chapter 3: unexpected adventure

175 9 0
                                    

Sheena's POV

Nagising ako sa mainit na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Bumangon ako galinga sa pagkakahiga at nagpunta sa veranda. Tiningnan ko ang buong syudad na kitang kita dito. Pumasok muli ako na aking kwarto at kumuha ng damit para makaligo na ako.

Nagpunta ako sa cr to do my morning rituals. Habang nasa cr ako, napag isip isip ko na magpunta na muna sa park. Hindi pa naman ako nagugutom kaya kumuha nalang muna ako ng mansanas na dala ko at yun na muna ang kinain ko.

Nagpunta na ako sa park. Hindi naman malayo kaya nilakad ko nalang. Habang naglalakad ako, napadaan ako sa isang wet market. May nakita akong matanda sa gilid ng isang kainan. Mukhang naglalaway sya doon sa mga kumakain kaya nilapitan ko sya.

"Lola, are you okay? You want to eat?" Tanong ko sa matanda.

Tumingala naman sya sa akin. Naawa ako sa kanya dahil matanda na sya at payat pero naroon sya sa kalsada.

Di ko na inantay ang kanyang sagot at dinala ko na sya sa kainan. Umorder ako ng breakfast meal at pinakain ko sa kanya. Di pa naman ako nagugutom kaya tiningnan ko nalang muna sya. Nang matapos syang kumain ay agad akong nagtanong sa kanya.

"Lola? What's your name?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin naman sya sa akin at sumagot ng "pasensya na ineng, di ako nakakaintidi ng ingles." Sagot nya.

Nagulat naman ako at tumingin sa kanya.
"Nakakaintindi po kayo ng tagalog?"gulat kong tanong.

Ngumiti naman sya at tumango. Sa wakas! May nakakaintindi na ng tagalog dito. Pagod na pagod na akong mag ingles.

"Lola? Anong pangalan nyo?" Tanong kong muli.

Ngumiti muna sya bago sumagot.

"Laora. Ang ngalan ko ay laora" nakangiting sagot nya

"Lola laora? Maari ko bang itanong kung bakit nasa kalsada ka?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan ko ang reaksyon nya. Bigla naman syang nalungkot at may munting luha ang tumulo mula sa mga mata nya.

"Hala! Lola! May nasabi ba akong mali?"natatarantang tanong ko sa kanya.
Umiling naman sya kaya lalo akong nagtaka.

"Kung ganon, bakit po kayo umiiyak?" Nagtataka kong Tanong sakanya.

"May naalala lng ako ineng. Kasi may malaking kasalanan akong nagawa." Malungkot nyang tugon.

"Maari ko bang malaman ang iyong problema lola?" Saad ko sa kanya.

"Oo naman. Pero ipangako mo muna sa akin na wala kang ibang sasabihan tungkol dito ah?" Seryoso niyang tugon.

"Oo naman po. Magaling po akong magtago ng sikreto." Masaya kong sagot.

"Kung ganoon sumama ka sa akin at doon ko ikukwento ang problema ko." Seryosong saad niya.

Walang pag aalinlangang tumango ako sa kanya. Lumabas kami sa kainan. Naglalakad kami papasok sa parang gubat. Tumatayo ang balahibo ko sa tuwing may dadaanan kaming puno.

Ilang saglit lang tumigil kami sa isang bundok. Ayy hindi bundok, kweba. Kweba? Sa ilalim ng bundok? Weird.

Umupo si lola laora sa isang sanga ng natumbang puno. Tiningnan nya muna ako bago sya nagsalita.

"Sa ilalim ng kwebang ito, may mundong kakaiba, kakaiba dahil ang mundong ito ay mundo ng mahika."seryosong saad nya.

"Mahika? Naku lola hindi po ako mahilig sa mga kwentong ganyan. Alam ko naman na likhang isip lamang iyan" natatawang sabi ko.

"Hindi ako nagbibiro ineng. Totoo ang sinasabi ko. At ang problema ko ay dapat ay magpapalit sa akin bilang lady sheena. Ako ang anak ng isa sa mga pinakamayamang pamilya sa alcasia. Naghahanap ako ng papalit sa akin at sa tingin ko ay nakita ko na iyon." Seryosong dagdag nya.

"Sheena? Sheena po ang totoong pangalan nyo? Pareho po tayo. Pero paano ka naging lady kung ikaw ay matanda na? Diba dapat may anak kana?" Naguguluhang saad ko.

Bigla naman syang ngumiti at tumayo. Umikot sya na parang magsasayaw ng ballet. Biglang nalang syang lumiwanag. Nang mawala na ang liwanag, may nakita akong napakagandang babae.

"Lola? Ikaw bayan?" Nagtatakhang saad ko.

"Ako nga sheena. Ako ang lady sheena ng pamilya apolinario." Nakangiting saad nya.

"Ngayon tulungan mo ako. Ikaw muna ang magpalit bilang lady sheena. Mag aaral ka ng mahika sa alcasia academy. Wag kang mag alala kasi may na sesense akong meron ka ding mahika. Hindi basta bastang mahika. Ikaw ay may malakas na mahika." Seryosong pagpapatuloy nito.

Hindi ako nakasagot sa kanya. Ako may mahika? Imposible naman. Habang tulala ako naramdaman ko nalang na tinulak na nya ako at nahulog na ako sa bangin.

"Wahhhhhhh!!!!!!!! Lady sheenaaaaaa!!!!!!!!!!!!" Sigaw ako ng sigaw hanggang sa bumagsak na ako at nawalan na ng malay....

Alcasia Academy (Book 1 Of Alcasia Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon