Prologue

1.7K 22 1
                                    

"Put your shades on." Paalala ni Hendrick sa nakababatang kapatid na ai Carson.

"I know what to do. Hindi na 'ko bata." Balik naman nito sa kanya at isinuot na nga ang salamin sa mata at paglatapos ay  tuluyan na silang lumabas ng musuleyo ng mga Transvech. Napabuga na lamang si Hendrick, patuloy na pinagpapasensiyahan ang astang iyon sa kanya ng kanyang kapatid.

Sa isang banda ay naiintidihan naman niya kung bakit ito nagkakaganoon. Ayaw nitong pumunta roon sa simenteryo, at marahil dahil kasama siya kaya't tila mas lalong asar ang kapatid niyang magtungo roon ngayon.

Wala naman silang magawa sa kanilang sitwasyon pagkat utos ng kanilang ang ama na sila na dalawa na lamang ang magtungo ngayon sa simenteryo pagkat hindi makakatuloy roon ang kanyang ina dahil masama na naman ang pakiramdam nito.

It was their grandparents death anniversary. At bilang inaasahan ng lahat na kasama nila ang reyna, ang kanilang ina, na bibisita roon sa simenteryo ngayong araw ay batid nilang naroroon ang lahat ng mga taga-media sa buong bansa, inaabangan ang kanilang pagdalaw.

At hindi sila nagkamali. Mistulang may kung anong headline na ang naganap pagkatapos nilang dalawin ang puntod ng kanilang abuelo at abuela. Cameras were flashing on them like nonstop. Tila parang pati ang paghinga nila ay nais makunan ng mga photographers roon.

Agad silang sinalubong ng kanilang driver at hinarang ng kanilang security group ang mga nagtangkang mag-ambush interview sa kanila sa pagpunta nila roon. Agad silang in-escort-an ng mga ito na mabilis na makasakay sa kanilang sasakyan.

"Damn those people! Hindi ba sila napapagod? How can you even live like this?" Reklamo ng kanyang kapatid nang makasakay na sa kanilang sasakyan.

To be honest, he didn't know how to answer Carson with that. Sa halip, napabuntong-hininga na lamang siya. Paano nga ba niya nagawang mabuhay nang ganoon? Na bawat kilos niya, tila may mga matang laging nakabantay? Napabuga siya. Ever since he could remember, his life was always like that. Iyon na ang 'normal' para sa kanya.

Ang atensiyong nakukuha niya mula pagkabata at batid niyang higit sa nakukuha ng kahit sino sa kanyang pamilya. Miske ang kanyang kapatid hindi rin gaanong binibigyan pansin ng lahat. It was just him and he already accepted that even though most of the time he asked himself, why him? Ah, maybe because he was cursed to be born the eldest and destined to be the next monarch of this country.

He shook his head. He used to hate the idea of that but of course, no one knew what he felt. He never really had the chance to complain. Paano naman niya magagawa iyon gayung nakikita niyang ang kanyang ina na ganoon lang ang pagtatrabaho masigurado lang na maayos ang pamamalakad ng bansa? All he could do was to be there, support her and make everything easier for his mother, the Flademian Queen.

Muli siyang napabuntong-hininga. If only Uncle Ethan was alive, things would have been alot easier for him and his family. No unwanted attention, nor pressure from the public all the time. Kung hindi namatay ang kanyang uncle, marahil ngayon ay matagal na siyang kasal at namumuhay ng normal kasama ang kanyang sariling pamilya.

But of course, he can't just do that. With all the things that he must prioritize out first, he couldn't see having a family of his own would happen any time soon.

HENDRICK knoked on his father's door before entering his office. Hindi niya inaasahang madaratnan niya ito roon, at na hindi nag-iisa. Nakita niyang nakakandong rito ang kanyang ina, abalang nakatanaw sa bintana sa labas at tila ini-enjoy ang katahimikan ng kapaligiran roon. Bahagya siyang nakunsensiya, parang nagulo pa niya ang siesta ng mga ito.

Napangiti ang kanyang ina nang makita siya, ang kanyang ama naman ay tila mas lumalim ang gatla sa noo nito at pinagkatitigan siya. Kung paslit pa lamang siya ngayon marahil ay nanginig na siya sa takot pagkat alam niyang pagsasabihan siya nito mamaya kapag hindi na nakatingin ang kanyang ina.

Flademian Monarchy 10: Hendrick The Great PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon