Anaya's POV
Pagkadating sa bahay ay nadatnan ko ang kapatid ko na nanonood ng telebisyon sa sala namin. Si nanay naman ay nasa kusina at nagluluto para sa hapunan. Agad ko itong nilapitan at nagmano. Mamaya ay sasabihin ko sa kanila ni tatay ang balak namin ni nica na lumuwas ng maynila.
Habang naghahapunan ay sinabi ko sa kanila ang balak ko. Inagaw ko muna ang atensiyon nila.
"Ahmm, nanay, tatay. Luluwas po pala kami ni nica ng maynila para maghanap ng mas magandang trabaho",sabi ko sa kanila. Napatingin naman sila pareho sa akin sa sinabi ko.
"Aba'y diba delikado ang maynila anak?tanong ni tatay sa akin.
"Mag-iingat naman po kami tay, at syaka para tumigil na din po kayo magtrabaho sa bukid. Ako na lang po ang magta-trabaho para sa atin, baka po kasi atakihin kayo sa puso niyo eh",paliwanag ko kay tatay.
"Wala namang problema sa akin yun anak, ang sa akin lang naman ay baka mapahamak kayo doon sa lungsod gayong pareho pa kayong babae ni nica",sagot ni tatay sa akin.
"Huwag po kayong mag-alala tay, yakang-yaka po namin yun, marunong yata itong anak niyo magkarate",pabirong sagot ko kay tatay. Napatawa na lang sila sa sinabi ko.
"Aba'y kung yan ang desisyon niyo eh papayagan ka namin ng nanay mo sa desisyon mo anak",sabi ni tatay sa akin. Tumango naman si nanay tanda na pumapayag na din ito sa desisyon ko. Sumingit naman ang bunso kong kapatid na lalaki sa usapan.
"Ate pagdating mo po sa maynila bilhan mo ako ng cellphone ha",sabi nito sa kanya. Sinabihan na lamang niya ito na pagbutihan ang pag-aaral para bilhan niya ito ng cellphone. Umoo naman ito agad.
Pagkalipas ng dalawang linggo ay umalis na din sila ni nica papuntang maynila. Hinatid sila ng kanilang mga magulang sa bus terminal. Marami ang habilin ng mga magulang sa kanya, kumain daw siya lagi sa tamang oras at wag pababayaan ang sarili. Pagdating sa maynila ay naghanap muna sila ng pwede nilang upahan na bahay. Sa awa naman ng diyos ay nakahanap din naman agad sila. Maliit nga lamang ito pero kasya naman silang dalawa. Meron din itong maliit na kusina, isang lamesa na halatang luma na din, dalawang upuan na kapag inupuan mo ay siguradong bagsak agad ang pwet mo. Pero kaya naman namin ni nica kasi pareho naman kaming lumaki sa hirap.
"Best, bukas na lang tayo maghanap ng trabaho para makapag-pahinga tayo ngayon. Ang sakit na kasi ng katawan ko eh",sabi ni nica sa akin.
"Sige best pahinga ka na muna, lalabas lang ako para bumili ng hapunan nating dalawa",sagot ko dito. Umoo naman siya sa sinabi ko dahil nakakaramdam na din siya ng gutom.
Habang naglalakad ako ay diko napansin ang sasakyan na muntik ng maka-bangga sa akin. Akala ko nga ay tinuluyan na ako ni papa Jesus pero laking pasalamat ko na kahit konting galos ay wala akong nakuha. Agad ko namang nilapitan ang kotseng muntik ng makasagasa sa akin. Kinatok ko ang bintana nito.
"Hoy, lumabas ka diyan sa kotse mo, letse ka muntik mo na akong masagasaan ha!!!langya tong driver nato at wala man lang ganang babain siya at dahil na din sa inis niya ay sinipa niya ang kotse nito.
Hindi niya napansin na nakababa na pala ang taong muntik ng makasagasa sa kanya at take note akala niya sasakyan pa ang sinisipa niya pero hindi niya alam na binti na pala ng taong yun ang nasisipa niya.
"What the f*ck is your problem ugly girl?sigaw ng taong nasa harapan niya. Unti-unti niyang iniangat ang mukha sa taong sumigaw sa kanya. Handa na sana niya itong sigawan kung hindi niya lang nakita ang napaka-gwapong mukha nito.
Para itong isang Greek God sa ka-gwapuhan na taglay. Makakapal na kilay na binagayan ng malalantik nitong pilikmata, matangos na ilong na kay sarap pisilin, mapupulang labi na kay sarap papakin😀😀joke lang pero may halong totoo. Pero ang pinaka-gusto ko sa lahat ay ang katawan niya ay este ang mga mata niya na kulay asul. Di ko namalayan na tinititigan niya na pala ako.
"Done checking me out?can you get out of my way now?supladong sabi nito sa akin.
Gwapo nga pero ang sama naman ng ugali, hindi ko na siya crush,ay anu ba yan, erase2x. Dapat galit ka sa kanya aya. Itayo mo ang bandera ng mga taga probinsiya. Hinarap ko ito at naggalit-galitan.
"Hoy,anong check2x me out ang sinasabi mo diyan?wala ka naman sa school para e check kita ah!!?sigaw ko dito. Napatingin naman ito sa akin na nagtataka sa sinabi ko. Maya-maya tumatawa na ito.
"(Bulong)"sira yata ulo nitong si kuya eh, sayang gwapo pa naman sana kung hindi lang may topak sa isip",pabulong na sabi ko sa sarili.
"Next time you whisper something make it sure that I can't hear it",iritang sabi nito.
Napatingin naman ako sa sinabi niya. Akmang tatalikod na ito ng bigla na lang ito humarap sa kanya.
"Hey ugly girl",tawag nito sa kanya.
"Bakit?sagot ko sa kanya.
"I will make it sure next time that we will meet again and I promised i will make your life more fun and meaningful",pangiting sabi nito sa kanya. Para yatang iba ang kahulugan nun sa kanya?.
"Letse ka, pinapangako ko na hindi na ulit magku-krus ang mga landas natin. Over my dead beautiful body."pasigaw na sabi ko dito.
"Hahahha, your body have no shape miss ugly girl, lahat nga yata sa'yo flat eh",sabay tingin sa mga dibdib ko.
"Ahhhhhh bwiset ka, ang pangit2x mo kahit alam kung may 8 pack abs ka",huli na ng marealize ko ang sinabi ko.
"Pangit pala ha",smirk na sabi nito.
Pumasok na ito sa loob ng sasakyan nito at binuhay nito ang makina. Pero bago umalis ay huminto muna ito sa harap niya. Pinapalapit siya nito sa kanya at kusa naman humakbang ang mga paa niya. Para itong isang magnet na nakadikit sa kanya. Napayuko naman siya dito at ngayon nga pantay na ang mga mukha nila. Nagulat na lang siya ng hawakan nito ang likod ng ulo niya at halikan siya sa mga labi niya. His kiss is aggressive, naghahanap ito ng katugon pero bago pa niya tugunin ito ay pinutol na nito ang halik na namagitan sa kanila. Ng matauhan siya ay wala na ito sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
Bachelor Series 1: Caden Aries McKinley
Fiksi PenggemarCaden is a beast when it comes to business world that's why the age of 28 he's a successful already. He's handsome, matinik sa mga babae, mabait sa mga taong importante sa kanya at ang ayaw niya sa lahat ay maingay. Anaya Dimacula is a happy person...