Anaya's POV
Napabalikwas ng bangon si anaya ng bigla na lang sumigaw si nica. Akala nga niya ay may sunog na, yun pala ay ginising lamang siya para makahanap na agad ng trabaho.
"Bessst, gising na para makahanap agad tayo ng trabaho",sigaw ni nica sa kanya.
Tamad na bumangon na lamang ako para hindi na sumigaw pa ulit si nica, matinis pa naman ang boses nun kapag sumigaw na bunganga nun. Pagkalabas ko ng kwarto namin naabutan ko siyang naghahanda na ng agahan.
"Morning best, ang sarap naman ng hinanda mong agahan, saan mo ninakaw yan?pabirong sabi ko sa kanya. Ang bruha inirapan lang ako.
"Heh, magtigil ka nga diyan best, ninakaw ko to sa kabilang bahay habang tulog pa ang mga tao doon",ganting biro nito sa kanya. Napatawa na lamang siya dahil sinakyan nito ang Biro niya dito.
Pagkatapos nilang mag-agahan ay nag-ayos na din sila para maghanap ng trabaho. May nakita silang coffee shop na nangangailangan ng dalawang waitress, agad silang pumasok para mag-apply.
"Good morning po kuya",bati ko kay kuyang naglilinis. Agad naman itong lumingon sa kanila ni nica. Napanganga pa nga ito na parang nakakita ng multo.
"Ma...ma'am Samantha?sagot naman ni kuya sa amin. Nagkatinginan naman kami ni nica sa pagtawag sa akin ni kuya na Samantha?.
"Hehehe, kuya sino si Samantha? tanong ko kay kuya.
"Ahmmm, kamukha niyo po kasi ang may-ari ng coffee shop nato",sagot naman nito sa kanya.
"Ahhh ganun po ba? Pero nasaan po ba si ma'am Samantha ngayon kuya? Mag-aaply sana kami ng kaibigan ko bilang waitress, nakapaskil kasi sa labas na nangangailangan kayo nun",paliwanag ko dito.
"Matagal na pong patay si ma'am Samantha miss pero kung gusto niyong mag-apply mismong mga magulang niya mag-iinterview sa inyo",sagot naman nito sa kanila. Pareho pa nga silang nagulat ni nica na patay na pala ang may-ari ng coffee shop na ito.
"Ahmmm, nandito po ba sila ngayon?tanong ko kay kuya.
"Yes po miss, sandali lang po at ipapaalam ko sa kanila na gusto niyong mag-apply",sagot nito sa kanya. Agad naman itong pumasok sa isang opisina at maya-maya bumalik naman agad.
"Pwede na po kayong pumasok mga miss",sabi nito sa kanila.
Agad silang nagpasalamat dito at pumasok na sa tinurong opisina kung saan ito pumasok kanina. Pagkapasok pa lamang ay dama na niya ang ambiance ng opisina, kumpleto ang kagamitan na makikita dito, may isang sofa na makikita sa gilid, sa gitna naman nito ay makikita ang isang lamesa na gawa sa crystal. May mga magaganda ding painting na nakasabit sa magkabilaang dingding. Naagaw lang ang atensiyon niya sa mag-asawa na parehong nakatingin sa kanya. Nagulat pa nga siya dahil parang naiiyak ang mga ito pagkakita sa kanya.
"Hehehe, good morning po ma'am at sir",bati ko sa mga ito.
"Good morning din po sa inyo",bati naman ni nica sa mga ito.
Tumayo naman ang ginang at lumapit sa kanya, bigla na lang siyang nagulat sa pagyakap nito sa kanya. Napansin din niya na basa na ang batok niya na malapit sa leeg niya. Para bang matagal siya nito na hindi nakita.
"I miss you so much Samantha, bakit ngayon ka lang bumalik", pahikbing saad nito.
"Ahmm, hindi po ako si Samantha ma'am", sagot ko naman dito.
"No sweety, alam kong ikaw ang anak ko, nararamdaman ko mismo", sagot naman ng ginang sa kanya.
Maya-maya pa ay nilapitan na din siya ng kanyang asawa para patahanin.
"I'm sorry iha, sobrang na miss niya lang talaga ang anak namin", sagot ng ginoo sa kanya.
"Okay lang po yun sir, naiintindihan ko naman po ang sitwasyon niyo ngayon. Masakit po talaga mawalan ng minamahal sa buhay parang kalahati din ng pagkatao mo namatay sa pagkawala ng taong yun", sagot ko naman dito.
Napangiti naman ito sa sinabi niya. Maya-maya pa ay nagtanong ito sa kanila ni nica tungkol sa pag-aapply ng trabaho. Ininterview naman agad sila nito at sa awa ng diyos ay natanggap naman sila at pwede na silang magsimula bukas. Masaya sila ni nica na nag-uusap habang naglalakad.
"Alam mo best, nagulat talaga ako kanina na bigla ka na lang niyakap ng ginang na yun at napagkamalan ka pa na anak niya ha", saad ni nica sa kanya.
"Oo nga best eh, kahit naman ako nagulat din dun kanina pero alam mo best ang bango niya sobra", sagot ko dito. Bigla naman niya akong binatukan.
"Shunga ka talaga, seryoso ang pinag-uusapan natin hinahaluan mo ng Biro", pairap na sabi niya.
"Makabatok naman nito parang sa luneta lang ah", saad ko dito.
"Bilisan na nga natin para maka-uwi agad tayo", sabi nito sa kanya.
"Sige best para makapag-pahinga na tayo, nangangalay na din kasi ang paa ko sa kakalakad", reklamo ko dito.
Nag-abang na kami ng jeep para makauwi na agad kami pero bago yun bumili muna kami ng hapunan naming dalawa. Maya-maya pa ay nakauwi na din kami sa wakas, agad kaming naghanda ng hapunan at kumain na. Nauna na akong maligo kay nica, nagbabasa pa kasi yun sa labas. Pagkatapos kong maligo ay nahiga na agad ako at ipinikit ang aking mga mata pero bigla ko na lang naalala ang lalaking humalik sa akin. Kailan kaya ulit kami magkikita nun, ay anubayan makatulog na nga para maaga kami bukas. Sana naman maging maganda ang unang araw namin bukas.
BINABASA MO ANG
Bachelor Series 1: Caden Aries McKinley
FanfictionCaden is a beast when it comes to business world that's why the age of 28 he's a successful already. He's handsome, matinik sa mga babae, mabait sa mga taong importante sa kanya at ang ayaw niya sa lahat ay maingay. Anaya Dimacula is a happy person...