CHAPTER SIX

7.2K 150 2
                                    


"Ang ibig kong sabihin, ikaw yung tipo ng tao na parang walang pakialam sa mga taong nasa paligid mo. Hindi mo sila binibigyang pansin, dahil ayaw mo ding pansinin nila ang mga ginagawa mo. Hindi ka umaasa o humihingi ng kahit na ano sa ibang tao dahil ayaw mong magbigay." paliwanag ni Cris kay Allie.

Natigilan ito sa tanong niya. He thought that he will be scolded again by her but she remained calm. Sa ilang araw na nakakasama niya itong mag-almusal ay wala itong ano mang ikinukwento sa kanila at mukhang sanay na si Aling Minda dito. Palaging si Coocai at ang kasambahay lamang ang nag-uusap. Pagkatapos kumain ay walang paalam itong aakyat muli sa kwarto nito at magkukulong na, parang may sarili itong mundo. Ngayon na nalaman niya ang trabaho nito ay alam na niya kung bakit ito sumikat din, dahil kahit na hindi ito ang talagang mukha ng banda nito dahil hindi ito ang bokalista, ay nakakaagaw pa din ito ng maraming atensiyon sa pagiging hindi palaimik at seryoso.

"Umaasa ako kay Aling Minda." anito na parang may masabi lang na taong inaasahan.

"Yeah, right. Katulong mo siya, kaya natural na asahan mo nga si Aling Minda. Pero teka, kailan pa siya nagtatrabaho sa iyo?" curious na tanong niya.

Isa si Aling Minda na sa tingin niya ay pinakikinggan ni Allie. At ang kasambahay naman nito ay nagawang protektahan ang sikreto ng dalaga na para bang may malalim na relasyon ang mga ito.

"Matagal na din." sagot nito at uminom sa hawak na lata ng beer.

"Gaano katagal?"

"Sixteen years, I was only thirteen years old when I hired her." anito na ikinapanlaki ng mga mata niya.

"Whew! Hindi kaya dapat na kitang sukuan?" bulong niya.

"Anong sabi mo?"

"Wala, ang sabi ko, ang tagal nyo na palang magkakilala. Nasaan na nga pala ang pamilya mo?" naalala niyang itanong dito.

"They died when I was fourteen." anito na para bang nagkukwento lamang ng isang hindi mahalagang kaganapan sa buhay nito.

"You're not close to them?" nananantiyang tanong niya.

"No."

Nang mapansing parang unti-unti na itong nawawalan ng interes na kausapin siya ay binago na niya ang topic dahil mukhang ayaw nitong pag-usapan pa ang mga magulang.

"Ibig sabihin, si Aling Minda na pala ang nag-alaga sayo mula noong teenager ka pa, sosi mo ha, may yaya ka pa ng ganung edad. Bakit Aling Minda ang tawag mo sa kanya?" nagtatakang tanong niya.

"Then, should I call her Minda?" clueless na tanong nito.

"Ano ka ba? Sa tingin ko, dapat Nanay Minda ang itawag mo sa kanya dahil parang ina mo na din siya di ba?"

Natahimik ito sa sinabi niya.

"I've thought about it too." maya-maya ay sabi nito.

"Then why didn't you?"

Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.

"Dahil kapag ginawa ko iyon, baka umasa ako sa kanya ng sobra sa kaya niyang ibigay sa akin, baka umasa lang ulit ako... at masaktan." sagot nito na parang biglang may naalala.

Natutuwa siya at nasasabi nito sa kanya ang sa tingin niya ay sensitibong paksa na hindi nito gugustuhing ibahagi sa ibang tao. He decided to just hold her hand.

"Kapag pagod ka ng magkunwari na maayos ang lahat sa buhay mo. Gusto ko na ako ang una mong isipin na magpapasaya sayo." seryosong sabi niya.

Nilingon siya nito at tinitigan. Parang biglang hinalukay ang tiyan niya sa tensyon na dulot ng pagtitig nito. Kahit pa natatakpan ng salamin ang mga mata nito ay mababanaag doon ang kalituhan.

Love Thy Neighbor (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon