IX-(Final Chapter)

675 13 0
                                    

"Baby? Baby, wake up." Napahimalos sa kanyang sarili si Hendrick habang sinasubukang gisingin si Ava. Everything happened so fast and he was still slightly disoriented. Ganoon pa man, pinipilit niya ang kanyang sariling kumalma bagkos, mag-isip nang tama.

When he and Ava decided to finally go home from the the amusement park, he felt that somebody was following them. Hindi iyon ang unang beses na naramdaman niyang pawang may sumusunod sa kanila.

Katunayan ay ilang araw na niyang nararamdamang tila may ilang mga matang nakatutok sa kanilang bawat kilos, lamang ay nakaligtaan niyang pagtuunan ng pansin dahil abala ang isip niya sa problema sa pagitan nila ni Carson.

Dapat talaga ay hindi nalang sila nag-motor ngayon at kahit papaano sana ay nagsama sila ng ilang magbabantay sa kanila, para narin sa kanilang seguridas. Sising-sisi siya, masyado siyang naging kampante ngayon na magiging ayos ang lakad nila ni Ava.

Hindi naman niya akalaing ilang grupo ng paparazzi ang nakasunod pala sa kanila ngayon. Sa pagnanais na maiwasan ang mga ito, hindi na niya namalayang napabilis ang pagpapaandar niya sa motor na sinasakyan. Mabilis man nilang nataksan ang mga humahabol sa kanila ay ganito naman ang nangyari.

Sa bilis ng takbo nila kanina, hindi naging sapat ang kanilang preno dahilan tumagilid ang at sumayad sila sa kalsada. Wala mang gaanong impact, sugatan silang dalawa ni Ava ngayon.

Nagdurugo at ramdam man niya ang labis na pagkabugbog sa kanyang kaliwang braso ngayon ay hindi niya kayang indahin iyon gayung walang malay si Ava habang nakahiga sa kalsada.

Halos hindi niya maitaas ang kanyang kamay at hirap na hirap siyang gamitin ang kanyang telepono. He never felt so scared in his life. May suot mang helmet at kaunti lang ang galos ni Ava ay wala naman itong malay. Natataranta siya kasabay niyon ay ang kanyang taimtim na pagdarasal na sana ay walang nangyari masama nobya.

Nang sa wakas ay nagawa na niyang tawagan si Leon ay agad siyang bumalik siya sa pwesto ni Ava at hinawakan ang kamay nito gamit ang kanyang kanang kamay.

He couldn't even move her. Baka mas lumala pa ang lagay nito kapag ginalaw niya. Walang humpay na tumutulo ang kanyang luha. The words of his brother, Carson, came in to his mind. Maybe he was right after all. Sinira na niya ang buhay ni Ava simula nang ilapit niya ang sarili niya rito.

MUGTONG-MUGTO ang kanyang mga mata at habang nilalapatan ng lunas ang kanyang braso, hindi parin magawang mapakali ni Hendrick. Kung hindi nga lang hinang-hina ang kanyang pakiramdam ngayon ay agad niyang tutunguin amg silid na kinaroroonan ngayon ni Ava.

After he called Leon, it still took half an hour before they were rescued. Helicopter na ang ipinangsundo sa kanila ni Leon kaya't hindi rin nagtagal ay narating na nila ang pinakamalapit na ospital sa Prime Palace.

He still didn't know if Ava was okay now. Nang hindi pa dumadating kanina sina Leon, sandalinb nagmulat ng mata ang dalaga ngunit agad namang nawalan ng malay uli. Ang sabi ng doktor sa kanya kanina ay ayos naman ng lahat ng vitals ng dalaga bagaman magiging kritikal iyon kung hindi pa ito magigising sa mga darating na oras.

Ayon pa sa doktor, tila na-shock lang ang dalaga bagaman mukhang hindi rin naman napuruhan ang pagkakatama ng ulo nito sa kalsada pagkat may suot naman itong helmet. Ganoon pa man, para makasigurado, mamaya rin ay ipapa-MRI ito.

Naluluha na naman siya. Sa ilang oras na lumipas, iyon na yata ang pinakamaraming niyang nailuha sa loob ng maraming taon. Hindi niya maiwasang isipin na kung hindi naman dahil sa kanya, wala sana sa sitwasyong iyon ang babaeng pinakamamahal niya ngayon.

Nasa emergency room siya ngayon at dumating na ang kanyang ama at agad siyang niyakap. Mahigpit niyang ipinagbilin kay Leon kanina na kahit anong mangyari, huwag sanang malaman ng kanyang ina ang nangyari sa kanya. Ayaw niyang mag-alala pa ito.

Flademian Monarchy 10: Hendrick The Great PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon