Napakunot ang noo ni Hendrick habang nakatingin sa kabilang upuan, nakikita si Ava. A mistulang enjoy na enjoy na naroroon ngayon ang mga kaibigan nito. Hindi siya naiinis na masaya ang dalaga ngayong kaarawan nito. Ang kanyang ikinakainis ay ang paraan ng pagkakatingin rito ng isa sa ka-co-teacher nito. Dexter was the name of the guy who was hitting on Ava ever since he and his team arrived in that house. He clenched his teeth, looking at the guy from a distance.
Doon sana siya nakaupo ngayon sa kinapupwestuhan ng lalaki kung hindi lamang siya umalis saglit upang magpalit ng kanyang pang-itaas dahil pinagpawisan siya sa pagtulong sa Daddy nila Ava na mag-ihaw ng karne. Ngayon, nakaupo siya kasama ng mga magulang ng celebrant kasama ang kanyang kapatid at ang asawa't mga anak nito.
Halos hindi na niya napapansing nakaka-tatlong bote na siya ng beer pagkat hindi niya maialis ang tingin sa kabilang lamesa. He didn't even touch his food for all he wanna do now was to drink.
"Kuya, wanna help me? Kuha ng beer sa loob." Sabi sa kanya ni Simon. Tumayo siya at sinundan ang kapatid ngunit hanggang sa makapasok sa loob, ang kanyang paningin ay mistulang nakatutok parin sa Dexter na iyon.
"Simon, what if a person per se, steal or at least, try to steal something that belongs to the Crown? Is that considerable as treason?" Bigla niyang naitanong sa kapatid nang makapasok sila sa kusina.
"Uhm, well yes technically speaking. Why, did someone dare to steal something from you?" His brother asked, still busy filling up the case with bottles of beer. Hindi siya nakasagot bagkos, nakatanaw parin siya sa bintana sa labas. He could see that Ava was still laughing to guy's nonsense jokes, made him more furious from the inside.
Nang matapos nilang punuin ang kaha ng beer ay parehas nilang hinawakan ang magkabilang dulo niyon at binuhat iyon papalabas ng bahay, pabalik sa backyard. Nagsalubong ang tingin nila ni Dexter ngunit agad rin itong umiwas. Siya naman ay walang balak na gawin iyon, nais niyang sukatin kung hanggang saan ang lakas ng loob ng lalaki.
Talagang asar siya rito kahit wala naman itong ginagawa sa kanyang masama. Mukhang dito pa niya maibubuhos ngayon ang galit niya sa kanyang bayaw na si Levi.
~•~•~•~•~•~
Ava thanked every colleague that came in to her house to celebrate her birthday with her today. Halos palubog narin ang araw nang magpaalam ang mga itong aalis na. Hindi rin kasi nila namalayan ang oras pagkat talagang nag-enjoy sila sa pagkukwenta at pagkanta sa karaoke sa kanilang bakuran. She realized that it has been the first time she enjoyed things like that in years. Simula kasi nang natrabaho siya, talagang halos wala na siyang oras para sa kanyang sarili.
"Bye, baby girl!" Grace squealed, one of her colleague, eyeing the two princes from the distance behind her. They were on her family's drive way, hugging each and every one of them before saying goodbye.;Kanina pa kinikilig ang mga ito, si Grace, Taylor, Agatha na halos hindi makapaniwala na dalawang prinsipe ang nasa bahay niya ngayon at nakiselebra sa kanilang pamilya.
Isang makabuluhang tingin naman ang ipinukol ni Grace sa kanya bago siya nito akapin ay magpaalam, na tila ba pinapahiwatig nito sa kanya na baka may gusto sa kanya si Hendrick ngunit kanina pa niya sinasabi sa mga ito na naroroon lamang ito para magpasalamat.
She even explained that she was helping the Crown Prince with the Sudanese refugees at Daltonshire but the girls didn't seem to care about the detail. Tila nga hindi pinansin ng mga ito ang ekaplenasyon niyang iyon at pawang may sariling pinaniniwalaan ang mga ito .
"Bye, Avy. See you in school tomorrow." It was Dexter, one of her male colleague that came. Dati itong nagpaalam sa kanya na liligawan siya nito ngunit una palang, sinabi niya ritong hanggang kaibigan lang ang tingin niya rito. Naging ayos naman iyon sa binata.
BINABASA MO ANG
Flademian Monarchy 10: Hendrick The Great Prince
RomanceA loving, obedient son to her mother, the Flademian Queen. A Perfect Prince. The Future King