MTB

4.6K 102 11
                                    

"Dad"

biglang napabitaw si Vice sa pagkakaholding hands kay Karylle, nagulat man si K pero inisip nalang nya dahil sa excitement ni vice sa pagkakakita kay Jose

inakbayan naman ni Vhong si Karylle

"K lunch ka naman sa bahay oh." yaya ni vhong

"lunch? teka vhong di ako pwede. dami ko pang aayusin sa bahay yung mga gamit ko pa. pero magkikita naman tayo mamaya ah."

"kita saan?" singit ni anne sa dalawa

"diba? bday party ni Kaylly mamaya?"

"ay oo nga pala. may isusuot kana ba K?" tanong ulit ni anne

"wala pa nga eh. yun nga aasikasuhin ko mamaya."

"sama ka samin ni Vhong sa greenbelt maghahanap kami." pagpipilit ni anne

"ah ok. sige. after lunch kita kita nalang dun."

"yes" sabi ni vhong

"yes?" naguguluhang tanong ni K

"kako, yes kasi makakahanap na ako ng damit, may mga tutulong sakin. kanina ko pa prinoproblema eh." pagdadahilan ni Vhong

"sige. tapos sabay sabay na tayong pupunta sa party?" tanong ni K

"sure. sama ko narin Junakis namin ni Vhong para naman mabilhan narin ng damit."

"sige. teka ayan na pala si Coco. ocia una na ko guys." paalam ni K "bye direk una na ko, kitakits sa party mamaya."

"K, di ka manlang ba magpapaalam kay---aray" siniko ni anne si Vhong

"kanino?" napalingon si K

tiningnan nya ang lahat eh busy naman, si Jhong kausap yung girlfriend nyang si Maia, si Teddy naman sinundo ng mga anak tsaka asawa nya, si Ryan at coleen nauna na, si eruption kausap si Buern, si Jugs naman sinundo ni andee, si Vice kausap si Jose, si Billy kinakausap si Kaylly.

"wala. biro lang. sige na kitakits mamaya sa greenbelt." sabi ni vhong habang kumakaway kaway.

-

-

-

-

"dad! namiss kita!" niyakap ni Jose si Vice

"namiss? ikaw may kasalanan ka pa sakin!" ginulo gulo ni vice ang buhok ni Jose

"ano nanaman ginawa ko?" nakakunot na sabi ni Jose

"oh oh mag mamaang maangan ka pa." ginulo parin ng ginulo ni Vice ang buhok ni Jose "akala ko kung anong ng nangyari iyak ng iyak yung nanay mo, naku isasako talaga kita."

-

-

-

-

"una ka ng umuwi Kaylly may pupuntahan pa kami ng Dada mo." sabi ni Billy sa anak habang nakaakbay

"sige na nga." nagdabog palabas si Kaylly at sumakay na ng Van.

"oh? problema nun?" tanong ni vice na nakasakal pa rin ang kamay sa leeg ng anak nyang si Jose

"pinauna ko ng umuwi eh."

"naku tito kanina pa excited yun kasi birthday nya ngayon tapos papaunahin mo lang umuwi." sabi ni jose habang inaayos ang buhok nyang ginulo ni vice

"oo na kasalanan ko na, teka sinunod mo ba yung sinabi ko?" tanong ni billy kay Jose

"opo naman ako pa!" habang naka thumbs up si Jose

VICE MINUS RYLLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon