chapter 11

103 7 6
                                    

Marga's POV

Kasama ko ang aking ina sa pagpunta sa bayan ng mga witches. Isa itong tagong lugar sa groficiar kaya kailangan pa namin gumamit ng ibang tauhan para hindi kami mabuking. Papalapit kami sa isang puno ng balete. Hindi siya ordinaryong balete na maraming alitaptap. Isa itong balete na imbes kulay dilaw ang mga alitaptap, kulay pula ang nandito na simbolo ng mga witch. Dala dala namin ni ina ang aming mga tungkod. Hindi tulad na wand ang ginagamit. Tungkod ang sa amin.

Pumunta kami sa harap ng balete at may binanggit si ina na salita na hindi ko maintindihan. Bigla na lamang bumukas na parang pintuan ang balete at nakita ko ang loob nito. Maraming mga tao ang naguusap, namimili. Parang ordinaryong mamamayan lang. Kaya pala ayaw nila sa labas dahil tinuturing silang salot doon.

Naglakad si ina kaya sumunod din ako. Dumaan kami sa gitna kaya hindi ko maiwasan tingnan ang mga witches. Tila hindi nila kami kilala.

Pumunta si ina sa isang tindahan.

"Ineng, maari ko bang malaman kung nasaan ang pinuno ninyo?" Tanong ni ina

"Ah si kapitana ba? Nandun sa bahay niya. Namamahinga iyon. Puntahan niyo nalang dun." Sagot ng babae.

"Salamat" ako na lamang ang sumagot dahil nauna na namang naglakad si ina.

Dumiretso kami sa isang di naman kalakihang bahay. Ordinaryo lang sya at yari sa kawayan. Kumatok si ina at ilang sandali may lumabas na babae. Hindi naman siya mukhang matanda pero nakakakilabot ang presenya nito.

"Anong kailangan niyo?" Mariing tanong niya na nakapagtayo ng balahibo ko.

"Ako si margot at siya naman ang aking anak na si marga. Gusto namin maghigante sa mga alcasians." Seryosong usal niya.

"At sino naman nagsabi sa inyo na matutulungan namin kayo? Pasensya na pero nanahimik na kami dito. Maari na kayong umalis." Tugon nito.

"Pero alam kong inastupwera lamang din kayo ng mga alcasians. Kaya kami hihingi ng tulong sa inyo." Sagot na naman ni ina.

"Oo gusto namin silang gantihan pero nananahimik na kami. Gusto na naming mamuhay ng malaya." Seryosong usal ni kapitana.

"Kung ayaw niyo pasusundin ko kayo ng sapilitan." Ar winasak ni ina ang bote na may lamang potion sa sahig.

Naramdaman kong nangangatog ang tuhod ko kaya natumba ako kasabay ni kapitana. Wala na akong naramdaman.









3rd person's POV

Nawalan ng malay ang lahat ng witches sa lugar na iyon. Tanging si margot na lamang ang nakatayo. Ginawa niya ang potion para mapasunod ang kapwa niya witch. Pati anak niya pinasunod niya din.

Pagkalipas ng tatlumpong minuto ay unti unting nagising ang mga witches na kulay lila ang mga mata tanda na sila ay kinulam.

Tinaas ni margot ang kanyang kamay na may singsing. Ang sing sing na iyon ay nakakapagsunod sa mga witch. Ginawa niya iyon kasama ang potion. Yun ang dahilan kung bakit wala pang limang segundo ay nasa harap na ni margot ang mga witches.

"Mga witches! Ako ang inyonf reyna! Sundin niyo ako! Ngayon din ay lumuhod kayo!" Sigaw ni margot.

Lumuhod ang mga witches. Humahalakhak naman si margot.

"Mga witches, tayo ay maghihiganti sa mga alcasians! Maghihiganti tayo para sa mga mahal natin sa buhay! Simula sa araw na ito ay magsanay na kayo at pagkatapos ng isang buwan ang lalaban na tayo!" Sigaw muli ni margot.

Dali daling umalis ang mga witch at kinuha ang mga tungkod nila at nagsanay. Habang si margot ay sumisimsim ng kapeng barako habang prenteng nakaupo sa   harap ng bahay ng kapitana at pinagmamasdan na magsanay ang mga witch.

Hindi maialis ang ngisi sa labi ni margot dahil nagtagumpay siya sa plano niya.


















sheena's POV

Papunta ako ngayon sa classroom. Yes. Nagaaral pa rin ako kahit napalabas na ang kapangyarihan ko. Sila jasmin at mica naman ay nasa cafeteria dahil gutom daw. Sa side ko si rade na lumulipad.  Maraming bumabati at ngumingiti sa akin. Sa tuwing dadaan ako yumuyuko sila sign of respect.

Ang payapa kong paglalakad ay naglaho nang sumabay siya sa akin.

"Hello my princess" nakangiting bati niya pa.

Tumango lang ako dahil hindi ko pa din nakakalimutan ang sinabi niya sa akin kahapon.

"Aren't you hungry? Its almost lunch. Let's go to the cafeteria." Magpoprotesta pa sana ako pero hinigit na niya ang kamay ko.

Ang kamay niyang nakahawak kanina sa braso ko ay napunta sa mga palad ko. Pinagsalikop niya ang kamay naming pareho. Napatingin naman ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa daan. Hila hila pa din niya ako hanggang sa nakarating kami sa cafeteria. Lahat ng estudyante ay nakatingin sa amin. Hals. Wow naman this boy. Dedma lang? Manhid lang ang peg?!

Umupo na kami sa bakanteng upuan.

"Anong gusto mo?" Tanong niya.

"Ahm. Vagetable salad with mustard." Sagot ko.

"What?! For lunch? Are you insane?" Galit ata na sabi niya.

"No im not. I just want salad. Please?" Sinabayan ko pa ng puppy eyes.

Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha niya at bumuntung hininga. Pumunta na siya sa counter. Napangiti naman ako. Hindi talaga ako matiis. Hihihi. Kenekelg atech😚😄

Natapos siyang mag order ay bumalik na siya sa harap ko.

"Let' eat." Nakangiting sabi niya.

Hindi na ako sumagot. Sa halip kumain nalang ako. Tahimik lsng ako hanggang sa matapos kaming kumain. Habang siya talak ng talak. Seriously? Kailan pa naging madaldal ang isang prince khaled?! Nakakapanibago ah.

Matapos kaming kumain ay agad kaming lumabas ng cafeteria at nagtungo sa classroom. Papasok na ako nang makabangga ko si alyssa.

"Hala sorry sheena!" Nagmamadaling usal niya st tumakbo palayo.

Napansin ata ni khaled ang pagtunganga ko kaya lumapit at bumulong siya sa tenga ko.

"Don't mind her." Mahinang usal niya sa tenga ko na nagpataas ng balahibo ko.

Hindi ko na siya pinansin at pumasok na ako sa room. Nadatnan ko doon sila jasmin,mica, at miel na nagtatawanan. Hanggang sa dumaan na ako ay hindi nila ako pinansin.

"Ehem..." pang uubo ko kunwari para kumuha ng atensyon nila.

Tiningnan lang nila ako bumalik na sa paguusap nila. Wierd ah? Hindi ko nalang sila pinansin at hinaplos haplos nalang ang balahibo ni rade na natutulog sa mesa ng upuan ko.

Tumabi sa akin si khaled at hinaplos din si rade. Hindi sinasadyang nahawakan ko ang kamay niya. Ang lambot. Parang baby. Tiningnan niya ako at ngumiti na nagpalakas ng tibok mg puso ko.

"I think destiny is starting to write a story of us." Nakangiting usal niya at tumingin sa mata ko.

Iniwas ko nalang ang mata ko at itinuon nalang ang pansin ko kay rade. Ramdam ko parin ang titig na nagpapalambot sa tuhod ko. Mabuti nalang at nakaupo ako kung hindi! Naku siguradong bagsak na ako sa sahig at tumunganga sa kanya.


















Alcasia Academy (Book 1 Of Alcasia Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon