CHAPTER 4
~ AMBER'S POINT OF VIEW ~
Natapos ang klase ko ng maayos. Ewan ko nga kung bakit hindi pumasok si Zayne. Oo. FC ako. Pake nyo?!
Pati yung Zayn na yun hindi ko na nakita maghapon, samantalang magkatabi lang kami ng room. 3-A ako 4-A sya. Pano ko nalaman? Eh sa narinig ko sa mga tsismosa kong kaklase. Kesyo 'oh my gosh! May isa pang HOT sa kabila' 'oo nga! Si Zayn Valencia' 'kyaaaahhh! Meron pang tatlo! Sila Eros, Ona at Ryuu!!'
Teka-- wait. ?___?
Ngayon ko lang napansin, Zayne, Zayn, Zayne, Zayn,Zayne,Zayn. Wait-- diba ang apelyido ni Zayne na seatmate ko ay 'VALENCIA' ... Tapos sabi naman saken ni Zayn, (FC na naman), Valencia daw apelyido nya.... Zayne, Zayn... Valencia?
Buffering...
Loading...
*ting!*
"Di kaya mag-asawa sila?" Bulong ko sa sarili ko
=___= Tanga lang Amber?? lalaki sa lalaki mag-asawa?! Sabagay.. pwede yun sa ibang bansa. Pero kahit na! Ang gwapo kaya nila! >…<
*PEEEEEEEEEEEEP*
"Ay ginahasang kalabaw!"
Ano yun?! Letchugas! Maka-busina wagas!
Di ako makapapayag na hindi magantihan ang mapahangas na nag-gulat saken! Bumaba ako sa bike ko at itinabi sa gilid.
Lumapit ako dun sa kotse, na hindi ko alam kung anong klase kasi nga wala kami nyan.
"Hoy! Bumaba ka jan! Papatayin mo ba ko sa gulat?!" Iskandalosa na kung iskandalosa!
Kinatok katok ko yung bintana nya. Tinted kaya hindi ko kita ang loob.
"HOY! Sabing bumaba ka jan! Ang kulit ng lahi mo! Pag di ka bumaba pepektusan ko tong kotse mo!!" Inis kong sigaw sa driver ng sasakyang to!
Peste!! Nananahimik ako tapos bunusinahan nya?!
Pauwi na kasi ako sa bahay.. Tas bigla biglang eepal toh! >__<
Mabuti naman at binaba nya yung bintana nya.
"S-sorry miss. H-hindi ko sinasadya." Naka-pout na sabi nung lalaki-- O___O Oh my gosh!
May kaloka-like sya!! Si--si-- Luhan ng EXO! ( di naman halatang fan ng exo ang author noh?? )
Ang kyut kyut nya!! *___*
"Miss. S-sorry po talaga. Nahulog kasi yung toblerone ko kaya inabot ko,, ang kaso natamaan ko yung busina." Naka-pout pa rin nyang sabi
bi
Ano bang araw ngayon? Ang swerte ko naman! Tatlong HOT BOYS na ang nakita ko. ^___^
"Miss. Ba't ka ngumingiti? Di ka na galit?" Tanong nya
Umiling ako at nginitian sya ng mas malawak.
Hinawakan ko sya sa pisngi at--
"A-aray ko po m-mish. Mashakit.."
Hihihihi. Ang kyot kyot nya kaya pinanggigilan ko ang pisngi nya.
Tinanggal ko din agad kasi parang iiyak na sya.. Oo. Ang sensitive naman neto!
"Sorry. Ang cute mo kasi!hihihi" landi much! HAHAHA.
Hinihimas himas nya yung pisngi nya.
"Kainis ka! Bleh!"
Ha?! Ang isip bata naman neto! May padila-dila pang nalalaman!"Sorry ha! Ang kyut kyut kyut mo kasi! MUka kang babae!" sigaw ko sa kanya
Nag-iba naman ang aura nya. Kung kanina pa-bata sya, ngayon-- seryoso na ang muka nya.
BINABASA MO ANG
When Ms. E-book Addict Fell in Love
Teen FictionWHEN MS. E-BOOK ADDICT FELL IN LOVE --- Dessa Amber Flores.. Ang ilusyunadang palaka~ Jowk. hahaha! eto na talaga!! Take two! Dessa Amber Flores, isang dalagang may angking kagandahan, kabutihan at katalinuhan ... isama mo na rin ang kaumbukan.. ng...