Chapter 14Pagkamulat ng mga mata ni Anaya, puting kisame agad ang nabungaran niya. Iginala niya ang paningin sa loob ng kwarto, hindi ito ang kwarto niya. Napatingin siya sa kama at doon natagpuan ang lalaking nakatalikod. Sisigaw na sana siya kung hindi niya lang nakita ang mukha nito at doon nanumbalik ang naganap sa kanila kagabi. He's like a Greek god.
Dahan dahan siyang bumangon at muntik ng mapasigaw sa kirot sa gitna ng hita niya. Pinilit na lamang niyang indahin ang kirot para hindi magising ang binata na natutulog pa. Tumungo siya sa banyo para maglinis ng katawan, nanlalagkit siya mula pa kagabi. Pagkaupo sa bowl ng cr ay umihi agad siya at pinagsisihan niya iyon dahil sobrang sakit pala. Pagkatapos umihi ay nag-shower na siya at itinabing ang tuwalya sa katawan niya. Pagkalabas ng banyo ay tinungo niya ang closet ng binata. Nakasalansan ng maayos ang mga damit nito, ang mga suit nito ay nakahanger ng pagkakasunod sa tamang kulay. Ang mga sapatos naman nito ay nasa ilalim nakalagay. Hiniram muna niya ang boxer nito at kulay pulang T-shirt.
Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan para hindi makalikha ng ingay. Pagkasara ng pinto ay napabuga siya ng hangin, dumiretso agad siya sa kusina para magluto ng almusal. Binuksan niya ang ref nito at kumuha ng itlog, bacon at hotdog. Marami pa namang kanin ang natira, isasangag na lamang niya ito. Matapos lutuin lahat ay nag-ayos na siya para umalis na sa bar ng magkakaibigan. Nag-iwan na lamang siya ng note para dito at nagtimpla na din ng kape para sa binata.
Napabalikwas ng bangon si Caden sa napanaginipan kagabi. Parang totoong nangyari. Aalis na sana siya sa kama ng mapansin ang pulang mantsya sa bedsheets. Napasabunot na lang siya ng buhok na hindi pala panaginip lang yun kundi totoong nangyari talaga. Bumangon na siya mula sa kama at pumuntang cr para magsipilyo at maghilamos. Pagkalabas sa kwarto ay tumungo siya sa kusina at nakitang nakahanda na ang breakfast sa lamesa. Nakita naman niyang merong note na nakadikit sa ref. A small smile form from his lips when he read it. He knows already that anaya went to their bar last night and he heard Xander calling her, He's drunk last night that's why he can't remember anything. He thought he's just dreaming that Samantha is with him.
To Caden
Hiniram ko pala ang damit mo at nagluto na din ako ng almusal mo. Kumain ka bago pumasok sa trabaho. Ibabalik ko na lang ang damit mo pagkatapos kong labhan.
From: Anaya
Pagkatapos mag-almusal ay nag-ayos na din si Caden para pumasok sa opisina. Pupuntahan niya mamaya si anaya para kausapin ito sa nangyari sa kanila kagabi. Sisiguraduhin niya na mapapayag niya ito sa inaalok niya na kasal lalo na may nangyari na sa kanilang dalawa.
Pagkadating sa office ay mga papeles agad ang inatupag niya. Habang nagtatrabaho ay napapangiti siya sa nangyari kagabi sa kanila ni anaya. Parang nakaukit na ito sa isipan niya.
It's 4 pm in the afternoon already so he decided to meet anaya in the coffee shop. Pagkadating sa coffee shop ay nakita niya ang dalaga na nagpupunas ng table sa loob. Tumutulo na ang pawis nito sa noo pababa sa leeg nito. Napalunok siya ng makita ang bilog na dibdib nito na natatakpan ng uniform nito. Pumasok siya sa loob ng coffee shop at nilapitan ito. Niyakap niya ito mula sa likuran na nakapagpaigtad dito.
"Anong ginagawa mo?
"Hugging you"
"Alam ko, ang tanong ko bakit niyayakap mo'ko?
"Baka't na yong bra mo, kitang kita na nga eh"
Napatingin naman si anaya sa bandang dibdib niya. Kitang kita nga ang ebidinsya na nakikita na ang dibdib niya kahit pa natatakpan na ito ng bra at uniform na suot. Napaangat naman ng mukha si anaya ng mapansing na sa katawan na niya ang coat ni caden na kanina lamang ay suot pa nito. Naalala naman niya tuloy ang nangyari sa kanila ng binata kagabi ng mapadaiti ang balat nito sa kanyang balat at tila sumiklab ang init na kanyang nararamdaman ng maalala ang bawat haplos nito sa kanyang katawan. Tila hanggang ngayon eh nararamdaman niya pa rin ito sa kanyang loob.
Haist, ano ba tong pinag-iisip ko? Para naman akong manyak nito eh. Kahit sabihin pa na siya ang kasama nito kagabi eh pangalan naman ni Samantha ang bukambibig nito. Nakaramdam naman siya ng kirot sa dibdib ng maalala niya ang katagang sinambit nito sa dating kasintahan. Siguro nga kailangan na nyang iwasan ang binata mula ngayon.
BINABASA MO ANG
Bachelor Series 1: Caden Aries McKinley
FanfictionCaden is a beast when it comes to business world that's why the age of 28 he's a successful already. He's handsome, matinik sa mga babae, mabait sa mga taong importante sa kanya at ang ayaw niya sa lahat ay maingay. Anaya Dimacula is a happy person...