chapter 8: revelation part 1

128 8 6
                                    


Alyssa's POV

Hello! Im alyssa, princess of air.

So, lets stop the introduction. When i was in the ball kanina, i saw how princess athena walked out. Galit yun. We all know na may gusto si athena kay khaled. Well, ayon sa sabisabi, nakatakda daw ipakasal si khaled at athena. Well, were not sure of that.
Back to the ball, i also saw  lady sheena. Hindi ko maipagkakaila na maganda siya. Hindi naman sa nagmamayabang, mas maganda lang talaga ako. Honest lang. Gusto kong makilala talaga si sheena kasi ang gaan ng loob ko sakanya.

Kanina nung nasa ball kami, ugh! Hindi ako makatulog ngayon dahil sa nangyari!!!!!!!! Huhhuuhuu!!

Flashback..

Habang nag aaward sila ng king and queen of the night, nakita ko si athena na padabog na naglakad palayo. Susundan ko sana siya pero natapilok ako. Ang taas kasi ng heels ko eh. 8 inches ata. Akala ko, mahahalikan ko na ang sahig pero may mga bisig na nakasalo sa akin. Sa gulat ko, nahila ko siya pababa kaya sabay kaming bumagsak. Ako sa taas at siya sa baba. Sa hindi inaasahan, naglapat ang mga labi namin.

"A-Al?" Nauutal na sambit ko.

Hindi naman siya sumagot sa halip tumitig lang sa akin. Seryoso siya. Naramdaman ko na naman sa naglapat ang mga labi namin at binanggit niya ang katagang "i love you". Nagulat ako, hindi ako nakapagsalita, i felt electric feeling runs towards my body.

Tumayo ako at dali daling tumakbo palabas. Ramdam kong nagiinit ang pisngi ko. Mabuti nalang at madilim at walang nakakakita sa akin.

*end of flashback*

Ugh! I cant sleep. Almier?! Why are you doing this to me?! Huhuhuhu








Sheena's POV

Hello morning!!! Hahahah. Good mood ako ngayon. Basta. Ewan. Good mood lang. Eh? Bawal ba? Hahha

Pumunta na ako sa cr to do my morning rituals. Pagakalabas ko, nandoon na ang dalawa na parang timang dahil nakangiti sa akin.

"At anong iningiti-ngiti nyong dalawa jan ha?!" Tanong ko.

Hindi nila ako sinagot sa halip itinuloy na lang ang pagkain. Maya maya, lumbas na kami.

Habang naglalakad patungong room, may bumabati sa amin. Or should i say, sa akin. Kaya wala na akong ginawa kundi ngumiti nalang. Pagdating sa room, himala kumpleto na ang royals. Agad kaming pumunta sa upuan namin. Nagtaka ako dahil may sobrang upuan sa tabi ni khaled. Hindi ko nalang ito pinansin.

Hindi pa nagiinit ang pwet ko, pumunta ang tatlong prinsesa na sina angel, adawiyah at alyssa sakin.

"Hi sheena! Good morning!" Nakangiting bati nila sa akin.

"Good morning din." Tugon ko.

"Sabay ka sa amin mag lunch ah! Para friends na tayo" sabi ni adawiyah.

Nagtaka naman ako pero tumango na rin ako. Maya maya, dumating na ang prof namin kasama ang isang lalaki.

"Gud morning class. May bago kayong kaklase ngayon. So mr. You may introduce your self.

"Hi! My name is miel sandova. You can call me miel. I hope we can be friends." Masayang bati niya.

"Shit! Jasmin! Gwapo niya. Hihihi." Kinikilig na sabi ni mica.

"Oo nga. Hihihi" sabi naman ni jasmin.

Well me? I dont know. Matangos ang ilong, mapula pulang labi at maputi. Di mapagkakailang gwapo nga siya. Pero gwapo pa din si khale- aish! Ano ba tong iniisip ko?!

Umupo na yung miel sa upuan. Pag kaupo niya, agad syang humarap sa akin.

"Hi. Im miel. What's your name?"

"Sheena. Sheena apolinario" tugon ko.

Ngumiti lang siya at humarap na sa teacher.

"Ok class, today, palalabasin na natin ang mga kapangyarihan niyo. Dahil mamayang gabi ang half blue-moon. Kayo ang uuna sa paglabas ng kapangyarihan dahil galing kayo sa star section. Now lets proceed to the training court. Tayo nalang ang wala dun." Tuloy tuloy na paliwanag ni maam at lumabas.

Lumabas naman kami at ikinagulat ko nang sumabay sa akin si miel. Gulat naman akong tumingin sa gwapo niyang mukha.

"Ah. Pwede pasabay? Wala kasi akong kakikala dito." tila nahihiyang sabi niya sa akin.

"oo naman." nakangiting sabi ko.


dumiretso na kami sa training court. habang naglalakad kami, napapansin ko ang nanunuring tingin ni prince khaled sa aming dalawa ni miel. hinuli ko ang tingin niya at tinaasan ko sya ng kilay. nag iwas sya ng tingin sa akin matapos kos siyang taasan ng kilay.

pagdating namin sa training court, naabutan namin ang mga estudyante na nakaupo sa mga bleachers. tama nga si maam, kami nalang ang hinihintay.

maya maya, nagsalita na ang headmaster namin,  "ok students, alam nating lahat na mamaya na magaganap ang half blue-moon. so ngayon natin malalaman kung ano ang kapangyarihan niyo. unahin na natin ang royalties, sapagkat alam naman nating lahat kung ano na ang mga kapangyarihan nila. may i call now the prince and pricess of ground, adawiyah and lance." pagkatapos sabihin yun ni headmaster, dumagundong ang mga drums na tila malalaman kung sino ang nanalo. kasabay ng pagtahimik ng mga drums ay ang pagpwesto ng dalawang royalties. pumwesto sila kasabay ng paglagay nila ng palad sa sahig. pagkatapos ng mahigit na sampung segundo, unti unting may lumabas na kulay tsokolateng abo ang lumalabas sa palad nila. tumayo sila itinaas ang mga palad nila at lumabas pa ng madami ang abo. binaba na nila ang kamay nila at nagpalakpakan ang mga estudyante.


sumunod naman sina angel at almier. katulad nila, may lumabas ding apoy sa mga palad nila. sumunod ay si prince khaled. ang kaibahan lang sa kanya dahil imbes na itapat niya ang mga palad niya sa sahig, pinosisyon nya lang ang kamay nya sa ere at unti unting lumabas ang yelo dun. lahat namangha. dahil kaya ng yelong yun ang magpa-palit palit ng kulay. bumalik na si khaled sa upuan niya. agad namang sumunod sa kaniya sina alyssa at arnel. tuad din ito ni khaled pero hangin ng kulay asul ang lumalabas. sumunod naman si athena. siya talaga ang inaabangan ng lahat dahil siya nagtataglay ng lahat ng kapangyarihan. una niyang itinapat ang kamay nya sa sahig. lumpias ang ilang minuto, walang nangyayari. nagsimula nang magbulung bulungan ang mga estudyante. nang tingnan ko ang mukha niya, bakas ang takot at kaba doon. sunod niyang itinapat ang kamay niya sa ere pero wala paring lumalabas. mas nagpatindi pa iyon ng mga bulung bulungan. 

nagulat na lamang ako nang nakita ko ang hari at reyna ng groficiar.  bakas ang pagtataka sa mukha nilang dalawa. tiningnan kong muli si athena, nagulat na lamang ako nang may nakita akong itim na usok na lumabas sa mga palad niya! mas dumami pa ang usok. pagkawala ng itim na usok, wala na dun si athena. narinig kong humikbi ang reyna at inalo naman ito ng hari. isa lang ang ibig sabihin nito! hindi siya ang prinsesa.

naramdaman kong tumayo si miel at taka naman akong napatingin sakanya.

"mukhang oras na para malaman ng lahat kung sino ang totoong prinsesa." nakangiting sabi niya.

hindi ako nagsalita. tumitig lang ako sakanya. umalis siya sa upuan at nagtungo siya sa hari at reyna.

"kamahalan, ipagumanhin niyo at ngayon lang ako nagpakita ulit." seryosong saad niya sa harinat reyna.

" oh miel! mabuti't nakita kita! pagpasensyahan mo ako dahil hindi ako naniwala sa iyo noon na hndi pala siya ang aming anak. alam kong may kakayanan kang kilalanin kung sino ang prinsesa. maari ko bang malaman kung sino ito?" malungkot na saad ng hari


tumango si miel at tumigin sa akin. ngumiti siya ibinalik ang tingin sa hari.


"si sheena, si sheena ang totoong prinsesa."

Alcasia Academy (Book 1 Of Alcasia Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon