chapter 6: bachelor's ball

133 6 2
                                    

Sheena's POV

Maaga akong nagising ngayon araw. Nakaligo na din ako. Naghahanap ako ng damit para isuot sa unang araw ng pasukan. Pero hindi pa man ako nakakarating sa cabinet, may kumatok na sa pintuan. Binuksan ko ito at nakita si mica na naka suot ng uniform ata.

"Ito oh uniform mo. Kasya na yan sayo." Nakangiting saad niya.

"Salamat." Tumango lang sya at umalis na.
Pinagmasdan ko ang uniporme, ang gara naman nito. White long sleeves at navy blur skirt na maikli. May red necktie at gray na parang jacket. Sinuot ko ito at partner ang white kneehigh socks at black na may heels na shoes. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Bumagay naman iyo sa akin kaya lumabas na ako.

Pag labas ko. Naroon na sila sa dining area at hinihintay na nga ako.

"Sabi sayo eh bagay sa kanya." Sabi ni mica.

Tumango lang sakanya si jasmin. Umupo na ako at nagsimula na kaming kumain.

"By the way guys, ano 1st subject natin?" Tanong ko sa kanila.

"Mabuti at pareho tayong lahat. 8am, history of alcasia, 11am, self-defense. Yan lang ang pang umaga, sa hapon, dun tuturuan tayong paano maipalabas ang kapangyarihan natin. And by the way, kasama natin dito ang royals. Kasi tayong tatlo lang ang lady dito. Graduate na yung iba. Kaya pinagsabay nalang nila tayo." Sagot ni jasmin sa tanong ko.

Literal na nanlaki ang mata ko! Oh, crap! Ayaw ko pa namang kasama ang royals. Ugh! Lalo na si princess athena. Iba kasi ang nararamdaman ko sa kanya eh.

Lumabas na kami ng dorm at dumiretso na sa first subject namin. Pagdating namin, nandun na ang royals. May tatlong bakanteng upuan sa likod kaya nagpunta kami dun. Nakatingin lang sa amin ang royal or should i say sa AKIN. Di ko nalang sila pinansin at umupo nalang ako sa upuan ko. Nagulat naman ako nang biglang sumulpot sa harap ko si prince almier. At nakangiti pa siya.

"Hi! Im prince almier. But you can call me al. Nice to meet you. What's your name?" Nakangiting tanong niya sa akin.

Nagaalangan pa ako bago tinanggap ang kamay niya. "Sheena, lady sheena. Nice to meet you to". Nahihiyang sagot ko sa kanya.

"Sheena. What a beautiful name. Suits for you ms. Gorgeous." *winks*
Eh? Mambobola din pala to eh.

"Hi sheena, im adawiyah."
"Hello" sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya at umalis ma.

"Pleasure to meet you lady sheena." Nagulat nalang ako nang kinuha ni arnel ang kamay ko at hinalikan ito! Nakita ko namang kumunot ang noo ni khaled pero bumalik lang sya sa harap ng bintana.

Nagpakilala na silang lahat pero si princess athena ay nakatingin lang saamin  habang nagpakilala silang lahat. Nung nagtama ang mga mata namin, tiningnan niya ako ng masama at tumingin nalang ulit sa harap. Hindi lang nagpakilala sa akin si khaled dahil snob daw ito. Hays. Bahala na nga.

Dumating na ang professor namin para sa history. Nalaman ko na ang lahat. Kung papaano nabuo ang school, napalabas ang kauna unahang kapangyarihan. Now its time for self defense.

Sa klaseng ito, tinuruan nila kami paanong gamitin ang mga sandata. More like dagger,sword. Meron ding mga hand defense. Katulad ng sidekick, backick and etc.

After ng class namin, pumunta kami sa cafeteria para magmerienda. Maya maya nagtanong ako sa kanila, "ahh guys, tanong ko lang, anong meron kay princess athena at prince khaled?" Tanong ko sa kanila. Pareho namang gulat ang expresyon ng mukha nila sa akin.

"Dont tell me, may gusto ka kay prince?" Saad ni mica

"Oh no. Thats not what i meant. Ibig kong sabihin, anong meron sa kanila? Iba kasi ang tingin ni princess kay athena eh. Curious lang" tugon ko.

"Ahh yun ba? May gusto kasi si princess kay prince eh. Kesodohang si prince naman dedma lang. Kaya ayun, sinasamaan niya ng tingin ang mga babae na nagpapantasya kay prince. Sabihin mo nalang kasi, may gusto ka kay prince. Di naman mapagkaila na gwapo siya." Tukso naman ni jasmin.

Naramdaman ko namang nag init ang pisngi ko. Yays. Since birth, hindi pa ako nagkakagusto kasi puro academics lang ang inaatupag ko. Kaya no. Wala akong gusto sa kanya. Sus indenial pa si sheena eh. Yayks. Wala nga eh. Ano ba tong isip ko. Ang landi!

"Tss. Wala nga. Hali na kayo punta na tayo sa dorm." Pangiiba ko ng topic.

"Ok/okies" sabay nilang sabi. Natawa nalng ako sa kanilang dalawa.
















Lumipas ang mga araw, ganun lang ang cycle ng buhay ko. Hanggang sa dumating ang araw na kinaiinisan ko.  Ang "bachelor's ball". Isa itong party na ginaganap bawat taon. Never pa akong naka attend ng ball na ganito. Even js prom sa past school ko hindi ako pumunta, bukod sa gastos yun, wala naman akong interes. Wala nga ding nagyaya sa akin.

Nandito kaming tatlo ngayon sa isang botique na pagawaan ng gown. Sinusukat na namin ang pinatahi namin last week. Kulay royal blue akin na may sequins sa ibaba at glitters. Fit siya sa akin kaya naemphasize ang aking mga dibdib. Habang kay mica ay off shoulder baguio green na gown. Bagay sa kanya dahil maputi siya. Habang kay jasmin naman ay tube na kulay red with black. May kasama pa yang maskara dahil masquerade daw. Ganyan daw yan taontaon. Hindi mo malalaman kung sino ang makakasayaw mo dahil dun na mismo sa ball pupuntahan ka ng lalaki. Ayaw ko talagang pumunta kaso itong dalawang to, pinilit ako. Mamayang 8pm magsta start ang ball. Kaya umuwi na kami ng dorm para magmakeup. If your wondering kung anong oras na, well its already 6pm. Bilis lang nuh. Si jasmin ang nagmake up sa akin kasi di ako marunong. Lugay lang yung wavy hair ko na may highlights ng blue sa side. May crown pa talaga! Gaga talaga tong dalawang to. Ginawa akong prinsesa. Silang dalawa ay naka messy bond yung hair.

Maya maya ay bumaba na kami sa venue ng ball. Sa staircase pa lang, rinig na rinig ko ang masasayang usapan ng mga tao. Bigla nalang natanggal ang hook ng shoes ko kaya naiwan na ako ng dalawang bruha. Bumaba na ako ng staircase, pagka step sa hagdan, biglang naging tahimik ang buong hall. Nagtaka naman ako kaya napatingin ako sa kanila.

Halos hindi ako makahinga dahil lahat ng mata ay nasa akin. Nakita ko din ang royals na nalaglag ang panga habang nakatitig sa akin.      Sa panghuling step ng hagdan, narinig ko ang bulung bulungan ng mga tao.....

"Who is she?"

"Ghad girl! I love her hair and dress!"

"Bro, ganda nya"

"Mas maganda pa siya sa royals"

Hindi ko nalang pinansin ang mga bulungbulungan. Dumiretso nalang ako sa table namin. May nakahanda na doong pagkain at wine. Pagkaupo ko, halos mabingi ako sa lakas ng tili ng dalawang bruha.

"Ghad, sheena, you look like a goddess." Puna ni mica.

"Kaya hindi na ako magtataka kung ikaw ang mananalong queen of the night!" Tili naman ni jasmin.

Napa role-eyes nalang ako sa kanilang dalawa. Ugh! Ito talaga ang ayaw ko, atesyon! Yes! Ayaw ko talaga ng atensyon. Ugh! Kailan ba kasi ako aalis dito?!


Maya maya pa ay nagsimula ng magsayawan ang mga tao. Sumasayaw na din ang mga gaga. Kaya loner ako dito. Tatayo na sana ako para umalis ngunit pagkaharap ko, may lalaking nakatingin sa akin.

"May i have this dance miss?" Tanong niya.

"Ahh... sure" sagot ko.

Dumiretso na kami sa gitna at sumayaw na. Nakita ko namang nalaglag ang panga ng mga royals pagkakita sa nakasayaw ko. Yumuko nalang ako.

"What's your name miss?" Tanong ng kasayaw ko.

"Sheena. How about you?" Tugon ko sa kanya.

Tinanggal naman niya ang maskara niya at nalaglag ang panga ko nang makita ko ang mukha niya!















❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

Alcasia Academy (Book 1 Of Alcasia Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon