nagmistulang palasyo ang Resorts World, palasyo na may salo salo, lahat ng dumalo ay nagmistulang mga hari't reyna, prisipe at prinsesa na nagmula sa ibat ibang kaharian. simula sa munting mga prinsipe at prinsesa hanggang sa matatandang hari at reyna. halo halo ang bisita, lahat ay kagalang galang idagdag pa ang mga gamit, lamesa, upuan, at mga desenyo sa paligid na talagang nakakamangha. ang mga waiters at waitresses ay pinasuot ng mga sinaunang kasuotan ng mga alipin sa palasyo. umulan ng maraming inumin at alak, may mga nag pa piano, giatara, violin, at kumakanta para sa mga bisita.
"GOOD EVENING EVERYONE. MAY I HAVE YOUR ATTENTIONS PLEASE." napalingon ang lahat ng bisita sa stage may lalakeng nagsasalita.
"we are about to start the ball. please clear the aisle." nagsiupo na ang mga bisita at mga batang kaninang naglalaro sa paligid.
nang masigurado ng wala ng haharang sa daan kung saan may mga gwardya sibil sa magkabilang gilid ng red carpet na may hawak na mga riffles upang magbigay pugay sa daraang importante at kaabang abang na mga bisita.
"thank you. now lets welcome the important persons who will be hosting the ball."
lahat ng mata ay nakatingin sa babaeng nakaangkla ang kamay sa lalakeng kasama na ngayoy naglalakad sa red carpet.
"Mr. Luiz Manzano and Ms. Angel Locsin as Prince and Princess of the Night"
kumakaway kaway si Luiz Manzano acting like a gwapong gwapo prince as always with his attitude of being makulit, make angel giggles.
"and to join them on stage another hosts who are real couples, Mr. John Loyd Cruz and Ms. Angelica Panganiban as King and Queen of the Night."
katulad ni angel nakaangkla din ang kamay ni angelica sa bisig ni John Loyd, kung anong ikinulit ni Luiz habang naglalakad sa aisle ay yun naman ang isineryoso ni John Loyd sa pagalalay kay Angelica
nang makarating sa stage ang apat ay agad itong binigyan ng tigi tig-isang microphone.
"Good evening Royalties!" bati ni Luiz
at maririnig naman ang "good evening" na bati ng audience
"Good evening my princess" sabay halik ni Luiz sa pisnge ni Angel "good evening my prince" sagot naman ni angel
"ang lagay ba eh kayo lang? syempre good evening din sa nagiisang reyna sa buhay ko Angelica." at syang paghalik naman ni Loydy sa pisnge ni Angelica
maririnig naman ang mga "ayyeee at woooh" na tilian ng madla
"iba ho talaga magmahal ang kanto boys. diba Loydy?" sabi ni Luiz sabay apir
"tama ka dyan Lulu Boy isa lang yan sa mga pruweba kung gano kasweet ang kanto boys, idagdag nyo na ho ang event for tonight tingnan nyo naman diba ang gara ng Resorts World, iba magpa party ang isang Billy Crawford, iba pag kanto boys."
"agree naman ako dyan. kayo ba di agree?" tanong ni Luiz sa madla
"agree" sabay thumbs up ng mga naka upong bisita ang iba ay nagtaas ng wine glass para ipakita ang suporta sa sinabi ng dalawang lalake
"asus. tama na ang pag build up sa sarili boys." singit ni angel
"tama, dapat lang naman na bumawi kayo sa mga sakripisyong ginagawa ng mga girlfriends, asawa at pamilya nyo no." pagbibiro ni angelica
