chapter 5: alcasia academy

172 9 1
                                    

Kabanata 5

Sheena's POV






Nandito ako ngayon sakay ng karwahe na maghahatid sa akin sa alcasia academy. Rade was seating on my lap habang hinahawakan ko ang kanyang balahibo. Nakasakay na ako dito sa karwahe sa mahigit na isang oras. Nakatanaw lang ako sa bintana ng karwahe. Tinitingnan ko ang bawat puno na aming madadaanan. Walang masyadong bahay dito dahil puro mayayaman lang ang nakatira. Ang mga mahihirap daw at doon pa sa kabilang bayan nakatira. Ano ba tong pinasok ko? Di naman ako naniniwala sa mga kapangyarihan nayan pero ngayon? Nasa mundo na nila ako. Ewan ko ba pero parang may kakaibang nararamdaman ako sa tuwing ipagdidikit ko ang dalawa kong palad. Napailing nalang ako sa sarili ko naiisip. Nababaliw na yata talaga ako.
Unti unting tumigil ang karwahe na sinasakyan ko. Sa tingin ko narito na kami. Sumilip ako sa bintana at napanga nga ako sa aking nakita. Isang malaking gate na kulay asul na may nakaukit na alcasia academy. Ngayon palang ako nakakita ng ganitong gate. Bumukas ang gate at umandar na muli ang karwahe. Hindi ko maiwasang mapanganga sa tuwing may makikita akong building. Hindi ito klase ng building ng paaralan ko dati. Para siyang kastilyo.

Tumigil ang karwahe at bumaba ako. Sumalubong sa akin ang dalawang lalaki at isang babae na sa tingin ko ay principal dito.

"Maligayang pagdating sa alcasia academy lady sheena" nakangiting saad nito.

"Salamat po" nahihiyang sambit ko.

"Halika na at ihahatid na kita sa dorm mo." Saad nito.

Sumunod lang ako sa kanya habang ang dalawang lalaki ay bitbit ang mga gamit ko. Tumigil kami sa isang pintuan. Binuksan ito ng babae at humarap sa akin.

"Ito ang magiging dorm mo. Kasama mo dito ang iba pang lady na sina lady mica at lady jasmin." Nakangiting sabi niya.

Tumango naman ako at pumasok sa loob. Bumungad sa akin ang malawak na sala. May tatlong pinto at isang kusina.

Nagulat nalang ako ng may biglang dumamba sa akin kaya napahiga ako sa sofa at nabitawan ko si rade.

"Wahhhh!!!! Micaaaa!!! Ang ganda niya!!! I like her already!!!" Natutuwang sigaw nito.

May lumabas mula sa isang pinto na isang babae na may dalang libro. I think siya si mica.

"Tumahimik ka nga diyan jasmin! Nakakahiya ka!" Sabi nito

"Kj mo naman mica eh." Nakapout na sabi nito. "Hi! My name is jasmin. Siya naman si mica! Ikaw anong pangalan mo?" Nagpapacute na sabi nito.

"Ah.. eh.. pwede bang tumayo kana? Bigat eh. Haha." Nahihiyang sabi ko.
Agad naman siyang tumayo at umalalay sa akin patayo.

"Ako si sheena. Sheena cla---- apolinario." Nakangiting sabi ko.

"Hi sheena! Ganda mo!" Nakangiting tugon nito. Lumapit siya sa akin at bumulong "pagpasensyahan mo na yang si mica ah. May PMS ata yan ngayon eh. Hihihi" natatawang sabi nito.

Napatingin naman ako kay mica na masama ang tingin kay jasmin. Bumaling naman siya sa akin at ngumiti. "Hi sheena, wag mong pansinin yang si jasmin, baliw yan eh." Sabi nya habang nakatingnin ng masama kay jasmin.

"Mica naman eh!" Nakapiut na sabi nito.

Magsasalita pa sana si mica ngunit biglang  tumunog ang maliit na speaker na nakasabit sa dingding.

"All student, pls proceed to the great hall. The orientation will start"

"Hala! Halina kayo baka mahuli tayo." Natatarantang sabi ni jasmin habang nakatingin sa salamin.
Napatingin naman ako kay mica na ready to go na. Una syang lumabas ng dorm at sumunod naman ako.









Unknown character's POV

"Sa wakas! Bumalik na ang prinsesa! Magwawakas na din ang kasamaan" natutuwang sigaw ko sa loob na aking silid.

Laking pasalamat ko at bumalik na sya. Ang totoong prinsesa! Hindi ko man siya kilala pero nararamdaman kong nandito na sya.

Humanda kayo mga kampon ng kadiliman. Kayo'y magwawakas nah!!!!!












Sheena' POV

Nakadating kami si great hall nang hindi pa nagsisimula ang orientation. Umupo kami sa bakanteng upuan na limang agwat na upuan bago sa harap.

Hindi pa man naiinit ang pwet ko dito sa upuan ko, biglang sumigaw ang mga babae.

"Ang gwapo mo talaga prince arnel!!!"

"Baby khaled! Marry me pleasee!!!"

"Prince al! Akin kana please!!!""

"Lance!!! My baby! Come to mommy!!"

Parang baliw na sigaw ng mga babae. Prince? May prince pala dito? Well bago pa ako dito kaya di ko pa alam. Nakita ko naman ang mga babae na kasama nila. Apat na babae. Ang isa ay nakapoker face, nakangiti, nakangiti din ang isa pero halatang peke at ang isa na kumakaway pa.

Umupo naman sila sa harap. Ahh. Kaya pala. Nakareserve pala ito sa kanila. Nung paupo na sila, humarap muna sa likod ang isang lalaki na tinatawag nilang prince khaled at laking gulat ko na tumama ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam pero may kakaibang naramdaman ako ng tumingin siya sa akin. Nakapoker face lang siya at umupo na. Hindi parin ako makarecover dahil dun. Natauhan lang ako ng pitikin ni jasmin ang mga daliri nya sa harap ko. Kaya napatingin ako sa  kanya.

"Im sure di mo pa sila kilala. Kaya ipapaliwanag ko na sayo mamaya sa dorm" saad niya.

Tumango lang ako sa kanya at ibinalik ko na ang tingin ko sa harap. Muli naman akong nagulat nang pagtingin ko sa harap nakatingin sa akin ang isang prinsesa. Yung tingin na tila naiinis siya sa akin. Humarap na siya sa harap kaya ibinalik ko n ang tingin sa nagsasalita.

Natapos ang orientation nang walang pumasok sa isip ko. Nadidistrack talaga ako sa mga pangyayari kanina. Una tumingin sa akin si prince khaled, tapos ang isang prinsesang masama ang tingin niya sa akin. Aysh! Bahala na nga yun!

Naglalakad na kaming tatlo papunta sa dorm. Nabigla nga ako nang tahimik silang dalawa eh. Lalo na si jasmin. Di ako sanay sa kanya. Nakarating kami sa dorm ng tahimik. Pagkaupo namin sa sofa i decided to break the silence.

"So guys, can you explain to me kung sino ang mga prinsesa at prinsepe kanina?" Sabi ko.

Mukhang natauhan naman silang dalawa at bumuntong-hininga.

"Sila ang mga prinsesa at prinsepe na bumubuo sa mga kaharian dito sa alcasia. Ang fire, ground, ice, at air. At may isa ding kaharian na pinakamataas. Ang groficair. Ang kaharian ng fire, dito nakatira ang mga mamayan na may kapangyarihan ng apoy. Same as ground, ice and air. Ang groficair naman, ito ang kaharian kung saan halo halo. May mga witch and wizards din dito.
Si prince arnel at princess alyssa ay magkapatid at sila ay taga air land. Si al at angel naman sa fire at adawiyah at lance sa ground. Magkapatid yan sila. Habang mag isa lamang si khaled sa ice at athena naman ay sa groficair." Mahabang paliwanag ni jasmin.

"Ngunit bakit parang natulala at nanahimik kayo kanina simula dumating ang royals?" Nagtatakhang tanong ko.

"Kasi minsan na namin nakita si princess athena na parang may kinakausap pero wala naman ito. Nakita niya kami at sinabihan na manahimik kami kung ayaw pa naming mamatay. Takot na takot kami sapagkat hindi pa lumalabas ang kapangyarihan namin. Sila ang mga royals ay may kasiguraduhan na kung ano ang kapangyarihan nila." Malungkot na saad ni mica.

"Wag kayong mag alala dahil malalaman din natin yan. Mag aaral tayo para mapalabas natin ang kapangyarihan natin ok?! Masayang tugon ko.

Tumango naman silang dalawa at pumasok na kami si aming mga silid. Binuhat ko na si rade at inihiga na siya sa kama niya. Bukas na pala magsisimula ang pasukan. I guess i need to sleep now.

Alcasia Academy (Book 1 Of Alcasia Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon