CHAPTER 5
~ AMBER'S POINT OF VIEW ~
"Ang mamatay ng dahil sayooo~" Feel na feel ko ang pagkanta ng Lupang Hinirang. Aba! Instant concert ko na toh noh. Kaso may kasabay nga lang ako. Di bale, kunwari sila yung back up singers tas ako yung main! buwahahaha.
Umakyat sa stage yung principal namin, Si Mrs. Kaldero-- este-- Mrs. Cardero.
Naku~ ang taba taba taba taba taba nyan! Iniisip ko pa lang na dadaganan ako ng balyenang yan nasu-suffocate na ang beauty ko.
"To all students of ZERO Academy. Please pay attention. Panahon na para makilala nyo ang may-ari ng Academy na tinatapakan nyo" sabi ni Mrs. Kaldero
May-ari? ahh. oo nga pala, di pa namin kilala kung sino. Pero balita ko taga-ibang bansa daw yung mga yun. Siguro mga panget yung mga yun kaya hindi nagpapakita. Maski mga pangalan di namin alam. Talagang tinago! Tama, 'MGA'.. Kasi apat yung mga may-ari.
Nagsimula ng magbulungan ang mga nandito sa quadrangle. Kesyo eksayted na daw sila makita kung sino sino. Kesyo mga lalaki daw ang may-ari at sana daw mga fuugi.
"Tonight, may welcome party tayo for the owners of this academy. 7 pm, masquerade party ang theme."
WHUUT? Para lang sa mga may-ari magpa-party pa?! Aba sosyalin! Che! Hindi ako aattend! Wala akong susuotin na damit ano!
"Complete attendance is a must! Kapag isa sa inyo ang hindi umattend mapapatalsik ng academy."
"ANO!!!???" bongga kong sigaw
Nagsitinginan ang mga ka-school mate ko.
Pero wala akong pake sa kanila ano! LINTIK! Pag hindi umattend mapapatalsik?! Ang O.A naman nila!!!
"Any problem Miss Flores?" Tanong ni Tabachingching na principal
Oo mga kafatiid, kilala ako ng balyenang yan. PABORITO nga ako nyan eh! =___= Paboritong apihin.
"Wala." napairap na lang ako.
Letchugas! Ang daming kaek-ekan ng mga tao dito! San ako hahanap ng pera pambili ng damit? ni singkong banlag wala ako! oo, singkong BANLAG. Duh? Masyadong cliche ang singkong duling. -__-
Pero sabagay, kahit naman gutay gutay ang suotin ko maganda pa rin ako. hahaha!
"Ma naman! Ano ba to?! Hindi naman ako ikakasal eeehh!" pagdadabog ko kay mama.
Letche. pagsuotin daw ba ako ng WEDDING GOWN para sa party mamaya!? Tignan ko lang kung hindi nyo ilublob ang muka ng nanay nyo sa bowl! Pero syempre, mabait ako kaya hindi ko yun ginawa..
"Anak. Ayos yan. Para kuhang kuha mo ang atensyon nila. Tas dapat medyo late ang pagdating mo para mala-cinderella ka. dibaaa??"
Naku~ kung di ko lang to nanay pepektusan ko na toh sa boobs!
BINABASA MO ANG
When Ms. E-book Addict Fell in Love
Teen FictionWHEN MS. E-BOOK ADDICT FELL IN LOVE --- Dessa Amber Flores.. Ang ilusyunadang palaka~ Jowk. hahaha! eto na talaga!! Take two! Dessa Amber Flores, isang dalagang may angking kagandahan, kabutihan at katalinuhan ... isama mo na rin ang kaumbukan.. ng...