Chapter 7

117 1 0
                                    


Masaya ang magkasintahang Caden at Samantha habang cinecelebrate ang kanilang anniversary. Alam ni caden na si Samantha na ang babaeng itinadhana na makasama niya habang buhay. Kaya naman ay balak niyang mag-propose na rito ng kasal. He loves Samantha more than his life, hindi niya kakayaning mawala ito sa kanya. Magkahawak sila ng kamay habang nakatingin sa papalubog na araw.

  "Sam? kuha niya sa atensiyon ng nobya na nakatingin sa papalubog na araw. Tumingin naman ito sa kanya habang may ngiti sa mga labi.

  "Yes baby? sagot nito sa kanya.

  "I love you so much baby, alam ko na ikaw na ang babaeng para talaga sa'kin. Mula noong high school at hanggang college tayo pa rin. Noong una kitang makita noong high school pa lang tayo, sabi ko sa sarili ko na "ang ganda naman nitong babae nato", sabi ko dito habang nakangiti. "Mula noon ipinangako ko sa sarili ko na ikaw na talaga ang gusto kong pakasalan.

Naluluha naman itong tumitig sa mga mata niya. Bakas sa mukha ng nobya ang pagmamahal para sa kanya.

  "Baby, you know I love you so much. Kahit sino pang lalaki ang umaaligid sa'kin, nag-iisa ka pa din sa puso ko", turan nito na nakapag-pangiti sa akin.

Hinalikan niya ang noo ng nobya habang lumuluha ito. Maya-maya pa ay nagulat ito sa biglaang pagluhod niya sa harapan nito. Kinuha ko rin ang Red box mula sa bulsa ko na naglalaman ng singsing. Napaluha pa ito lalo ng makita nito ang diamond ring na hawak niya.

Bachelor Series 1:  Caden Aries McKinley             Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon