Pauline
"Guys! Halikayo dali!" sigaw ni Ann kaya naman napaharap kami sa kanya ni Laureen at nakita namin siyang hindi sumusunod sa amin. Naglalakad kasi kami sa hallway ng school papasok sa classroom dahil kakatapos lang ng recess.
"Ano yan?" sabi ni Laureen ng makatapat kami kay Ann na titig na titig sa isang poster sa bulletin board.
"Yan yung sinasabi ko na niyayaya ako ni kuya sa summer camp sa Zambales, diba nung isang araw niyaya ko kayo?" pagpapaliwanag ni Ann.
"Zambales yun gurl, malayo satin. Baka sermonan lang ako nila mama pag nagpaalam ako. Kesyo ang layo. Kesyo walang kwarta." pagtanggi ni Laureen.
"Hindi ko alam kung nabanggit ko, pero..." tumigil saglit si Ann sa pagsasalita at tumingin-tingin sa paligid bago lumapit sa amin ni Lau tsaka bumulong. "Maraming tiga- St. Celestine ang pupunta," aniya na dahilan para mapatakip ng bibig si Lau.
Napakurap na lang ako tsaka sumandal sa pader na katabi ng bulletin board tsaka pinanood silang magtatatalon.
"Oh my gosh! So maraming St. Celestine ang pupunta?" tanong ni Lau, sumagot naman si Ann ng patango. "So maraming pogi?" tanong ulit ni Lau, mas naging aggressive yung tango ni Ann. "So bale isang liggo nating makakasama sila?" mas nagiging hyper na tanong ni Lau, 10x na aggressive na tango ni Ann tsaka sila nagtatatalon sa tuwa.
Ang lalandi. Basta talaga kalandian, top one silang dalawa. Jusq.
"Oh my gosh! Magpapaalam ako kinala mama mamayang uwian! Pag hindi pumayag, maglalayas tayo besh! Hindi pwedeng absent tayo sa mga ganyan! Nuh-uh!" nag-apir silang dalawa.
Nakakahiya. Jusq. Lahat ng dumadaan, pati teachers napapatingin sa kanila.
"Alam kong masaya kayong dalawa, pero isang minuto na lang time na. Ano? May balak pa kayong pumasok?" paninira ko sa kanilang dalawa at nilagpasan sila para pumasok na ng classroom.
Narinig ko naman silang sumunod sa akin pero pre-occupied pa rin dahil nga nagplaplano na sila. Sana payagan kayo.
"Uy Pauline, sasama ka. Okay?" sabi ni Ann habang pinagigitnaan nila akong naglalakad.
"Nah, ayoko sa mga ganyang bagay. Itutulog ko na lang itong bakasyon, kulang kasi tayo niyan." malamyang sabi ko. Camp? Jusq wag na. Magma-marathon na lang kami ng kdrama.
"Iehh! Hindi naman yun tanong eh! Statement yun. Statement. Magpaalam kayong dalawa, sayang din noh! Baka pwede pala, malay niyo makahanap na tayo ng love of our lives doon! Lalo ka na Pauline! Hindi healthy ang walang lovelife! Maaga kang tatanda!"
Binatkukan ko na lang si Ann tska sila inunahan maglakad papunta sa classroom.
Dalawang linggo na lang at mage-April na, sa susunod na pasukan ay maggre-grade 10 na kami. Katumbas ng 4th year ng dating curriculum. Kaka-16 years old ko lang nung January. Kakatapos lang ng exams namin nung isang linggo at next week naman ang aming closing program, ngayon ay magste-stay lang kami ng buong linggo na walang ginagawa sa school. Kanya-kanyang mundo kumbaga.
May iba na naglalaro ng kung ano-anong pakulo, may nag-gigitara, may iba na nagdala ng sari-sariling laptop at nanonood, may iba natutulog, may iba nagkwekwentuhan, yung iba missing. Jusq.
"Uyy! Magpaalam kayong dalawa! First week yun ng April. Okay? Picturan ko mamaya yung pinakita sa akin kuya ng card kung ano pang gagawin." pagpapaalala ni Ann tsaka siya sumakay sa kotse nila papauwi.
"Oyy! Sasama ka, wen?" tanong ni Lau habang sabay kaming naglalakad papuntang sakayan ng jeep. Tumango lang ako.
Kanina kasi, napapayag na nila ako, wala naman kasi talaga kaming balak ngayong bakasyon. Si mama at papa kasi walang balak magbakasyon dahil may mga trabaho sila. Hindi din pwede sa bahay ng lola namin sa Baguio dahil walang tao ngayon doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/135169929-288-k802128.jpg)
BINABASA MO ANG
When She Already Falls
Teen FictionPauline Alcantara never fall in love with any guy EVER in her 16 years of existence in earth. Dala na sa pagiging introvert niya at slight na malditang ugali, wala kahit isang lalaki ang lumagpas sa expectation niya. Untill one day, may bigla na lam...