natutuwang sabi ni don edgardo.

Ngumiti lang ako at umupo. Habang kumakain kami, na sabi sa akin ni don edgardo na bukas na daw ang araw ng pasukan. Nagulat nga ako pero nakarecover lang agad. Kaya eto ako ngayon sa kwarto nag eempake para
Bukas. Nakita ko si rade, si rade yung tutang nakita ko kanina. Kinuha kasi siya ni ateng maingay at pinaliguan. Natutulog siya ngayon sa tabi ng kama ko. May maliit syang kama. Ang cute nga eh. Bukas isasama ko siya sa alcasia academy. Para hindi naman ako loner.

"Ano ba tong pinasok mo sheena!" Natatawang sabi ko sa sarili.

Pero hindi ako nagsisi dahil gusto ko man din ito. Boring sa bayah and i want adventure. Pero ito na siguro ang pinakawierd na adventure sa tanang buhay ko. Hahahah. Makatulog na nga.
Nakatulog ako habang nakangiti.

Alcasia Academy (Book 1 Of Alcasia Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon