KISS YOU

4.6K 126 29
                                    


pagkatpos kumanta ni Kaylly ay inalalayan sya ni Jose pababa ng stage.

time na ni DJ M.O.D para magpatugtog ng party songs, nag iba na ang mga ilaw nagmistulan ng Bar ang venue.

"sino hinahanap mo?" tanong ni kaylly kay Jose. di pa kasi ito umuupo at halatang may hinahanap.

"nakita mo ba sila Daddy?" tanong ni Jose na tinatanaw pa rin ang table ng ST hosts

na ngayon ay empty na.

"ahmm, basta nakita ko naunang lumabas si Dada kasama si tita K, tapos sinundan nila tita Anne at Tito Vhong. then nila papa tsaka----

di pa man natatapos ang sentence ni Kaylly nagmadali ng lumabas si Jose

hinabol naman nya si Jose

"uy san ka ba pupunta?" sinundan ni Kaylly si Jose

ng maabutan nya hinawakan nya ito sa braso "may problema ba?"

huminto si Jose sa paglalakad "kelangan ko silang sundan, baka makalimut tatay ko, at magkabalikan sila ni K"

"ano naman ngayon? di ka ba masaya? parents mo yun, nanay mo parin yung tinutukoy mong K"

"may ibang asawa na daddy ko." nakayuko lang si Jose

napa crossed arms si Kaylly "andun na ko, may asawa na sya, so anong plano mo kay Tita K at sa Daddy mo? susugurin? paghihiwalayin? o dadaotin? matanda na sila siguro naman alam na nila ginagawa nila, at kung ano mang ginagawa nila kagustuhan nila yun, kasi dun sila masaya di naman nila siguro gagawin yung mga bagay na ayaw nila, hayaan mo na sila."

"hayaan? so pano yung mommy ko? maiiwan syang magisa, malulungkot yun, masasaktan, mahal na mahal nya si Daddy di pwdeng mangyari to, at mahal na mahal din sya ng daddy ko." nagkatinginan na sila halata sa mukha ni Jose ang galit, lungkot at takot

hinawakan ni Kaylly ang mukha ni Jose "makinig ka. nakikita mo yun?" nguso ni Kaylly sa Magandang babae na nakaupo lang magisa, pero maganda at matangkad. "kaklase ko yan. ligawan mo"

nanlaki naman ang mata ni Jose sa narinig "hah?"

"sabi ko ligawan mo. isayaw mo sa dancefloor. nakakaawa naman magisa lang," mariin na sabi ni Kaylly

"bat ko naman gagawin yun? oo malungkot sya, nakakaawa, magisa, maganda, pero di ko naman sya mahal. liligawan ko lang yung taong mahal ko at ikaw ang mahal ko. ikaw lang gusto kong ligawan." hinawakan ni Jose ang magkabilang balikat ni Kaylly

"pano sya? nakakaawa sya. di ka ba nalulungkot para sakanya?" pagpipilit parin ni Kaylly

"bakit mo ba sinasabi yan? ni hindi ko nga kilala yang babaeng yan. bat mo ko pinamimigay? bat mo dinidiktahan ang puso ko? kung malungkot sya well sorry pero hindi ako ang taong makakapawi sa lungkot nya. may tamang tao para sakanya, may nakalaan para sakanya at alam ko yun kasi ako nakalaan lang ako para sayo, walang makakapagpabago nun, walang makakadikta, walang makakapigil saking mahalin ka." he kissed her forehead "wag mo naman akong ipagtabuyan kaylly"

nilingon ni Kaylly ang kaklase nya, may lumapit nang guy at niyaya syang sumayaw, nakita rin nyang ngumiti na ito, at pumayag ng pumunta sa dance floor

"see? may darating para sakanya" sabi ni Jose

"ganun din sa mommy mo." kumalas si Jose naguguluhan nanaman sya

"hindi mo ba nakuha? sa bibig mo na mismo nang galing at wag mong ipagkakaila dahil talent ng utak kong marecord ang sinabi ng isang tao." she cleared her throat "bat ko naman gagawin yun? oo malungkot sya, nakakaawa, magisa, maganda, pero di ko naman sya mahal. liligawan ko lang yung taong mahal ko at ikaw ang mahal ko. ikaw lang gusto kong ligawan." panggagaya ni Kaylly kay jose

VICE MINUS RYLLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon