Pauline
Napabuntong hininga na lang ako ng matapos mag-ayos ng gamit. Ngayon na yung byahe namin papuntang Zambales. Medyo masakit isipin na hindi bus or van ang sasakyan namin. Kundi jeep. Isang jeep na mayroong uncomfortable na upuan, walang maayos na sandalan at walang air con. Puro mainit na malakas na hangin
Iniisa-isa kong tinignan yung mga gamit na ready ng bitbitin mamaya. Merong bag ng tent, bag kung saan andoon ang mga damit, isang backpack kung saan andoon ang mga mahahalagang bagay, gadgets, extra unan at kumot, first aid, simpleng mga camping materials at kung ano-ano pa.
Sabi ni Ann, dadaan daw sa gate ng subdivision yung jeep na sasakyan namin. Sabi din niya wala naman daw kaming masyadong kasama doon sa jeep dahil madami daw inarkila na jeep yung nagmamanage ng camp.
"Anak! May gift ako sayo!" sabi ni mama pagkapasok niya sa kwarto ko. Pagtingin ko sa kanya, may hawak siyang isang classic na Polaroid camera tsaka siya kumuha ng picture.
"Ma!" Pasigaw kong tawag sa kanya tsaka ngumiting lumapit sa kanya habang pinapanood namin lumabas yung film.
"Ingatan mo yan huh? Make friends, good friends to be precise, enjoy, don't think of any problems and just smile and laugh. And make sure to take good care of yourself. Okay?" tumango lang ako tsaka siya nginitian. "Mama and papa loves you so much!" humalik siya sa forehead ko bago lumabas ng kwarto.
I live my life following what my parents are telling me, if they say no. Then I have to follow. If they say yes, I should also have to follow. This is the first time I'm hesitating to, is it okay to have fun? Or kahit papaano, makakakaya ko kayang maging masaya?
For I don't know how many times, bumuntong hininga ako tsaka inilanbas punti-unti yung mga gamit ko sa tulong ng mga tauhan sa bahay, sinasakay namin iyon sa isang tricycle upang dalhin sa harap ng gate.
Nang matapos na naming mailagay lahat ng gamit ay tumingin ako muli kina mama at papa to bid our goodbyes. "Anak, please always remember to take care of yourself, okay?" muling pagpapa-alala ni papa tsaka nila hinalikan yung sintido ng ulo ko.
Kumaway lamang ako habang umaandar papalayo yung tricycle. Saglit lang ay tumigil kami sa tapat ng gate ng subdivision tsaka namin nakita ang isang kulay pulang jeepney.
"Pauline!" sigaw ni Ann mula dito. Sa tulong noong tricycle driver ay nailagay namin ang mga gamit ko sa loob ng jeep. Sa loob ay mayroon ng tatlong babaeng hindi famillar sa amin. Suguro ay tiga St. Celestine din sila. Tapos nandoon din si Ann at Laureen na pinayagan lang dahil kasama niya ang nakakatandang pinsan.
"Paupau! Buti na lang at pinayagan ka ng parents mo! Promise, mageenjoy tayo doon!" Sabi ni Ann.
"Ewan. Hindi ko talaga feel, hindi tulad ninyo. Pero itra try ko." nakangiti kong banggit sa kanya.
Lahat ng mga gamt namin ay nasa sahig, habang kami naman ay nakataas ang mga paa sa loob ng jeep. HINDI KOMPORTABLE. Sobrang weird ng posisyon namin. Yung iba ay inaapakan na lamang ang kanilang mga gamit para maging komportable. Makailang tigil ang sasakyan upang magsundo ng mga sakay.
Hindi ko alam pero sa paraan ng pagkuha nila ng mga sakay hanggang sa sasakyan ay hindi ko maiwasang isipin na low class ang pupuntahan naming camp. Pero kung iisipin mo ulit, bakit ang daming sosyal na studyante ang nakasakay?
Sampu ang laman ng sasakyan. Lahat ng mga kasakay namin ay puro babae. Sabi ni Ann ay nasa anim jeep sa ang inarkila ng camp. So kulang kulang na 60 ang pupunta? Nakaya nilang tiisin ang ganitong sasakyan?
Sabi ng driver ng sinasakyan namin ay titigil sa isang park ang sasakyan upang kumain ng tanghalian ang mga sakay. So masasagot na yung tanong ko. Kung worth it na ba.
BINABASA MO ANG
When She Already Falls
Teen FictionPauline Alcantara never fall in love with any guy EVER in her 16 years of existence in earth. Dala na sa pagiging introvert niya at slight na malditang ugali, wala kahit isang lalaki ang lumagpas sa expectation niya. Untill one day, may bigla na lam...