UNGRATEFUL woman! Damn! Hindi nga alam ni Danz kung anong pumasok sa kokote niya at niligtas niya ang babaeng iyon. It happens really fast, that moment, damn it! Sana hinayaan niya na lang na mamatay ito sa car accident. Ingrata talaga ang babaeng iyon, unang kita niya pa lang. Nasalo na yata lahat ng masamang ugali sa katawan. Tsk. Hindi niya alam kung bakit hinahangaan ito ng mga tao, gaya ng kapatid niyang hunghang.Tsss... He regret saving that bitch.
“She's pretty right?” Tanong nito nang makarating sila sa kanyang Hospital room.
“She isn't.” Walang alinlangang tanong niya.
Lumukot naman ang mukha ni Edzel sa sinabi niya. “How did you save her anyway? Nag aalala si Mommy sayo, kaunting mali lang sa ginawa mo malamang sasakyan mo ang nahulog sa Pasig river, nandito na pala si Dad. Nasa office natin nilapag lang iyong gamit niya.”
“Maybe I'm a bit drunk last night, that's why I'm not on my usual mind. I don't even wanna save that woman.” Naupo siya sa kama, tinaggal ang Doctor's gown niya.
Hindi naman siya nakainom kagabi, hindi niya lang talaga alam kung bakit nakuha niyang sagipin ang babaeng iyon, he doesn't have any idea that the person he saved is that woman. Nalaman niya na lang iyon noong lumabas siya ng sasakyan para tawagan ang ambulance nila at tignan ang tao sa loob ng kabilang sasakyan.
That woman is wreck of alcohol. Siya pa nga ang nagtapon ng mga beer in can nito para hindi malaman ng mga pulis at ng media. Tss. Bakit niya ba ginawa iyon?
Hindi maganda ang pakiramdam niya sa mga pinaggagawa niya. Nilingon niya si Edzel na inaayos ang IV niya, which is hindi naman na kailangan iyon kung tutuosin. Bigla niyang naisip iyong babae, tumaas ang kilay niya. That ungrateful woman and his no fun brother would a perfect match.
Maybe he can try the love potion for them.
Tignan na lang natin kung hanggang saan ang babaeng iyon kapag na-in love? Those people who are in love are pitiful. They tastes the pain of the deadliest poison.
Love. Tsk. Fool.
“Danz! Goodness son, what happened to you?” Humahangos na lapit sa kanya ng amang kapapasok lang sa kanyang silid. “Are you okay?”
“Yeah, Dad, just a little bruises but I'm fine.” Aniya.
“You're fine but you've broken your left arm?” Si Edzel iyon, pinanlakihan niya ng mata. “Dad, he refused to be treated his arm, okay lang daw siya. He's a hard headed as always.”
“I told you, I'm fine.” Giit niya.
“Danz, your mother is with me. Nag aalala siya sayo.”
Nag iwas siya ng tingin. “I don't wanna see her.” Madilim ang boses niya.
Eksakto namang kakapasok ng kanyang ina. Napailing na lamang siya. Why is she here? Hindi naman na kailangan. Marahan itong lumapit sa kanya, she probably knew how cold he is towards her kaya nag aalinlangan ito sa paglapit sa kanya.
“What are you doing here?” He asked, rudely.
“Etherious!!” His Dad growled. “She's your mother!!”
Hindi na siya sumagot pa, umayos na siya ng higa sa kama. He wants to call M2 or Jade to ask them something but seems like he doesn't have a time to have a small talk to them.
“How are you, anak?”
Napuno ng iritasyon si Danz nang marinig ang tanong ng ina pero ng lingonin niya ang Daddy niya, napilitan siyang sagotin iyon.
