Chapter 8

115 4 0
                                    


Abala si anaya sa pagpupunas ng mesa ng bigla na lang siyang nakarinig ng nagtitiliang babae mula sa likuran niya. Agad naman siyang lumingon sa pinagkaguluhan ng mga ito. Anim na naggwa-gwapohang kalalakihan ang pumasok sa loob ng coffee shop. Bumilis ang tibok ng puso niya ng makita ang isang partikular na lalaki na talaga namang angat sa kasamahan niya. Sa pagkatulala niya mula dito hindi niya namalayan nasa harapan na niya ang kaibigan na matiim na nakatitig sa kanya.

  "Hoy best, di kaya matunaw na yong tao sa kakatitig mo? tukso ng kaibigan niya sa kanya. Napatingin naman siya dito at nahuli niya din itong nakatitig sa isang lalaki na pinaglihi yata sa sama ng loob.

  "Eh, ikaw best?di kaya mapatay mo na yong lalaki na tinititigan mo diyan? sabi ko dito sabay sundot ng tagiliran niya. Halata naman na crush nito ang nasabing lalaki.

  "Heh, pag sayo matunaw?pero sa'kin mamatay? ayyy grabe ka best ha, nakakasakit ng heart etechh ha", natawa naman ako sa sinabi nito. Kahit kailan talaga malalaman mo kung nagsasabi ito ng totoo o hindi.

  "Hehehe, magtrabaho na nga tayo at dumadami na ang costumer natin, baka niyan eh masisante pa tayong dalawa", natatawa pa ding sabi ko dito. Napasulyap naman ako sa table kung saan nakaupo si Caden kasama ang mga kaibigan nito. Gusto na niyang mapalubog sa kinatatayuan ng mahuli siya nitong nakatitig dito.

Agad naman niyang tinungo ang kusina para maiwasan ang mga titig nito sa kanya. Ewan ba niya sa tuwing nakikita niya ito eh bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso niya. Maya maya pa ay pumasok sa loob ng kusina ang kaibigan na nakasimangot. Tumaas naman ang kilay niya sa inaasta nito. Agad naman niya itong nilapitan upang tanungin.

  "Best? anyare sa'yo? hindi yata maipinta ang mukha mo diyan? tanong ko dito pero ang loka inirapan lang ako. Sarap sabunutan sa ilalim hehehe.

  "Ahhh, bwiset kasi na lalaking yun best eh!!nakakainis, sarap putulan ng ulo sa baba para magtanda", pumapadyak na sabi nito sa kanya. Sino naman kayang lalaki ang tinutukoy nito?.

  "Ha? bakit anong ginawa sa'yo? tanong ko dito habang nakakunot ang noo.

  "Kasi naman best, tinanong ko lang naman kung ano ang order nila pero ang letseng lalaki na yun ang sabi nagpa-pacute daw ako sa mga kaibigan niya", nakaismid na paliwanag nito sa kanya na ikinatawa ko naman.

  "Sinong lalaki? yong tinititigan mo kanina? tukso ko dito na lalong ikinaismid niya.

  "Heh, ewan ko sayong bruha ka. Mas okay na lang yong sa'kin no!! Eh yong lalaking kinidnap ka, ayun may kalampungang iba. Hindi na nahiya, sukat ba namang dito maghalikan sa coffee shop eh hindi naman ito motel no", napatigil naman ang pagtawa ko sa sinabi niya. Bakit ganun, para yatang kumirot ang puso niya sa sinabi ng kaibigan.

  "Hayaan mo na best, buhay naman niya kasi yun. Kung gusto man niyang magka-syota eh di hayaan at syaka labas na tayo dun",nakayukong sabi ko dito.

   "Hayaan ka diyan? Eh bakit ka nakayuko diyan aberr? tanong nito sa'kin. Agad naman akong napaangat sa sinabi nito. Ayoko naman kasi na mahalata nito ang lungkot sa mga mata ko.

  "Wala best, ready ko lang yong order nila baka naiinip na ang mga yun sa labas", sabi ko na lamang dito para hindi na humaba ang usapan namin.

  "Okay, pwede bang ikaw na lang magdala ng order nila sa labas best?pakiusap nito sa kanya. "Nababanas kasi ako sa pagmumukha ng tukmol na yun eh", pairap na sabi nito sa kanya na ikinatawa ko naman.

  "Sige na nga tutal ihahatid ko din yong order ng isang costumer doon sa labas. Sige ka baka magkatuluyan kayong dalawa niyan", lalo naman itong nainis sa sinabi niya.

  "Letse ka talaga best, labas ka na nga doon", taboy nito sa kanya.

Pagkalabas mula sa kusina ay dumiretso muna siya sa isang costumer na umorder ng frappe at syaka dumiretso sa table nina Caden. Maingay silang nag-uusap tungkol yata sa business na balak nilang ipatayo. Nakita naman niya ang babae na sinasabi ng kaibigan sa kanya, maganda ito pero masyadong revealing magsuot ng damit. Napatigil lamang sa pag-uusap ang magkaibigan ng dumating siya para e-served ang mga order ng mga ito. Halata sa mga mukha ng mga ito ang gulat pagkakita sa kanya.

  "Sa...Samantha? sabi nong lalaki na katabi ni Caden. Napatingin naman siya dito.

  "Sorry po pero hindi po Samantha ang pangalan ko", sagot ko dito habang nakatingin siya dito.

  "I'm sorry, you look like Samantha Ms." sagot naman nito sa kanya. Nginitian na lamang niya ito.

  "Okay lang po yun sir, napagkamalan na din po ako nong mga magulang ni Ma'am Samantha kaya medyo sanay na rin ho ako", paliwanag ko naman dito. Ang ibang kaibigan naman nito ay nagkasya na lang na titigan siya.

Napatingin naman siya kay Caden na mataman siyang tinititigan. Para akong malulusaw sa klase ng titig nito sa kanya. Napaiwas naman agad ako dito. Maya maya pa ay nagpaalam na din ako sa kanila pagkatapos ibigay ang mga order ng mga ito. Napaisip naman ako kung sino si Ma'am Samantha sa kanila? Mukha kasing napakaimportante nito sa magkakaibigan at mga trabahador dito sa coffee shop. Ganun ba talaga kaming magkamukha na halos lahat ng tao eh kilala siya. Minsan tuloy naiisip ko na napaka-swerte ni Samantha kasi madaming nagmamahal sa kanya. Sayang lamang dahil limang taon na itong patay. Ano kaya ang dahilan ng pagkamatay nito? Naguguluhan na din ako sa sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang feeling ko eh kilala ko siya mula pa noon. Yong tipong pinaglayo kaming dalawa dahil sa isang trahedya. Aisssh bahala na nga, naloloka na tuloy ako.

Bachelor Series 1:  Caden Aries McKinley             Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon