KARYLLE'S POV
tangina lahat nalang Vice. Lahat nalang. Kung masama lang ako pinakuyog na kita sa lahat ng VK babies sa buong mundo. Nakakainis. Napakamanhid mo. Nagiisip pa ba to? Ano bang plano nitong baklang pogi na to? Sarap ibulsa!
Nakakagulat pa ba kung sabihin kong si george naman ang kasama nya ngayon?
Nasa smoking area sila, nagkikwentuhan parin wala parin kaming ka aydi idea kung ano pinaguusapanan nila hanggang sa nagkaron na si jugs ng rason para makasingit sakanila para sabihing naserve na ang mga pagkain.
Grabe nakakatorture di pa nga ko nakakarecover sa sakit na nararamdaman ko dahil sa mga pangyayari sa airport kanina sa mga pinaggagawa ni solenn at vice, magmake out daw ba sa labas ng airport! Puta daig pa maghihiwalay ng sampung taon.
Tapos eto nanaman si george at vice papalapit na samin. Nakahawak si vice sa bewang ni george. Ang clingy puta.
Ang sakit pakiramdam ko kanina sa airport nasagasaan ako ng sasakyan eh tapos dagdag mo pa tong bago nanaman, bwiset feeling ko yung sasakyan na yun di pa nakuntento sa pagsagasa sakin imbes na tulungan akong makabangon eh inatrasan pa uli ako. Saklap diba? Sakit diba? Wala tayong magagawa ngiti nalang. Ngiti nalang. Ngiti karylle. Wag kang iiyak. Kaya mo yan lumaban ka. Ngiti lang
Malapit na sila sa table namin nagtatawanan si george at vice nakaakbay na si vice kay george. Parang gusto kong tumayo at sumigaw hanggang sa
"PUTANG INA!" Lahat napatingin at nagulat sa lakas kasi ng boses halata ang pagkabwiset. halatang galit na nanlilisik ang mga mata parang mangangain ng tao
"Sis? Anne? Something wrong?" Tanong ni george na natetense dahil galit na galit na si anne sa di naming malamang dahilan
"Babe, easy." Tumayo narin si vhong at sinusubukang pakalmahin si anne
"Hindi vhong eh, sobra na to eh." Dinuro ni anne si vice
"Anong problema anne?" Tanong ni vice
"Wow! Vice! Awat na! Kota ka na! Puta! Lahat nalang! Di na maaatim ng konsensya kong pati si george tutuhugin mo" Gigil na sabi ni anne
"Pinagsasabi mo anne?" Pangaasar na tanong ni vice with matching pamikon smile
"George! Lumayo ka dito sa lalakeng to, di mo to kilala. Paglalaruan ka lang nya." lumapit na si anne kay george.
"Sis! Naguguluhan ako." Litong tanong ni george.
"Lika dito." Hinatak ni anne si george palabas.
