Anaya's POV
Umaga pa lang gising na si anaya para rumaket na naman. Kailangan kasing kumayod para may makain, pagkababa nadatnan niya ang ina na naghahanda na ng pagkain sa lamesa.
"Morning nay, bakit naman po ang aga niyong gumising?tanong ko kay nanay.
"Morning din nak, alam ko naman kasi na maaga kang gigising para maghanap ng trabaho kaya inagahan ko ng gising para makapagluto para maka-kain ka bago umalis ng bahay",sabi ni nanay.
Nilapitan ko siya at niyakap mula sa likuran niya. Ang baho naman ni nanay haha de joke lang, mahal na mahal ko kaya to. Sila ni tatay at mga kapatid ko ang inspirasyon ko para magsumikap ng makaahon sa kahirapan.
"Thank you po nanay sa lahat, sa pagmamahal sa amin ng mga kapatid ko pati na din kay tatay. Di bale nay kapag nagkapera ako ng malaki ipapa-derma kita",biro ko kay nanay.
"Heh, ikaw talagang bata ka oo, umaga pa lang nagda-drama ka na. Umupo ka na nga para makakain ka na ng umagahan", nangingiting sabi ni nanay sa akin.
"Hindi kaya nagda-drama ang pinaka-maganda mong anak nanay",sabi ko sa kanya.
"Hala sige na ikaw na ang pinaka-panget este pinaka-maganda kong anak",biro ni nanay sa akin.
"Narinig ko po yun nay ha, ang ganda ko kaya kahit nga siguro si Daniel Padilla magkaka-gusto sa akin",buong tiwala na sabi ko.
"Anak, talaga bang gising ka na ha? bakit yata nananaginip ka pa?sabi ni nanay sa akin.Napaismid na lang ako sa biro ni nanay sa akin.
Pagkatapos mag-agahan naligo na din ako at umalis na ng bahay para puntahan ang bestfriend ko sa kanilang bahay. Siguradong hindi pa nakaayos yun. Pagdating sa bahay nila tama nga ang hula ko na hindi pa siya nakaayos, kakagising lang bruha.
"Best ang aga mo naman pumunta dito",sabi niya sa akin.
"Anong umaga?tanghali na po senyorita",pairap na sabi ko kay nica. Ngumuso na lang ito sa sinabi ko.
"Oo na po, hintayin mo na lang ako at maliligo lang ako ng mabilis",sabi niya sa akin.
Pagkasabi nito ay agad itong umalis sa harapan niya kahit hindi pa nag-aagahan. Sira ulo talaga ang bestfriend kong yun, siya mismo nagsabi na maaga daw kaming aalis pero ito naman ang late nagising. Pagkatapos ng 30 minutes tapos na din ito at gumayak na kami para sa raket namin ngayon. Pagdating sa tindahan trabaho agad ang inatupag namin. Ito ang raket namin ngayon ang magtinda ng mga gulay.
"Miss, magkano ang okra?tanong ng isang matabang babae sa akin.
"Naku misis, mura lang po yan, tatlo kinse po",sagot ko sa kanya. Pero tinaasan lang niya ako ng kilay na ipinagtaka ko.
"Aba,miss pa ako ano!!mataray na sagot nito sa akin. Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Para kasi itong inahing baboy na manganganak na sa laki ng tiyan.
"Ay sorry po miss, pero alam niyo ang taba niyo este ang sexy niyo. Siguro po ang daming lalaki ang naaakit sa inyo",sabi ko dito. Bigla naman itong ngumiti sa sinabi ko sa kanya, hindi man lang napansin na nagbibiro lang ako.
"Ay talaga?maliit na bagay lang naman yan eh",proud pa na sabi nito sa kanya.
"Kaya para sumexy pa kayo miss beautiful, pakyawin niyo na po ang lahat ng tinda ko para mas lalong mahumaling sa inyo ang mga kalalakihan na addict sa taba niyo este sa sexy niyong katawan",pabirong loko ko sa kanya.
"Sige na nga, magkano ba lahat yan?tanong nito sa akin.
"Ay mura lang po miss,2,000 po lahat yan walang labis walang kulang",sagot ko sa tanong niya.
"Ito ang 3,000 bigay ko na sa'yo tutal napansin mo ang kagandahan ko",ngiting sabi nito sa kanya. Napangiti na lang siya kasi malaki-laki din ang nakuha niya mula dito. Ayos talaga ang acting niya na nagagandahan siya dito, di na rin siya lugi.
"Salamat po, balik po kayo ulit miss piggy este miss beautiful pala",pasigaw na pahabol ko dito. Narinig ko naman ang tawa ni nica mula dito.
"Naks best parang may naloko ka na naman ah!!tawang sabi nito sa kanya.
"Naman best, diskarte lang yan para mas makarami pa ako ng kita. Tutal tapos na din naman ako dito tulungan na lang kita magbinta para makauwi agad tayo",sabi ko dito.
"Sige2x best para makapag-pahinga na tayo",tuwang sagot nito.
Pagkatapos ng isang oras naubos na din ang paninda ni nica. Nag-ayos na din kami para makauwi na agad, habang naglalakad napag-usapan naming lumuwas ng maynila para maghanap ng trabaho doon. Okay lang naman sa akin yun para malaki-laki naman ang kikitain naming dalawa. Baka sakali doon namin mahanap ang swerte namin.
BINABASA MO ANG
Bachelor Series 1: Caden Aries McKinley
FanfictionCaden is a beast when it comes to business world that's why the age of 28 he's a successful already. He's handsome, matinik sa mga babae, mabait sa mga taong importante sa kanya at ang ayaw niya sa lahat ay maingay. Anaya Dimacula is a happy person...