"okay eto na ang set of roommates ah! Walang palitan, eto na talaga to.." Nasa lobby na ng hotel ang ST family nagbibigay si direk ng reminders, sched and room keys sa mga hosts..
"Pwede bang magkasama kami ni anne direk?" Hirit ni vhong na nakaakbay kay anne, habang nakaupo sa sofa
"Walang dugaan, di ko kasama si nikki eh!" Dagdag ni billy habang nakaakbay kay jugs
"Kaya nga, sabi bawal magsama ng jowa kung ganyan pala dapat sinama ko narin si andee" pailing iling si jugs sabay snap ng fingers nya
Direk: Di naman talaga ako papayag eh, rules are rules, eto na roommates and buddies sa hawaii, billy-vhong, jhong-eric, jugs-teddy, anne-karylle-coleen, vice-ryan tapos kami ni kuya kim. Okay na? May questions pa?
Billy: okay na yan!
Vhong: sched ng rehearsals direk?
Direk: rest muna today, pwede kayong gumala kahit hanggang anong oras, well kayo naman magsa-suffer di naman ako.. Tsaka may free meals sa hotel, pero kung ayaw nyo okay lang din kumain kayo sa labas we dont mind, pero starting tomorrow we have our morning-afternoon rehearsals for 2 days lang yan tapos 3rd day show na, then after show may 2 days break tayo dito sa hawaii..okay na?
Teddy: ayos ah!
Jhong: ayos sana kung maraming baong pera! Hahaha
Vhong: labas tayo mamaya?!!
Anne: oo ba! Saan?
Billy: bar tayo?
Teddy: sige tara!
Jhong: sali ko dyan!
Coleen: kami din ni ryan!
Kuya kim: pass ahaha
Billy: wala ng bago! Haha
Eric: count me in!
Anne: aba himala eric! Hahaha
Vhong: sure ako isasama nyan si buern!
Eric: yap!
Jhong: haha dyan wala na talagang bago!
Coleen: ikaw ate K? Sama ka?
K: sure! :)
Ryan: kaw nay sama ka?
Vice: next time nalang.
Billy: ha?
Anne: ang KJ!!!
Vhong: bakit nanaman hindi ka sasama?
Vice: ayoko magbar.
K: bar ang business mo tapos ayaw mo sa bar?
Vice: wala na yun.
K: ha?
Vice: restaurant nlng yun ngayon.
K: akala ko ba ayaw mo ng restaurant?
Vice: dati yun.
Anne: sama kana vice! Naman eh! Minsan lang to
Vice: sama ng pakiramdam ko eh
Teddy: palusot! Hahaha
Jugs: sige na vice, di kita isusumbong pramiss! Haha
