chapter 15: finding angel

98 4 2
                                    


Lance's POV

its been a week when angel left. Isang lllllro maski siya ay hindi alam. Noon niya lang ata nahalata na wala ang kanyang kapatid dahil busy siya sa panliligaw kay lyssa.

Tatlong araw na simula nung umalis ako ng academy. Pagkatapos ng birthday ni sheena, ay umalis agad ako pagkabukas. Kailangan  kong hanapin si angel. I cant live without her. Kung may pupuntahan man siya, sana sinabi niya sa akin para makasama ako.

Tumigil muna ako sa isang puno. Umupo muna ako para makapagpahinga. Kinain ko din ang baon kong tinapay at tubig. Ito na lamang ang natira dahil ubos na ang aking kanin. Habang kumakain ako, iniisip ko kung saan nagtungo si angel. Saan ba ang mga posibilidad? Halos malibot ko na ang buong alcasia pero di ko parin siya nakikita. Ni hindi na nga ako nakapag paalam sa mga magulang ko tungkol dito. Alam ko namang hindi nila ako papayagan. Baka magpadala din sila ng maraming hukbo para sumama sa akin. Ayaw ko nang maraming kasama, gusto kong mapagisa at tahimik.

Naubos na ang aking kinakain pero hindi parin ako tumatayo. Dala narin ng pagod. Nakatulog ako.

Nagising ako dahil sa isang ingay. Tila may mahalagang pinaguusapan. Nakarinig ako ng isang tawa na nakapagdilat mg mga mata ko.

Sinubukan kong kusutin ang mata ko para malinawagan ngunit nakaposas ang mga ito. Pati ang mga binti ko. Nilibot ko ang aking mata sa lugar hanggang sa malinaw na iyon.

Napadako ang mga mata ko sa babaeng nakaposas din. Halatang tulog dahil nakayuko. Pero pamilyar siya.

"Psst". Tawag pansin ko.

Inangat niya ang kanyang mukha at napabiog ang kanyang mata.

"Lance?!". Sigaw niya.

"Sheena? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. "Diba nasa palasyo ka?" Pagpapatuloy ko.

"Hind-" hindi niya natapos ang sasabihin dahil bumukas ang pinto. Lumiwanag ang paligid at ngayon ko lang napagtanto na nasa kuweba kami.

"Ayyy, gisimg na pala ang mga kamahalan!! Kumusta ang tulog niyo mga kamahalan?." Yumuko pa siya na parang nagbibigay ng respeto kahit halata na puro sarkasmo ang kaniyang mga sinabi.

"Sino ka?! Paano ako napunta dito?!" Sigaw ko.

"Ayy, prinsepe lance. Nakita ka ng mga tauhan ko na mahimbing na natutulog sa isang puno. Patagilid na ang iyong mukha at tinulungan ka nila." Sarkastikong sabi niya.

"Maiwan ko muna kayo ah? Paparating na ang aking anak" huling sinabi niya at lumabas.

"Bakit ka kasi lumabas ng palasyo lance? Yan tuloy, nahuli ka." Sabi ni sheena.

"Eh ikaw sheena? Diba nandun ka kahapon? Kaarawan mo diba?" Balik kong tanong.

"Hindi ako yun. Impostor yun. Hinuli nila ako simula pa noong nakaraang linggo." Sagot niya.

"Ano bang kailangan nila? Bakit ka nila hinuli?" Tanong kong muli.

"Ewan ko. Wala pa akong kain. Hindi ko din magamit ang kapangyarihan ko. Ikaw? Bakit ka lumabas?" Sagot niya.

"Hinahanap ko si angel. Matagal na siyang wala. Sabi mo naman may lakad siya." Sagot ko.

"Hindi nga ako yun. Tska si angel? Ha! Traydor yun! Siya ang nakasama niyong sheena! Siya ang dahilan kung bakit ako nandito! Ginaya niya ang wangis ko para magpanggap na ako!" Nanggigil na saad niya.

"Teka,teka. Si angel? Traydor? Paano nangyari yun? Hindi naman ganun si angel ah." Nagdududang saad ko naman.

"Hintayin mo at pupunta din siya dito. Siya na ang magpapaliwanag sayo." Mahinahong saad niya.

Maya maya, ang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata ko nang nakita ang ang pumasok.

"A-angel?" Gulat na saad ko.

"L-lance?" Gulat din siya nang nakita ako.

"Bakit ka nandito?! Anong ginawa mo?!" Ang kaninang gulat kong expressyon ay napalitan ng galit. Hindi ako makapaniwala sa nakikita. How dare her! Ang babaeng mahal ko? Isang traydor? Anong nangyayari?

Bigla nalang siyang humagulgol sa iyak. Nanlambot ang puso ko sa nakikita.

"I-im sorry lance. Im sorry. Kailangan ko lang tong gawin. Im sorry." Humihikbing sabi niya.

"Anong dahilan mo angel!? Bakit ka naging traydor?!" Sigaw ko.

"Im sorry. Traydor ako. Oo traydor. Pero may dahilan ako. Nakasalalay dito ang buhay ng ama ko. Buhay ng pamilya ko!" Humihikbing sabi niya.

"Pwede ka namang humingi ng tulong sa amin. Di mo kailangang maging traydor angel. You can seek help from us. Tinuring ka naming kaibigan. Pero anong ginawa mo? Trinaydor mo kami." Mahinahong saad ni sheena.

"Im sorry. I just...... cant." Yun lang at lumabas na siya.

Alcasia Academy (Book 1 Of Alcasia Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon