Chapter 12

22.2K 339 16
                                    

Hayley’s POV

“U-ugh..” ungot ko. Ang sakit kasi ng ulo ko. Parang hinampas ng hollow block eh

Napatingin ako sa loob ng kwarto

Teka? Hindi ito ang kwarto ko!!!!

“Oh you’re awake” napatingin ako dun sa nagsalita

Si Claude, papasok ng kwarto niya at papalapit sa akin na may dalang tray

“Here, have some soup..” tinignan niya ako “..I cooked that for you so you can feel better”

Ano daw? Si Claude ba talaga itong kaharap ko? Kinakausap niya ako? At ipinagluto pa niya ako ng soup?

Ang weird. Hindi nalang ako umimik, aabutin ko na sana yung kutsara para makahigop na ng soup pero hinawakan ni Claude yung kamay ko

“Eto yung spoon, wala diyan”

Huh? Tama naman yung direksyon ng pagkuha ko ng kutsara ah?

“T-thanks” naiilang pa din ako

Kukunin ko na sana yung soup bowl, pero the same thing happened

Ang weird ng senses ko ngayon. Bakit naman kaya?

“Okay ka lang ba Hayley? Nahihilo ka pa ba?” alalang tanong nito sa akin

“Hindi, pagod lang siguro” sagot ko dito

“Ako na nga lang ang magpapahigop sayo” at yun nga kinuha niya yung spoon at yung soup bowl at siya nalang ang nagpahigop sa akin ng soup

Pagkatapos niya ankong pahigupin ng soup, itatabi ko na sana ito pero siya nalang ang nagtabi

“Salamat Claude ha? Teka, una na ako. May gagawin pa kasi ako” sabi ko sa kanya. Naiilang din kasi ako.

Hindi siya umimik at tinignan lang niya ako ng seryoso

Nakaramdam na naman ako ng hilo at na-out-of-balance ako

“Hayley!” sigaw ni Claude at nasalo niya ako

“Huwag mo kasing pilitin, hindi mo pa kaya. Take a rest please?” I can hear concern in his voice

“Kaya ko na Claude. Salamat nalang”

“NO! YOU’RE RESTING WETHER YOU LIKE IT OR NOT! Wag ka na makulit okay? Asawa mo ko diba? Dapat inaalagaan kita” sermon nito sa akin

Hindi na ako nakapagsalita dahil sa gulat sa sinabi niya, Wala na din akong nagawa kundi ang sumunod

Si Claude ba talaga ito?

.

.

.

.

.

.

Nakapagpahinga na din ako. Nabaling naman yung tingin ko sa taong nakayuko sa gilid ng kama habang natutulog

Si Claude

Totoo ba ito? Napatawad na kaya ako ni Claude?

Hindi ko maiwasan na hindi umiyak sa tuwing naaalala ko yung kasunduan namin ni Lianne

“I’m so sorry Claude. Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko ha? Pag dumating yung tamang panahon, ako nalang ang lalayo para maging masaya na kayong dalawa ni Lianne. Im so sorry” bulong ko dito habang mahimbing na natutulog

Umungot ito at gumalaw ng kaunti

“I love you Claude..” bulong ko at sabay hinalikan ko ang noo niya.

Bumangon na ako at umalis na ng kwarto niya

The Greatest Martyr of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon