CHAPTER EIGHT

6.6K 134 1
                                    


SABAY-SABAY na lumingon sa gawi niya sina Rhin at Colt. Tiningnan niya ng masama si Colt, alam niyang idinaldal na nito sa dalawa pa nilang kabanda ang tungkol kay Cris. Nginisihan lamang siya nito at ipinagpatuloy ang naudlot na sinasabi ng bigla siyang dumating.

"Sana nandun kayo, grabe parang eksena sa pelikula ng higitin ni Allie yung si Cris." nanlaki ang mga mata niya ng marinig na ang ikinukwento pala nito ay tungkol pa din sa nangyari ng huli silang magkita.

"Tigilan mo na yan." naiiling na wika niya at umupo sa bakanteng silya paharap sa mga ito.

"Hah! Kelan mo pa ako pinagtataksilan?! Paano mo nagawa sa akin ito, Allie? Anong meron siya na wala ako?! Ano?? Magsalita ka!" pagdadrama naman ni Milo na kumukumpas pa ang mga kamay.

Sabay pang humagalpak ng tawa sina Rhin at Colt sa iniakto ng bokalista nila.

"Mga siraulo, anong meron? Bakit ang agap ninyong lahat dito?" tanong niya at tiningnan isa-isa ang mga ito. Parang may magic na biglang nawala ang masayang atmosphere at nagtinginan ang mga ito. "Ikaw, nagkasakit ka ba talaga?" tanong niya kay Milo.

"Oo naman! Feeling mo gusto kong matambakan tayo ng trabaho?" sagot nito. "Pramis, peks man!" dagdag nito at itinaas pa ang kanang kamay na parang nanunumpa.

"Eh, anong problema? Bakit ang agap ninyong lahat?" ulit niya sa tanong niyang mukhang balak iligaw ni Milo. Matagal na silang magkakasama at kahit minsan ay hindi siya nauunahan ng mga ito sa oras ng tagpuan nila palibhasa may mga karelasyon sina Colt at Rhin na hindi basta-basta maiwan at si Milo na hindi niya alam kung saan nagsususuot. Alam niyang may gustong itago ang mga ito sa kanya kaya at yun ang gusto niyang malaman.

"Ang bagsik talaga ng pang-amoy mo, Ramirez." naiiling na lamang na wika ni Milo. "Pinadalhan na tayo ng bagong kontrata ng management dahil mae-expired na two months from now yung dati. Last month pa nasa akin yung kontrata, nakakalimutan ko lang ibigay sa inyo. May mga idinagdag sila na pabor siyempre sa atin, limang taon yung kontrata. Gusto mo na bang pumirma?" seryosong tanong ni Milo sa kanya at iniabot sa kanya ang sinasabi nitong bagong kontrata.

Inabot niya iyon pero hindi niya magawang basahin dahil napaisip siya sa sinabi nito. Papasukin ba ulit niya ang pinili niya noong buhay? Ngayon pa lang ay nahihirapan na siyang iwanan ang mga taong napalapit na sa kanya ng mga nakalipas na linggo tapos pipirma pa siya para sa limang taong kontrata? Napatingin niya sa mga kabanda niya na parang inaantay ang magiging desisyon niya. Paano niya sasabihin sa mga ito na gusto na niyang bumalik sa normal ang dati niyang buhay ng hindi magagalit o masasaktan ang mga ito sa kanya? Totoong ang musika ang naging solusyon niya sa kahungkagan na nadarama niya nang mga nakalipas na taon, pero alam niya sa sarili niya na may nagbago na ngayon.

"No, I'm sorry, I can't..." nakayukong sabi niya.

Sabay-sabay na bumuntong hininga ang mga ito, nang mag-angat siya ng paningin upang salubungin ang akala niya ay panghihinayang o kalungkutan sa mga mukha ng mga kabanda niya ay nagulat pa siya ng kasiyahan ang mababanaag sa mga mukha ng mga ito.

"Anong nangyayari?" naka kunot ang noo na tanong niya.

"Kasi, natutuwa kami na pare-pareho ang gusto nating mangyari, iisa ang desisyon nating apat." nakangiting sabi ni Rhin sa kanya.

"Ang ibig ninyong sabihin..."

"Yep, Colt, Rhin and I plan to have an early retirement after our contract expires." ani naman ni Milo. "Nag-aalala kami na baka gusto mo pang magpatuloy. Kaya maagap kaming lahat ngayon ay para sana pag-usapan kung paano namin sasabihin sa iyo ang desisyon namin. But I guess we already got tired of everything, eh? Don't get me wrong, I know that we all loved what we're doing for so many years and we are proud of what we had accomplished. Pero siguro nga, tumatanda na tayong lahat at nagkakaroon tayo ng bagay na gusto pang gawin bukod sa pagbabanda." mahabang paliwanag nito.

Love Thy Neighbor (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon