Pauline
Maaga akong nagising. Or sa mas magandang explanation, hindi talaga ako nakatulog. Ang sakit ng buong katawan ko. Hindi kasi magandang higaan ang sahig. Bigla ko tuloy na-miss yung kama ko sa bahay.
Lumabas ako mula sa tent na baon ko. Mamaya na lang daw gabi yung pakulo nila about sa tutulugan namin, kailangan namin ng powers para sa mga activities ngayon.
Pinakain din nila kami ng matitinong pagkain, pinakain nila kami ng langgonisa at piniritong bangus. Wala naman akong narinig na nagrereklamo. Siguro ay gutom sila dahil yung ibang team mates ko ay hindi kumain ng lunch.
Tinignan ko ng maigi yung dagat. Ang ganda! Hindi pa nakikita ang araw dito, tas medyo pale violet yung kalangitan tas yung tubig! Nirereflect niya yung kalangitan. Ang ganda tas ang linis.
Pumunta ako ng banyo, naghilamos at nag-ayos. Sobrang mala-probinsya nung kanilang banyo. May water pump na gawa sa bakal at may kahoy na pintuan sa iilang mga banyo. Ang simple.
"Oh! Maaga ka ngang nagising! Good morning Pauline!" pagbati ni Nathaniel. Nginitian ko siya. Genuine na ngiti. No wonder na parang nagulat siya.
Tinignan ko yung katabi niyang nakayuko, hindi niya nakita ang pinakamagandang ngiti sa mundo. Tsk.
"Hmm, gusto mong mag-tour sa camp?" tanong ni Nathaniel sa akin. Tumango lang ako tsaka siya sinundan. Nangunguna siyang maglakadad kasunod ako. Habang yung Jacob naman ay nasa likod ko.
"Kayong dalawa pa lang ang gising?" tanong ko.
"Oo, napagod siguro sila sa byahe? Ikaw, kumusta tulog mo?" pagpapaliwanag at tanong ni Nathaniel.
"Okay lang, hindi lang masyadong komportable yung higaan. Pero tolerable," natatawa kong saad. Lumingon siya ng bahagya tsaka ngumiti at naglakad muli.
Naramdaman kong mayroong nakatitig mula sa likod ko.
Napagdisyunan kong lumingon, ngunit nakita ko si Jacob na naglalaro ng buhangin gamit ang kanyang paa habang nakayuko.
Weird, pero feeling ko talaga merong nakatitig mula sa likod ko.
Lumingon-lingon ako sa likod ni Jacob, wala namang tao. Ni-isa ay wala. Sino yung nararamdaman ko?
Natauhan ako nung biglang tumigil si Jacob sa paglakad. At... at... Shet.
"Uyy! Anong ginagawa ninyo? Nakalayo na ako eh! Akala ko sinusundan niyo akong dalawa." pasigaw ni Nathaniel.
Lumingon ako sa kanya tsaka naglakad muli.
Nag-ano kasi... uhmm... paano ko ba ie-explain? Nag-slow motion nung bigla siyang umangat ng tingin sa akin? Ano yun?!
"Ito yung parang function hall natin, dito tayo kakain, meeting, ganun. Tas doon sa loob nung kwartong yun ay parang dressing room. Basta malalaman mo yung silbi niyan soon. Tas yun naman yung kitchen," pagtuturo ni Nathaniel.
Nasa loob kami nung sinasabi niyang function hall, habang si Jacob ay nakaupo dun sa hagdan papasok dito. Ang... gwapo niya.
"Nakikinig ka ba? Uy! Napano ka diyan? Teka, gutom ka na ba?" tanong niya habang parang concern na sinisilip yung mukha kong nakayuko.
SAAN GALING YUN?
"Wait, sisilipin ko lang yung kitchen kung may handa na silang pagkain. Dito ka lang." sabi niya tsaka nagmamadaling pumunta doon sa sinasabi niyang kitchen.
Umupo ako sa isang lamesa tsaka kinausap utak ko. Saan galing yun?! I mean, hindi lang naman siya yung gwapo dito eh! Nasabi ko ba talaga yun?
Tinignan ko ulit siya doon sa pwesto niya.
BINABASA MO ANG
When She Already Falls
Teen FictionPauline Alcantara never fall in love with any guy EVER in her 16 years of existence in earth. Dala na sa pagiging introvert niya at slight na malditang ugali, wala kahit isang lalaki ang lumagpas sa expectation niya. Untill one day, may bigla na lam...