"Ang bilis nyo namang maglakad." reklamo ni Cris kay Allie nang sa wakas ay abutan niya ang dalaga.
Kagagaling lang niya sa pakikipag-usap sa isang kliyente ng maisipan niyang dumaan muna sa mall bago umuwi upang bumili ng maaaring ipasalubong kay Coocai. Nagulat pa siya ng makita ang dalaga na lumabas sa jewelry store. Namangha pa siya sa sarili na sa kabila ng kumpol ng taong naroroon ay nakilala pa din niya ito. Ganoon talaga siguro ang nature ng taong nagmamahal, the woman she dearly like would always stand out from the rest.
Pero natigilan siya ng mapansin ang lalaking katabi nito. Akala niya kanina ay nakasabay lamang ni Allie ang lalaking iyon na lumabas ng jewelry store. Pero tumigil din ito sa paglalakad ng tumigil ang dalaga kaya naman nalaman niyang kasama talaga nito iyon. Kaibigan ba nito ang lalaki o kasintahan? Bakit ba hindi sumagi sa isip niya na kahit ayaw nitong mag-asawa ay pwede naman itong magkaroon ng kasintahan. Parang nanlumo siya sa naisip.
"Tinawag mo lang ba ako para titigan?" untag na tanong ni Allie sa pag-iisip niya.
"Hindi, natuwa lang ako kasi nakita kita dito." matapat niyang sabi. "Sino siya?" tanong niya sa kasama nitong lalaki. Napapag-gitnaan niya at ng kasama nitong lalaki ang dalaga.
"Wow! He really did not know me?" disappointed na tanong ng kasama nito kay Allie.
"He's my neighbor, Cris." pakilala pa ni Allie sa kanya sa kasama nitong ina-asses siya.
"Ahh, that's the reason, pero mukha namang hindi ka pa katandaan. Anyways, I'm Colt, Allie's friend." pakilala ng kasama nito at iniabot ang kamay sa kanya.
Tinanggap naman niya iyon at parang nakahinga ng maluwag na hindi ito kasintahan ni Allie. Pero napakunot ang noo niya sa sinabi nito patungkol sa edad niya. Bakit sinabi nito na hindi naman siya katandaan?
Bago pa siya makapagtanong ay may mga tao na sa paligid nila ang parang biglang nagkaroon ng interes sa kanila. Dinig pa niya ang sabay na mahinang murang kumawala kina Colt at Allie. Nagulat na lamang siya ng bigla siyang hinigit ni Allie sa kamay at mabilis na naglakad palayo sa lugar na iyon. Tahimik lamang siya habang hila-hila siya ng dalaga.
Allie's hand made him feel as if it was belong only for him. It was the first time they held each others hands because of his stupidity when they first met. He even envied his parents because they got the chance to hold her hand while he got nothing but annoyed expression of her face whenever they see each other. He could wish for the time to stop because right now, he's extremely happy. Nang makarating sa parking area ay saka ito nagsalita.
"Colt, saan ka naka park?" tanong nito.
Natigilan siya sa pangalang binanggit nito. Hindi yata at nagkamali ito ng taong hinigit? Nang hindi agad siya nakasagot ay lumingon na ito.
Her eyes widened when she finally realized that it was him whom she brought in the parking lot.
"Ahh! Anong, bakit ikaw ang–?" nalilitong tanong nito na parang ang sarili talaga ang kinakausap. Mabilis nitong tinanggal ang pagkakahawak sa kamay niya.
"Hindi mo naman sinabi na balak mo akong itanan ngayong araw. Sana napaghandaan ko. Hindi man lang ako nakapag-iwan ng sulat kina Mama, at si Cocai, inaantay niya ako ngayon." nakangising biro niya sa dalaga.
Binigyan siya nito ng masamang tingin. "Tumigil ka!" inis na hiyaw nito at may kinapa sa bulsa ng pantalon.
Nalaman niyang cellphone iyon ng ilabas nito ang aparato at nag dial. Tahimik siyang nakinig sa sinasabi nito.
"Asan ka na? Buhay ka pa ba?" tanong nito sa kabilang linya habang hinihilot ang sentido.
ANG alam ni Allie ay ang tiyan niya ang sumasakit kanina dahil sa gutom na nararamdaman. Pero ng magkamali siya ng lalaking nahigit ay parang biglang mas sumakit ang ulo niya. Nang mapansin niyang nagbubulungan na ang mga taong dumaraan sa harapan nila at itinuturo silang dalawa ni Colt ay nagmamadali niyang hinigit sa kamay ang inakala niyang kamay ni Colt.
BINABASA MO ANG
Love Thy Neighbor (Published under PHR)
RomanceIsang taon nang kapitbahay ni Cris si Allie pero nagkakasya lang siyang tinatanaw ito mula sa malayo. Para kasing may sariling mundo ito; hindi ito nakikihalubilo sa ibang tao. Nang magkaroon siya ng pagkakataon upang mapalapit dito ay sinunggaban n...