Pauline
Nakaupo ang bawat teams sa mga tables dito sa park. Dahil nga marami kami, na-occupy namin lahat ng lamesa dito. Nahati din ng maigi ang groups, yung team day ay kumakain na ng matiwasay ng pagkain nila.
Kami?
Nahati din, kasama ko ang karamihan sa mga lalaki ng grupo namin, yung iba naman ay nandoon sa kabilang table. Pinapatay sa isip ang mga team day. Lagpas ala una na. Ibig sabihin ay tapos na ang tanghalian, kaya nararamdaman kong kanina pa sila gutom.
Napatingin ako sa kinakain ko kanina pa. Ano ba kasing ayaw nila dito?
"Typical na yayamaning mga babae. Ayaw sa balot. Hindi naman ganun kasama, hindi ba?" tanong ng isang lalaki na kagrupo ko. Kasama ko siya ngayon sa lamesa.
Pareho kami ng iniisip. Typical? Nakakalungkot. Ganun na pala ang typical sa panahon ngayon.
Bumuntong hininga ako tsaka kumuha ng isa pang balot at kumain, na ikinaagaw yata ng atensyon ng mga kasama ko.
"Anong tinitingin ninyo?" maayos na tanong ko sa kanila. Ngunit imbes na sagutin ay umiwas sila ng tingin. Hahayaan ko na sana nung mayroong lalaking nagsalita.
"Bago ka dito, noh? Hindi ka namin nakita last year eh." sabi niya. Gusto ko sanang basagin. Hindi ba kasi obvious?
"Oo," walang gana kong sabi at saka ipinagpatuloy ang aking kinakain.
"Anong pangalan mo? San ka nagaaral? Tiga St. Celestine ka din ba? Bakit hindi pa kita nakikita? Anong grade mo na ba? Saang building---muvhhfdz" pagsubo no sa kanya nung kinakain kong yolk nung balot.
"Hinay-hinay lang. Nakakairita." sabi ko taska siya inirapan. Kumuha ako ng panibago taka kinain ulit.
"Pauline Alcantara ang pangalan ko. Hindi ako tiga St Celestine. Grade 10 this school year. May tanong ka pa?" pagsagot ko sa mga tanong niya.
"Haii Pauline! Ako si Kenneth. Ken for short," pagkakakilala nung lalaking madaldal. Naglahad din siya ng kamay ngunit hindi ko yun tinanggap sahalip ay nag bow na lamang ako. Tulad ng mga chinese, japanese, at koreans.
"Sa st. Celestine kami nag-aaral. Mga grade 10 din kami. Guys pakilala kayo." utos niya sa mga katable namin.
"Ako si Joshua #1" tumayo yung lalaking nasa pinaka dulo ng lamesa.
"Ako si Joshua #2, pinaka poging Joshua na makikilala mo," kumindat muna siya bago sila nag upakan nung naunang Joshua.
"Ako si Nathaniel, nice to meet you Pauline!" matiwasay niyang bati. Ngumiti lang ako, hindi ko kasi sure kung maaalala ko pa mamaya mga pangalan nila.
"Ako si Theo," maangas na pagpapakilala nung isa. Walang effort.
"Jacob," mas walang effort na pagpapakilala nung lalaki sa tabi nung Ken. Hindi man lang siya tumingin, hindi tulad nung Theo.
"Nice to meet you all." sabi ko na lang tsaka umiwas ng tingin upang kumain.
"Bakit mo nga pala naisipang pumasok dito? Hmm... Bakit ngayon lang?" Tanong nung Ken na parang batang interesadong interesado sa gusto niyang malaman. WTH?
"Wait, dahil ba sa amin?" tanong nung isang Joshua. Napatingin naman lahat ng tao sa table namin sa kanya. Muntik na akong mabilaukan, pero kung tutuusin, hindi naman nagyaya sila Ann kung hindi dahil sa mga tulad nila.
"Ehyy~ hindi yan. Mukhang wala namang interes si ate Pauline sa atin. Hmm.. Wala nga ba po?" tanong nung isa pang Joshua. Tinaasan ko siya ng kilay kaya naman napatikom siya ng bunganga.
BINABASA MO ANG
When She Already Falls
Teen FictionPauline Alcantara never fall in love with any guy EVER in her 16 years of existence in earth. Dala na sa pagiging introvert niya at slight na malditang ugali, wala kahit isang lalaki ang lumagpas sa expectation niya. Untill one day, may bigla na lam...