Pauline
"Narinig mo ba yung sabi nila? Nandito si Cus kagabi."
"Ohh emm... Talaga? Eh asan na daw siya?"
"Umalis na. Nagtanong daw pala siya kagabi kung pwedeng pumasok dito sa camp pero diba puno na tayo? So ayun, pina-alis siya,"
Rinig kong sagutan ng dalawang babae sa labas ng CR habang naririnig ko ang poso at at ang paglabas ng tubig mula dito.
Ang aga-aga chismis naririnig ko. Babae nga naman talaga. The more I found out, masayang tumambay sa CR dahil dito madalas nagchichismisan ang mga babae. Weird.
Kagigising ko lang, medyo maliwanag na pero hindi pa sumisilip ang araw. Hindi pa ako nag checheck ng oras pero sa tingin ko ay 5 na ng umaga.
"Eh? Si Cus? Gustong pumunta dito sa camp? Sayang!"
"Oo nga eh. Pero hindi ka ba nawi weirdohan? Si Cus yun, hindi yung mahilig sa mga camp. Pag summer, missing yun diba? Palaging out of town o country yun. Bakit siya nandito?"
"Oo nga noh? Bakit kaya?"
"Ta's ito pa! Nakita daw niya si Jacob kagabi na may kasamang babae. Sabi nila madaling araw daw. Hindi niya nakilala yung babae,"
"Si Jacob? As in Jacob Villamor? Babae? Baka namamalik-mata lang siya!"
"Hindi eh! Tsaka 100% daw na nagkita sila kagabi. Si Jacob yung nagdala kay Cus sa camp managers, so baka totoo din yun."
"Oh my! Sino kaya yung babae? Wala naman siyang kaibigang babae diba? Si Ara lang, pero nasa France daw si Ara now eh, sino kaya yun? Di kaya may jowa na yun?"
"Snob yun pagdating sa babae diba? Weird naman,"
"At tsaka kung totoo man, bakit? Bakit madaling araw?"
"True! Naiisip mo na ba naiisip ko?" tsaka sila nag tawagan.
Bigla na silang nawala.
Shizzzz. So yung lalaking nakita ko kagabi ay hindi kasama sa camp? At nakita niya kami ni Jacob? Sumulpot lang naman siya nung papasok na ako sa tent eh.
Hala, paano kaya kung malaman nila na ako yung babae? Ngayon pa nga alang naniniwala na ako na hindi type ng lalaki si Jacob na freely makipag-usap sa babae eh. So pag may nakita sa kanya na may kasamang babae, may malisya talaga silang maiisip. Ano nang gagawin ko?
Dahan-dahan akong sumilip sa labas kung may tao at lumabas na.
Iwasan ko kaya sila? Napansin ko since magpunta kami dito sa camp, wala pa silang ibang nilalapitan babae kundi ako. Except si Dos na maraming babae ang umaaligid. Pero wala pang naglalakas loob na lumapit sa kanila.
Pero kung may iba pa silang maiisip na babaeng pwedeng doon, hindi naman nila maiisip na ako agad, di ba? Maiisip din nila secret yung relationship nila.
Hindi nalang kaya? Wala naman talagang malisya eh, magkaibigan lang naman kami. Tsaka hindi lang naman si Jacob yung nilalapitan ko, so hindi nila maiisip yung malisya.
Pero hindi din, nakita ako at siya na magkasama ng madaling araw. Hindi naman namin maeexplain yun ng wala silang maiisip na malisya. HALA ANONG GAGAWIN KO?!
"Hoy!" napatalon ako sa gulat nung may biglang tumayo sa harapan ko sa gitna ng paglalakad ko. Nasa dalampasigan na pala ako. Nag over think na ako at di napansin na nandito na pala ako.
Pag-angat ko ng tingin, nakatayo ng matuwid sa tapat ko si Dos na walang ekspresyon sa mukha.
"Ba't tatanga-tanga ka diyan? Kanina pa ako tawag ng tawag mula doon---" sabat turo sa kung saan "--- hindi mo naman ako pinapansin. Hindi ka naman bingi, diba?" sabi niya na mayroong tono ng batang nagmamaktol, pero sobrang baba ng boses niya.
BINABASA MO ANG
When She Already Falls
Teen FictionPauline Alcantara never fall in love with any guy EVER in her 16 years of existence in earth. Dala na sa pagiging introvert niya at slight na malditang ugali, wala kahit isang lalaki ang lumagpas sa expectation niya. Untill one day, may bigla na lam...