Pauline
Hawak ko yung tumbler ko tsaka pumasok sa function hall tsaka pumunta ako sa kitchen para maghanap ng rifill-an ng tubig.
Hindi pa naman kasi kami tinatawag nung speaker. Mukhang hanggang after lunch ang vacant namin.
Pagpasok ko ng kitchen. Nakita ko ang limang lalaking mukhang nagpupulong at sa gitna nila ang kawawang cake na lasog-lasog na.
Hindi naman nila napansin ang pagpasok ko. Pero nag stay pa rin ako, takot na makita nila. Lahat kasi sila ay mayroong nakakatakot na aura.
"Ang shunga mo talaga Theo!"
"G*go. Bakit? Sino ba kasing naglagay niyang cake na yan sa isang patapong box?"
"Grabe, sinisisi mo pa yung babae doon sa cake shop? Eh ikaw naglagay ng cake na mayroong patapong box sa compartment ng sasakyan?"
"Sino ba kasing nagsabi na i surprise yung batang yun? Ang bakla,"
"Dos, Theo, stop. Walang napapala ang pagtatalo ninyong dalawa."
"Pero paano na yan? Wala na tayong cake? Hindi yun magiging birthday kung walang cake,"
"Balita ko malayo yung cake shop dito sa lugar natin. Tapos baka hindi tayo payagan lumabas dito sa camping area."
"Si Theo kasi."
Nagtaas na ng kamao si Theo at Dos nung nabitawan ko yung pintuan at kasabay nito ang pag hulog ng mop na nakasandal lamang sa pinto.
Napaharap silang lahat sa akin. At karamihan sa mukha nilang mayroong nakakatakot na aura ay nawala.
"Hi Pauline!" masiglang bati ni Kenneth habang nakangiti.
Kung hindi ko lamang nakita at narinig kung paano sila mag away, baka maniwala pa ako sa ibinigay niyang ngiti.
At dahil nakita naman na nila ako. Lumapit ako sa kanila at sa kanilang pinaglalamayang cake sa gitna.
"Kanina ka pa don sa pinto?" tanong ni Nathaniel.
"Hindi. Pero sapat na upang malaman kung ano ang nangyari diyan sa cake na yan." turo ko doon sa kawawang cake.
"Ahh," sabi na lamang nila.
"Birthday kasi ni Uno ngayon. Mamayang gabi ay isu-surprise namin siya. Handa naman na lahat. Ikakabit na lamang namin ang mga balloons mamaya dito sa function hall. Pero nasira yung cake na binili namin." pagpapaliwanag ni Kenneth.
"Hindi pa naman makukumpleto ang birthday kung walang cake at blow the candle." reklamo ni Kenneth.
Tumingin ako sa paligid nung kitchen. Walang oven. Pero meron akong nakita noon na recipe ng cake na hindi kailangan ng oven. Tinuro ni mama.
"May malapit bang sari sari store dito?" tanong ko. Agad namang tumango ang karamihan sa kanila.
"May pera kayo? Bilihan niyo nga ako ng dalawang pack ng Milo."
Pagkasabi ko nun ay tumango sila pero may halo pa ring pagtataka.
"Gagawan ko kayo ng cake. Pero hindi ito ganun ka ganda hindi tulad nung mga birthday cake sa cake shops." sabi ko. Lumiwanag naman mga mata nila. Except kay Theo na tumango lang tsaka umupo doon sa counter ng kitchen tsaka nag phone.
"Teka, walang oven at microwave dito." pagpigil ni Nathaniel sa amin. Sa akin na papalapit na sa refrigerator at kina Ken at Jacob na handa ng umalis upang bumili ng Milo.
BINABASA MO ANG
When She Already Falls
Teen FictionPauline Alcantara never fall in love with any guy EVER in her 16 years of existence in earth. Dala na sa pagiging introvert niya at slight na malditang ugali, wala kahit isang lalaki ang lumagpas sa expectation niya. Untill one day, may bigla na lam...