Chapter 7: Pulse and Hand

29 4 1
                                    

Pauline

Nage-evacuate kami papunta doon sa parang gazebo malapit sa dalampasigan dahil doon daw matutulog ngayon ang mga babae, habang yung mga lalaki naman ay nasa tapat lang ngunit walang bubong or open room.

Malapit ng mag-close lights. Mga 30 minutes pa. Nag shower na din ako tsaka nag toothbrush pero hindi pa tapos yung iba.

Kanina ko pa din hinahanap yung lima pero ni isa sa kanila wala akong makita kahit man lang anino.

Paano ako tatakas niyan? Balak ko pa namang magpa-hila na lang sa isa sa kanila para pag may nakakita, hindi lang ako ang responsable. 

Kanina nakita ko si Uno na parang nagse-senti sa isang upuan malapit sa dalampasigan. Pero baka masira ko lang plano nila pag nagtanong ako sa kanya kung may nakita siyang isa sa mga kaibigan niya.

"Psst," bigla akong kinilabutan nung mayroong pumusitsit sa akin. Shit.

"Campers, be ready in 1 minute. The lights are going to be closed in exactly 7:30" mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko sa kaba nung nagsalita ang speaker sa taas ng isang poste.

Gusto ko ng pumasok sa loob ng tent ko, pero baka mahirapan ako sa paglabas mamaya pag tinawag na ako ng isa sa limang tukmol na yun.

NASAAN BA KASI SILA?!

Sa taranta ko, naglakad na lang ako papapunta sa CR ng mga babae.

"Hey, malapit ng mag-close lights. Hindi mo ba narinig call nung speaker?" sabi nung isang babae na nakasalubong ko.

"Oo, saglit lang. Naiihi lang talaga ako, pasunod na din ako," tumango lang siya tsaka ako nilagpasan.

Bigla akong napapiglas nung may humawak sa pulso ko. Paglingon ko, natataranta siyang sinenyasahan ako na tumahimik.

Si Jacob. 

Hinila niya ako palayo doon sa CR at sa tulugan. Geez. Pinapakaba niya ako.

"Bakit ngayon niyo lang ako tinawag? Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko," parang aatakihin ako, kanina pa malakas yung heart beat ko.

Di ko sure kung hanggang ngayon, kaba at gulat pa rin yung dahilan. O baka yung kamay na niyang nakahawak sa akin? 

Napatingin naman ako sa pulso ko na hawak niya. Nararamdaman kaya niya yung tibok? 

"Sorry, medyo nakakahalata na yata kanina si Uno eh, kaya naghiwa-hiwalay kami habang yung iba naman nag-aayos nung room," nakangiti niyang sabi.

"Tara na, maya-maya dadalhin na ni Dos si Uno sa kwarto." hinila niya ako gamit ang hindi niya binitawang pulso ko. 

"Wait, paano tayo pupuslit papasok mamaya sa tent? Baka mahalata tayo" tanong ko. 

"Ihahatid kita dito pagkatapos, exactly dito para akalain nila na galing ka lang sa CR. Tara na?" ngiti niyang sabi tsaka hinila ulit ako. 

Pero this time, dumulas yung hawak niya pababa sa kamay ko. Shizzz. 

Hindi kami dumaan doon sa main door nung function hall. Imbes ay dumaan kami sa likod at ang papasukan ay maliit na kwarto. Tas may isa pang pinto sa kabila na ang papasukan naman ay mismong function hall. Para siyang emergency exit. 

"Hai Pauline!" ngiti-ngiti ni Nathaniel nung pumasok kami. Tas bumaba yung tingin niya sa kamay namin. 

"May pasundo-sundo nang nalalaman tas may hawak-kamay ng ganap? Wao, iba din," sabi niya habang naka-face palm. 

"Hi-hindi. Mali iniisip mo," simpleng sagot ni Jacob. 

"Ay? Ano bang iniisip ko?" pang-aasar naman ni Nathaniel tsaka lumapit si Jacob dito at binatukan. 

When She Already FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon