III

323 12 0
                                    

Ang buong akala ni Ava ay talagang walang masasabing masama ang ibang tao tungkol sa pag-uugali ni Hendrick, ang susunod na hari ng Flademia. She was actually starting to believe it when she learned a little bit deeper on who he really was other that what everyone knew about him. Prince Hendrick was the eldest brother her brother-in-law, Prince Simon. That happened to be when her sister, Shelley, got hitched with youngest prince.

Sa katunayan, magpahanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala na nakakasalamuha lang niya ang mga ito sa araw-araw. Dati ay nakikita lang niya ang mga ito sa telebisyon o kaya naman sa mga pahayagan o magazines.

Nang magsunod-sunod ang naging pagbubuntis at panganganak ng kanyang nakababatang kapatid, abala man sa kanyang sariling trabaho ay kailangan niyang punta-puntahan ito upang alalayan, bilin narin ng kanilang mga magulang.

Tuloy, halos ilang buwan na siyang tila panaauhin roon sa palasyo at doon narin madalas manuluyan. Mabuti na lamang at napakabuti ng reyna at ng pamilya nito sa pakikitungo sa kanya, ganoon rin ang mga staff at iba pang mga tauhan roon. Hindi naging mahirap sa kanya ang pag-a-adjust na maging kumportbale kanyang silid na halos kasing laki na ng kalahati ng bahay na kanyang kinalakhan, ang bahay ng kanyang mga magulang.

Dala ng awa na hindi na halos nakakatulog ang kanyang kapatid sa gabi, maging ang asawa nito, walang naging kaso sa kanya ang pagtulong sa mga ito at siya ang nagbabantay sa kanyang mga pamangkin pagkatapos niyang pumasok sa unibersidad. Madalas, sa kwarto pa niya natutulog ang mga ito sa gabi.

It was all worth it, on her opinion. Paano ba naman, nakikita lamang niya ang sanggol na bago silang ng kanyang kapatid, lahat ng pagod niya pagkagaling sa trabaho ay talagang naglalaho. It was true what the say about new born babies. Just a smile from them really felt like magic.

Nang dahil narin sa gabi-gabi niyang pag-aalaga sa kanyang mga pamangkin, tila nasanay na ang kanyang katawan na halos apat na oras lang ang kanyang tulong at dahil roon, kapag nakakatulog ang mga bata nang maaga ay kailangan muna niyang magbasa ng libro o kaya naman ay maglakad-lakad sa palasyo para makatulog, dahilan upang isang gabi ay mapapadpad siya opisina ni Hendrick, and Crown Prince.

It all started there, she guessed, their 'companionship'. Dahil sa mga naging pag-uusap nila ay masasabi niyang naging malapit na sila kahit papaano. Hindi kasi niya maiwasang i-approach ito lalo na't nakikita niya sa mga mata nitong ang labis lungkot, lalo na ng mga gabing iyon.

She heard about what happened to him and his fiancee, Robyn. Hindi pa inaanunsiyo ng palasyo ang naging paghihiwalay ng mga ito ngunit hindi naging lihim ang nangyari, lalo na sa loob ng palasyo. That maybe was the reason why he stuck himself inside his office from the early morning until late night.

Kaya nga't naisip niyang isang gabi ay dalan ito ng maiinom na kape habang nagtatrabaho ito sa opisina nito, para naman kahit papaano ay maramdaman nitong ang sitwasyon nitong iyon ay pansamantala lamang at hindi rin magtatagal. She guessed she was successful doing that, too, making him that he was not alone. Pero ngayon, parang nais niyang pagsisihan na dinalan pa niya ito ng kape nang gabing iyon. She could've stayed as his a distant relative, sometime an acquaintance. Not like this.

"Hey, can you smile for a bit? Para namang ang dating eh pinilit kitang sumama dito." Sabi nito nang tabihan siya. She was organizing some table, at the place she was not familiar with. Hindi pa siya nakakapunta roon. She forced herself to smile at the prince at sarcastically at she could.

"Of course you didn't force me, Your Highness. You just blackmailed me to go here with you today, remember?" Sabi niya rito at binigyan ito pinakapekeng ngiti na kanyang magagawa. Napangiti lang ito sa kanya na tila may natutuwa ito sa kanyang turan. Napailing siya rito at bumalik sa kanyang ginagawa.

Flademian Monarchy 10: Hendrick The Great PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon