Chapter 6

6.9K 181 7
                                        

TODAY is gonna be the first day of her shooting at TEZM but then, gagawin muna nila ang ceremony bago magstart ng shooting. Opening prayer and so on para maging successful ang flow ng whole shoot nila. Dumating na rin si KSH sa bansa, noong isang araw pa and her fans are very thrilled about this upcoming project. Pagpinagsama ang fans nila ng isang sikat na Korean actor, malamang marami ng nakaabang sa labas ng Hospital para masilayan. It's going to be a bothersome at TEZM, mabuti't pumayag ang mga ito but that Hospital has a good facilities, ito ang nag rank #2 Hospital sa buong Asia.

Habang nasa loob siya ng sasakyan niya with her P.A, Prada and her driver Kuya Ted, tahimik niyang binabasang maiigi ang mga lines niya. So, she's going to be a Doctor and KSH too. Doon naman umiikot ang drama, anak siya ng may-ari ng Hospital which is gagampanan ng isang batikang actor sa Pilipinas, si KSH naman ay intern. It's a typical medical romance drama but there's thrill kasi ang gaganap na ama niya rito ang dahilan kung bakit namatay ang magulang ni KSH sa drama. So, it's gonna be that heavy drama?

First day pa lang ay may kissing scene na kaagad sila.

“Miss Mhel, okay ka lang po ba? Tinatanong po ni Mama G kung may masakit pa po sa inyo?” Si Prada iyon.

Tumango lang siya, nakalabas na siya ng hospital two days ago. Eksakto lang at uumpisahan na ang pagsho-shoot ng bago niyang drama with Korean actor KSH. Noong isang araw pa nasa bansa ang binata, dinalaw pa nga siya nito sa condo niya. Well, they're  good friends naman dahil minsan na silang nagsama sa ELLE Korea magazine.

“Tinanong niya po kung nakatulog po kayo ng maayos Miss Mhel.” Lately, inaatake siya ng insomnia. Siguro dahil panay niyang napapanaginipan ang madilim na nakaraan ng buhay niya na ayaw niya na sanang alalahanin pa.

“Uminom ako ng gamot.” Aniya. “Sleeping pills can handle my insomnia, Prada. Tell Mama G that don't worry about me.”

Hindi na siya nagtaka ng makitang maraming fans sa labas ng Hospital pero sa kabilang kalsada lang, mahigpit ang securities ng Hospital at ng ASP para sa project na ito. Isa pa'y malaking abala sa Hospital kapag may emergency tapos nakaharang ang mga fans.

Pinagbuksan siya ng isang security. Nagsigawan kaagad ang mga fans niya ng makita siya. Nakasunod lang sa kanya si Prada.

“Mhelanie! Goddess! Goddess! We love you!”

“Miss Mhelanie! Kyaaah! Ang ganda ganda mo!”

“Shit! Nakakatibo siya! Whooo!”

“Goddess! Goddess!”

“We love you Miss Mhelanie!”

Iilan lang iyan sa maingay na sigaw ng mga fans niya. Hindi naman siya naging madamot at kinawayan niya ang mga ito. Mas lalong lumakas ang tilian. Tumalikod na siya para makapasok sa Hospital.

“Nasa dressing room na po si Mr. So Hyun. Isang dressing room lang po kayo, Miss Mhel.” Ani Prada.

Tumango siya, mabuti't nagprovide ang hospital ng dressing room para sa kanila. Dapat ay sagot na iyon ng production. Pwede namang magtayo ng tent sa labas ng Hospital para pahingahan.

May nakabuntot din sa kanyang dalawang bodyguards under ASP station. Pumasok na siya sa loob, ang mga nurses at ilang pasyenyeng naabutan niya ay binati siya kaya ngumiti naman siya pabalik ang kumaway.

Nakarating sila sa dressing room na sinasabi ni Prada, naiwan ang dalawang body guards sa labas. Sila naman ni Prada ay pumasok na, tumayo kaagad ang kaibigan niyang Koreano nang makita ang pagpasok niya.

“Anneyong~” Bati niya at nagbow, ganoon naman kasi ang sign of respect sa Korea.

Ganoon naman ang ginawa din nito. Nakangiti ito sa kanya, lumapit si Mhel sa binata at nakipagbeso rito.

Dangerous DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon