Umiiyak ang batang si Sarah Marie na naglalakad sa madilim na daan. Takot na takot siya na baka bigla na lang merong masasamang tao ang kikidnap sa kanya. Kung bakit kasi iniwan siya ng ate samantha niya. Kambal silang dalawa pero mas matanda ito sa kanya ng 5 minutes kaya ate ang tawag niya dito.Naalala niya kanina na naglalaro silang dalawa ng tagu-taguan. Siya kasi ang taya kanina pero nilibot na niya lahat ng pwedeng taguan pero hindi pa din niya makita ang ate samantha niya hanggang napadpad na nga siya sa kung saang lugar sa kakahanap dito. Iyak lang siya ng iyak dahil sobra na siyang natatakot. Sobrang dilim ng daan na tinatahak niya, parang walang direksiyon kung saan siya pupunta.
Umiiyak pa din siya ng bigla na lang umulan na may kasamang kulog at kidlat. She's afraid of thunder's and lightning. Kapag kumukulog at kumukidlat pinupuntahan agad siya ng mommy niya sa kwarto nilang magkambal at yayakapin.
Meron siyang nakitang bahay sa kabilang daan, mukhang merong nakatira doon dahil nakabukas ang mga ilaw. Tinapangan niya ang sarili dahil alam niyang walang tutulong sa kanya. Papatawid na sana siya ng bigla na lang may rumaragasang truck ang bumundol sa mura niyang katawan. Bago niya naipikit ang mga mata, naiusal niya ang pangalang den-den.
Napabalikwas ng bangon si Anaya ng mapanaginipan na naman niya ang pangyayaring hindi niya maalala. Sino nga ba ang batang babae na yun? Ano ang papel nito sa buhay niya? Kapag pinipilit naman niyang maalala ang panaginip na yun bigla na lang sumasakit ang ulo niya sa kakaisip. At sino si den-den?
At sino si Samantha? Ang samantha ba na laging pinagkakamalang siya at ang Samantha na nasa panaginip niya ay iisa lamang? Pero bakit naman nasali ito sa panaginip niya? Nabalik lang siya sa huwisyo ng bigla na lang siyang batukan ng kaibigan niya. Tinignan naman niya ito at mukha itong problemado? Ano naman nangyari sa babaeng to?.
"Best? may problema ka ba? tanong ko dito sabay tinging dito. Para naman itong maiiyak.
Maya maya eh bigla na lang ito umatungal ng iyak sa harapan niya na ikinataka naman niya. "Kasi naman best ehh. ang letseng Xander kasing yun eh bigla na lang ninakaw ang puri ko. Waaaahhh.
Gulat naman akong tumingin sa kanya. "Best? Sigurado ka bang gising ka pa ha? Pag nagkataon eh kay sama namang panaginip yang napanaginipan mo. Imposible namang patulan ka ng lalaking yun.
Tinignan naman ako nito ng masama. "So?sinasabi mo na di ako maganda para patulan ng unggoy na yun? Ganun ba best? Kaibigan mo ako pero ginaganyan mo lang ang kagandahang nakikita mo ngayon?
Ito na naman po kami, ke aga-aga nagdadrama naman ang babaitang to, kuuu kung di ko lang bff to matagal ko ng sinubsub to sa tae ng kalabaw eh. Pero kahit ganyan yan eh love na love ko yan nohh!!.
"Best kasi may sasabihin ako sa'yo eh," sabi nito sa'kin sabay upo sa tabi niya. Nagtataka na talaga ako sa kinikilos nito eh.
Mataman naman akong tumingin dito. "Ano na naman yan best? Hala sabihin mo na ngayon din.
Parang napipilitan pa ito pero sa bandang huli eh nagsabi na din ito sa kanya.
"Kasi best, uuwi muna akong probinsiya bukas.
Agad naman akong napalingon sa sinabi nito. "Bakit? May problema ba sa bahay niyo best? Gusto mo bang samahan na lang kita?
Agad naman itong umiling sa sinabi niya. "Huwag na best at syaka baka matagalan ako dun eh, nagkasakit kasi ang itay kaya walang mag-aasikaso sa kanya. Mahina na din kasi ang katawan ni nanay para maalagaan niya pa si itay.
Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Hindi kasi ako sanay na wala siya, mula kasi pagkabata eh magkasama na kami. Lahat napagka-kasunduan namin kaya nga kami bff diba. Niyakap ko na lamang ito para palakasin ang loob niya.
Naiiyak na tuloy ako. "Mamimiss kita best, yang pagkalukarit mo at pagiging madaldal.
Naiyak na din ito sa drama niya. "Ako din best, mamimiss kita. Kapag merong nang-away sa'yo dito sabihin mo sa'kin ha? Reresbakan natin yan, basta magpakatatag ka dito lalo na ngayong mag-isa ka na lang dito bukas. Basta kaya natin to best, babalik naman ako pag maayos na si itay eh. Tutuparin natin yong mga pangarap nating dalawa okay!?
"Promise best mag-iingat ako dito at magiging matatag ako sa lahat ng pagsubok na dadating sa buhay ko. Lahat kakayanin ko at hindi ako susuko bestfriend." turan ko naman dito habang nakayakap pa din sa bestfriend ko.
Inubos na lamang namin ni bff ang oras namin sa pamamasyal sa mall. Uuwi na kasi ito sa probinsiya bukas at baka matagal kaming hindi magkita kaya sinusulit namin. Napadaan kami sa isang restaurant na malapit lang sa mall, mukha talagang sosyalin ang naturang restaurant, sigurado naman na hindi namin afford ni bff diyan eh masyadong mahal. Papaalis na sana kami ng may mahagip ang mata ko sa loob ng restaurant. Dalawang taong naghahalikan, hindi na nahiya dito talaga gumawa ng kababalaghan? Pero bakit mukhang pamilyar yong lalaki kahit nakatalikod?. Mukhang natapos na yata ang halik na pinagsaluhan nila. Parang natulos naman ako sa kinatatayuan ko ng mapagsino ko ang lalaking kahalikan ng isang magandang babae sa loob. Tarantadong lalaki na yun, ang kapal ng mukhang mag-alok sa kanya ng kasal pero di na nahiyang makipaghalikan at sa mataong lugar pa talaga? Ang sarap niyang ilublub sa timba na puno ng spe*m niya ahhhhhh, nakakainis. Hinawakan ko na sa braso si nica at kinaladkad paalis sa pesteng restaurant na yun. Bakit nga ba ako naiinis eh hindi ko naman boyfriend ang lalaking yun na pinaglihi yata condom.
BINABASA MO ANG
Bachelor Series 1: Caden Aries McKinley
FanfictionCaden is a beast when it comes to business world that's why the age of 28 he's a successful already. He's handsome, matinik sa mga babae, mabait sa mga taong importante sa kanya at ang ayaw niya sa lahat ay maingay. Anaya Dimacula is a happy person...