I

499 12 0
                                    

Kahit papaano ay napapangiti narin si Hendrick nang matanawan niya mula sa balkonahe ng kanyang opinisa ang kanyang pamangkin, anak ng kanyang bunsong kapatid na si Simon na pinapaarawan sa hardin, kasama ng tiyahin nitong si Ava na siyang nagtutulak sa stroller nito.

Magdadalawag-taon palang ang kanyang bunsong pamangkin kay Simon at ilang araw mula ngayon ay manganganak na naman si Shelley, ang kanyang hipag. Kaya nga't napapadalas sa palasyo ngayon ang hipag ng kanyang kapatid pagkat hindi na kaya pa ng asikasuhin ni Shelley ang mga anak nito kaya't naroon si Ava para tumulong.

Napabuga siya sa kanyang kinatatayuan. Mabuti pa ang kanyang bunsong kapatid. Hamak na mas bata ito sa kanya ngunit ito pa sa kanilang lahat ang unang nagkaroon ng pamilya. Heto nga't palaki na nang palaki iyon. Samantalang siya, heto, pawang tatanda nalang nang mag-isa ngayon.

Sa halip na kaawaan ang sarili ay bumalik nalang siya sa kanyang desk at tinignang kung ano pang dapat pang basahin at pirmahal na mga papeles na nakakumpol doon. Halos iginugol niya ang mag-hapon niya sa mga paperwork. He figured, at least he had some things to put on his mind into other than self-pitying himself all day. At least, kahit papaano ay productive ang kanyang nagiging araw.

Ngunit sa gabi bago matulog, hindi niya maiwang isipin kung paano sila naghiwalay nalang ni Robyn. They spent more than eight years together and it ended just like that. Naging mabilis na namugto ang kanyang mga mata kapag naaalala niya kung paano silang naghiwalay na dalawa.

Hindi niya makakalimutan ang tingin na iyon ni Robyn nang tumingin siya sa mga mata nito. Hindi niya akalaing ang pakiramdam niyang pawang nais na talaga nitong tapausin ang lahat sa pagitan nila ay totoo nga.

Bagaman alam niya at nararamdaman parin niyang mahal siya ng babae, gaya nga ng sabi ni Robyn ay hindi na iyon tungkol doon. Nakita niyang labis na itong nasasaktan para ipagpatuloy pa nila ang kanilang relasyon.

How could he fight for them when Robyn was the first one who gave up? Marahil, hindi na talaga nito kinaya ang consequences at pressure na dala ng pakikipag-relasyon sa itinakdang prinsipe ng bansa. He sniffed, he didn't wanna cry in the middle of the night. Sadyang hindi lang talaga niya mapigilan ang kanyang nadaramang lungkot ngayon.

Napabaling siya ng higa. He shouldn't be thinking about that anymore. His country needed him more than anyone right now. Ngayon palang nakakabangun-bangon ang kanyang bansa, hindi dapat siya masyadong mapakakampante.

Kaya nga't nang sabihin ni Robyn umuwi na siya pagkat hindi ito sasama sa kanya pabalik ng Flademia, kahit mabigat ang loob ay umalis siya ng kampo nang mag-isa nang gabing iyon. He realized, they were not young anymore. Naniniwala siyang hindi lang basta-basta ang naging desisyong iyon ni Robyn pagkat nakapagpasya na talaga ito. She wanted to separate herself from him as long as she got the chance. Nakuha na nito ang tiyansang iyon nang pumunta sa roon.

Isang malalim na butong-hininga ang kanyang pinakawalan. Hindi iyon ang unang beses na nagkahiwalay at nagkabalikan silang dalawa. Naniniwala siyang kung para talaga sila sa isa't-isa, darating ang pagkakataong magtatagpo ulit ang kanilang mga landas. Na babalik rin ito sa kanya.

LUMIPAS ANG mga araw ni Hendrick na tila halos pare-pareho lang ang nangyayari sa maghapon. Kung hindi ang tambak na papeles na kailangan niyang basahin at pirmahan, iba't-ibang tao naman ang kanyang kailangang harapin.

Lahat ng mga ito ay may kani-kaniyang mga hinaing, hiling na sana ay agarang matugunan ng palasyo ang mga pangangailangan.. Hindi naman lahat ng problema ng mga ito ay kaya niyang matuguan agad-agad ngunit sinuri niyang maigi kung sino ang dapat na siyang unahin.

That was hardest part of being him, being the Crown Prince, deciding on who to help first. Minsan, kahit batid niyang halos pantay ang mga pangangailangan ng lahat, iniisip parin niyang maigi kung kung sino ang dapat tugunan nang mabilisan. Napakahirap ng kanyang sitwasyon lalo na't kung minsan, talagang nasasaid ang budget ng palasyo nang wala sa oras.

Flademian Monarchy 10: Hendrick The Great PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon