Chapter 5: Search

24 5 0
                                    

Pauline

Confirmed. Hindi talaga nila ako pinapansin. Ano ba kasing nagawa ko? Galit ba sila? O sadyang hindi lang nila napapansin na wala ako sa tabi nila? 

Hindi ba dapat, ako yung nagtatampo sa kanilang dalawa? Sabi nila, kakausapin nila yung team leader namin. Saan na yung pangakong yun? 

Naka-upo ako sa isang piraso ng kahoy malapit sa dalampasigan. Kumakain kasi ng agahan yung iba. Biglang nag ring ang isang bell kanina na naghuhudyat na ng agahan.

Nakaka-guilty tuloy na mas nauna akong kumain kaysa sa kanila. 

May nakita akong nakakalat na ukulele malapit doon sa pintuan ng function hall kaya kinukuha ko yun tas umupo ulit ako doon sa kahoy. 

Ang peaceful nung dagat. May pa unti unting alon ngunit hindi ganoon kalakas at karami. 

Well you done done me and you bet I felt it
I tried to be chill but you're so hot I melted 

Panimula ko ng kanta. Grade 2 yata ako nung unang tinuruan ako ni daddy maggitara. Pero mas nagustuhan ko yung tunog ng ukulele dahil mas peaceful yun pakinggan at para sa isang bata, mas madali itong tugtugin dahil maliit. 

Nung natapos ko yung kanta, dali dali akong tumugtog ng iba pa, ngunit hindi yun tugma sa tono nung ukulele. Tinry kong ayusin pero, hindi ako marunong. Normally si daddy kasi yung nagaayos, kahit sa gitara. 

Susuko na sana ako nung may biglang umupo sa tabi ko. No. Correct that. Sumingit siya doon sa maliit na space na natitira doon sa kahoy. 

At dahil nanunulak siya at mapilit siya at sobrang weird ng pag kuskos niya nung pwet niya sa gilid ng lap ko. Umusog ako. Jusq. 

"Hindi ka marunong mag tono?" tanong niya habang nakatingin din sa hawak kong ukulele. Tumango ako tsaka siya naglahad ng kamay at kinuha yung ukulele sa kamay ko. 

"Itotono mo?" tanong ko na ikinalingon niya (dahil bahagyang nakatalikod sa akin dahil nga maliit lang at makitid yung kahoy na inuupuan namin) tsaka ngumiti. 

Bakit ba ang lakas ng apekto ng nilalang na ito? 

Nasabi ko bang ito yung shy type na lalaki? Pero bakit ganun, nagiging komportable na ba siya sa akin? I thought so. That makes something in my heart melt a little. 

"Ano bang gusto mong tugtugin?" napalingon ulit siya sa akin. Bakit pati side view niya ang lakas ng dating? Nahihibang na yata ako.

"Err, I don't know my name...?" nag-aalinlangan kong sagot. 

Nakita ko namang tumango siya ng bahagya tsaka bumalik sa pag-tono.

Tinitigan ko yung batok niya. HAHAHAHA ang cute. Kulot kasi yung buhok niya, tas may kahabaan din ito kaya may mga baby hair na tumatakbo pababa ng batok niya. 

Para sa isang 16 year old, medyo built in yung katawan niya. Hindi payat, hindi ma-muscle, hindi naman mataba. Tama lang. Pero... napansin ko kaninang malaki pwet niya.

"O, tapos na." bigla siyang humarap sa akin tsaka ibinalik sa akin yung ukulele. Bigla ding sumingkit yung mata niya.

"Namumula ka ba?" pawang inosenteng tanong niya. Napakapa naman ako sa pisngi ko, syet! Bakit naman sa lahat kasi ng pwedeng mapansin. Pwet pa? WTH.

"Ano--uhh... mestiza kasi ako. Naiinitan lang." pagpapalusot ko kahit hindi pa naman masakit sa balat yung sikat ng araw. 

Pero mukhang na-uto ko naman, tumango siya tsaka nakapalumbabang timitig sa dagat. HALA. Good thoughts, Pauline. Tao lang yan.

When She Already FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon