II

389 8 1
                                    

Hindi mapigilan ni Hendrick na maantig ang kanyang puso habang kalung-kalong ang isang batang paslit na kung tutuusin ay labis nang nanghihina ngayon ngunit nanatili parin itong nakangiti sa kanya simula nang dumating sila roon kanina.

Kasama ang ina at ang kanyang kapatid na babae ay dinadalaw nila ngayon sa isang pampublikong ospital ang mga bantang cancer patient na ngayon ay nakikita niyanh labis na lumalaban na para sa kani-kanilang mga buhay. Sa totoo lang ay parang pinipiga ang kanyang puso na ganoon ang dinaranas ng mga batang iyon. Ganoon pa man, pinilit niyang ngumiti sa mga ito.

Tama ang kanyang ina sa sinabi nito sa kanya kanina. Naroon sila ngayon upang bigyan ang lahat ng bata roon ng pag-asa na kalaunan ay aayos rin ang lagay ng mga ito. The least that  they could do for the kids right now was to look at them straight into their and smile at them, and make them feel that tomorrow would be a better day for everyone.

At iyon nga ang kanyang ginawa,  ngumiti siya sa harapan ng mga ito na tila ba hindi siya naaapektuhang nakikita niya ang mga ito nang ganoon ang lahat.

Sa ganoong paraan, kahit papaano ay alam nkyang mapapalakas nila ang loob ng mga bata at hindi  mapanghihinaannng loob ang mga ito. After all, they needed their strength for the treatments that were coming. Iyon nga ang ipinunta nila roon ngayon, para masigurado nilang may pang-chemo ang mga bata at kung anu-ano pa ang kakailanganin ng mga ito pagkatapos niyon.

Kahit pa ganoon nalang ang pinapakita niyang ngiti sa lahat, hindi parin niya maiwasang malungkot na makitang may pinagdaraanan ganoon ang mga batang iyon. It really broke his heart to see those kids suffer. They were so young.

Napabuga siya, tahimik na nagdasal na sana malalampasan ng mga batang iyon ang sakit na pinagdaraanan ng mga ito ngayon. He ran his fingers through his head. He was very frustrated. Wala siyang magawa sa sitwasyong iyon kung hindi magbigay ng tulong pang-pinansiyal. He was sure he could do better than that but he couldn't find any other way. Naiinis siya sa sitwasyon.

He tried calming himself. Isa iyon sa mga bagay na dapat ngayon ay nasasanay na siya. If he wanted to be not just a good but reliable and fair king someday, he has to learn how to hand his emotions on the spot. He has to learn how to think fair and rational all the time.

Nang maibigay na nila ang mga pangangailangan ng mga bata roon, mayamaya ay nagpaalam narin sila na aalis na pagkat may iba pa silang pupuntahan ngayon bukod roon sa ospital. Masaya naman silang inihatid ng mga staff roon sa kanilang sasakyan at nagpasalamat

Paandar na sana sila upang makaalis nang mapansin niyang muling napahilot ang kanyang ina sa sintido nito, sa totoo lang ay kanina pa niya napapansin na panay ang ganoon ng ina.

Mukhang masama na naman ang pakiramdam nito kaya't bago pa sila makaalis roon ay sinabihan niya itong umuwi na nang palasyo kasama ang kanyang kapatid at siya naman ay lilipat ng ibang sasakyan upang ipagpatuloy ang kanilang lakad na mag-iina.

Ngayong araw ay naka-schedule silang mag-random visit sa mga pangpublikong ng istablisyimento kasama ang kanyang ina at kapatid. Susunod na sana nilang pupuntahan ngayon ang isang gusaling malapit roon sa ospital kung saan may isang non-profit organization na nagpapalakad para makahanap ng foster parents para sa mga teenagers na nananatili ngayon sa pasilidad na walang magulang o matatawanag na sariling tahanan. Mukhang siya nalang ang matutuloy roon ngayon.

Hindi nagtagal ay narating narin niya tapat ng isang gusaling may kalumaan na. Paakyat ang istilo ng istablisyimento, halatang pinataasan ang mismong bagaman napakakitid naman ng driveway.

Pagkakababa niya ng sasakyan ay agad sinabi sa kanyang driver na ibaba nalang ang kanilang SUV pagkat may kalakihan iyon at ayaw niyang humarang roon at sa ibang lugar na lamang sa malapit ito humanap ng mapaparadahan.

Flademian Monarchy 10: Hendrick The Great PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon