“Vice let me explain.” Humahagulgol si K, habang Hawak ang braso ni vice at pinipigilan ito sa pag alis.
Tinanggal ni Vice ang Kamay ni Karylle at tumalikod di nya kayang tingnan si Karylle. Di pwede. Di pwede dahil baka madala sya.
“no, I heard enough. Ang sakit sakit. Ilang beses pa ba? Ilang ulit mo pa ba kong lolokohin, paglilihiman at sasaktan Karylle?”
“vice, patawarin mo ko please hindi ko sinasadya.”
“ayoko na! tama na!” sigaw ni vice
“tama na karylle!” paulit ulit na sabi ni vice habang nakapikit at umiiyak
“please vice, pinapangako ko di na mauulit to. Bigyan mo naman ako ng isa pang chance” Iyak na ng iyak si Karylle halos mapaluhod na sa harap ni vice
Pumikit si Vice nagiipon ng lakas para masabing “Talagang hindi na mauulit karylle, dahil hindi na ulit kita bibigyan ng CHANCE. Hindi na ulit magkakaron ng TAYO”
nang idilat ni Vice ang kanyang mga mata
Hinaplos nya ang kanyang pisnge
“panaginip lang? pero bat ako umiyak?” napaupo si vice mula sa pagkakahiga, binuksan nya ang zipper ng tent at sumilaw ang araw.
Pumungay pungay at tila may hinahanap, napalingon sya kay K na mahimbing na natutulog.
Tumagal ang pagtitig nya dito ng ilang minuto, pinili nyang wag lang gisingin si K dahil mukhang masarap ang tulog nito at maaga pa naman.
Lumapit sya kay K at Yumuko ng bahagya si Vice para halikan sa noo.
Saka lumabas ng tent.
Iniisip parin ni vice ang panaginip nya. Di nya tuloy maiwasang bumalik sa nakaraan, ang mga nangyari na dapat kinakalimutan at ibaon sa limot ngunit sa sobrang sakit at tagos sa puso mahirap gamutin sa sobrang lalim ng sugat.
