Anaya's POV
Maagang nagising si anaya para magluto ng agahan nila ni nica pagkatapos niyang magluto ay ginising na din niya si nica para kumain na. Nagreklamo pa ito na inaantok pero biniro niya ito na kapag hindi pa siya bumangon ay magiging kamukha niya si pokwang. Agad naman itong bumangon.
"Sana naman best maging maganda ang unang araw natin", sabi ni nica sa kanya.
"Sana nga best, wala sanang mangyari na makaka-badmood sa atin", sagot ko dito. Napakunot naman ang kilay nito sa sinabi ko.
"Ano naman ang ibig sabihin mo diyan aber? May nangyari ba sayo nong nakaraang araw ha? tanong nito sa akin.
"Ahmmm, wala naman best", sagot ko dito.
"Okayyy? kumain na nga lang tayo para maaga tayong makarating sa coffee shop", sabi nito.
Tinapos na nila ang agahan nila at nag-ayos na para pumasok sa trabaho. Pagkadating sa coffee shop ay Erik pa lang ang nakita niyang naglilinis. Nilapitan niya agad ito pero nakaisip siya ng kapilyahan. Bigla niya itong sinundot sa tagiliran na nakapag-paigtad dito.
"Ay mukha mong parang unggoy", sigaw nito.
"Hahahahaha, unggoy ka daw best, sa ganda mong yan? tawang sabi ni nica sa akin. Napasimangot naman ako sa sinabi niya.
"Grabe ka naman Erik, mukha ba akong unggoy? sabi ko dito.
'Sorry aya ha, nagulat ako sa pagsundot mo sa tagiliran ko eh", paumanhin na sabi nito.
"Hahaha, okay lang yun no!! Sa ganda kong to? Sabay turo ng mukha ko.
"Oo naman, ang ganda-ganda mo kaya", nahihiyang sabi nito.
"Binola mo pa ako", sagot ko dito.
Maya-maya pa ay nag-umpisa na din kaming maglinis ni nica. Pagkatapos ay nagbihis na kami ng uniform namin. Medyo hapit nga lang sa katawan ko. Habang busy kami sa pag-eestima ng mga costumer ay hindi namin napansin ang mga taong pumasok sa pintuan.
"Hey caden, anong order mo? tanong ng lalaki sa kaibigan nito.
"Black coffee is okay with me ryzer", sagot naman nito. Natigilan ako sa pagkuha ng order ng costumer ng marinig ko ang boses nito.
Maya-maya pa ay tinawag ako nung lalaki na nag-order para sa kaibigan niya. Agaran naman akong lumapit sa kinaroroonan niya.
"Good morning sir, ano po ang order nila? tanong ko dito. Inangat naman nito ang mukha mula sa kanya at bahagyang nagulat.
"Samantha? sabi nito sa kanya. Bakit ba lagi na lang siyang napagka-kamalan na si Samantha?
"Hehe, hindi po ako si Samantha sir", paliwanag ko dito.
"Ohh, I'm sorry. Kamukha mo kasi si Sam miss", sagot nito sa akin.
"Okay lang po yun sir, ano po ba ang order ninyo para ma ready na po? tanong ko dito. Hindi ko naman napansin ang taong kaharap nito na tinititigan na pala ako.
"Dalawang black coffee miss", ngiting sabi nito.
"That would be all sir? tanong ko dito.
"Yes miss", sagot nito."Okay sir, 5 minutes po ready na po ang black coffee ninyo", sagot ko dito.
"Thank you', sabi nito sa akin.
Papaalis na sana ako ng may humawak sa braso ko. Sa gulat ko ay nasapak ko siya ng hindi sinasadya. Nag-sorry naman agad ako sa kanya. Tawa ng tawa naman ang lalaking napagkamalan siya kanina.
"Sorry po sir, hindi ko po sinasadya, kayo naman kasi eh bigla nyo na lang akong hinawakan", hinging paumanhin ko dito. Umangat naman ang mukha niya. Nagulat ako dahil siya ang lalaking nagnakaw ng first kiss ko nong nakaraang araw.
"Amazona ka ba? bakit bigla ka na lang nananapak? tanong nito. Napanguso na lang ako sa sinabi niya.
"Letse ka!! kasalanan mo naman kasi yan eh, sino ba ang nagsabi sayo na hawakan mo ako sa braso ha!!!? sigaw ko dito.
"Why? mamahalin ba ang braso mo para bawal hawakan? tanong nito sa akin.
"Ahmm, hindi. Pero kasalanan mo pa din no!! sabi ko dito sabay walk out. Pumasok agad ako sa kusina para e-ready ang order ng mga ito. Nakakairita talaga ang lalaking yun.
Pagkatapos niyang gawin ang order ng mga ito si nica na muna ang pinagdala niya sa mga ito. Baka kasi masapak ko lang ang mukha ng lalaking yun eh. Maya-maya pa ay bumalik na din si nica.
"Hoy best, hinahanap ka nong poging mama dun sa labas, sinabi ko na lang na tinagusan ka",sabi nito sa akin. Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Ano???best naman nakakahiya kaya ng sinabi mo", sigaw ko dito. Napatawa naman ito sa pagsigaw ko.
"Biro lang best, sinabi kong busy ka dito sa loob", sagot nito. Napabuntong-hininga naman ako sa sagot niya.
"Aiiissh,,akala ko pa naman yun ang sinabi mo sa kanila. Ang daldal kasi ng bunganga mo eh", sabi ko dito. Napairap na lang ito.
Lumabas naman agad ito. Maya-maya pa ay lumabas na din ako, mabuti na lang mukhang wala na ang mga ito. Pagsapit ng hapon ay nag-ayos na kami ni nica para umuwi na. Habang papalabas ay may bigla na lang tumakip ng bibig ko. Mukhang napansin naman ito ni nica pero ang ipinagtataka niya ay wala naman itong pakialam na kinikidnap na siya. Bigla na lang itong sumigaw sa taong nagtatakip ng bibig ko.
"Hoy mister!! Ingatan mo bestfriend ko okay", sigaw nito.
"Of course miss, I will take care of your friend", ganting sigaw nito sa kaibigan niya. Mukhang kilala na niya ang taong tumakip sa bibig niya. Pagdating sa parking lot ay ipinasok siya nito sa loob ng kotse.
Hindi man lang siya hinayaan na makapag-salita. Kaya tumahimik na lamang siya. What if e-rape siya nito. Wahhhhh hindi ko na maibibigay ang regalo ko sa magiging future husband ko. Maya-maya pa ay tumigil ang sasakyan sa isang fancy restaurant? Anong ginagawa namin dito? Malamang paghuhugasin ako ng mga pinggan dito.
BINABASA MO ANG
Bachelor Series 1: Caden Aries McKinley
FanfictionCaden is a beast when it comes to business world that's why the age of 28 he's a successful already. He's handsome, matinik sa mga babae, mabait sa mga taong importante sa kanya at ang ayaw niya sa lahat ay maingay. Anaya Dimacula is a happy person...